I.

102 6 4
                                    

Hansol.

I stared at my own reflection. Namumugto nanaman ang mga mata ko. Tinaas ko ang isa kong palad at itinakip sa kaliwa kong mata. Bakit ganito? Nagising na nga akong mugto ang mga mata pero gusto ko nanamang umiyak?

Ang hina hina ko talaga. Ang hina hina mo talaga, Hansol.

Yumuko at tinitigan ang blade na nasa lababo. I can't feel anything emotionally at nakakabaliw 'yon, ang hirap hirap. Umiling ako at tiningnang muli ang repleksyon ko.

Ano bang problema mo? Bakit wala kang kwenta? Mamatay ka na sana.

Hindi ko na kaya, nakakabaliw. Paano ba ako naging ganito? Paano ba ko napunta sa sitwasyong 'to? Para akong nasa isang digmaan.

Walang katapusang digmaan.

Digmaang ako ang nagsimula. Digmaang lumalaban ako kahit hindi ko alam kung mananatili ba akong humihinga sa dulo. I once again stared at my own reflection.

Ikaw ang nagsimula neto, ikaw ang tumapos tanga.

Ramdam na ramdam ko ang dugong dumadaloy sa kamao ko, hinayaan ko itong tumulo at muling tinitigan ang basag na salamin sa harapan ko. Umupo ako sa sahig at niyakap ang sarili kong mga tuhod.

Pagod na pagod na ako.

——

"Oy, Hansol! Di tayo late ngayon, ah? Anong meron? Bagong buhay?" Salubong saakin ni Seungcheol hyung at inakbayan ako.

"Ewan ko sayo, hyung," Umupo ako sa lamesa namin na puno ng tawanan. Palibhasa first day of school at miss nila ang isa't-isa.

"Hansol! Kamusta bakasyon?" Bati ni Soonyoung hyung at ginulo ang buhok ko. Mahirap ang bakasyon ko, hyung. Halos mamatay na ako. Kahit isang beses lang hindi ko nakayanang ngumiti buong bakasyon.

"Ayos lang naman. Masaya hahahaha," Masaya kong sabi na may malaking ngiti sa labi. Hindi ko rin alam hanggang kelan ako magsisinungaling.

"Oy, nabalitaan nyo ba na may transferee daw sa section natin na galing Jeju?" Tumigil ang tawanan na umaalingawngaw sa lamesa at agad silang tumingin kay Jun hyung. Kalalaking tao mga tsismoso.

"Talaga? Maganda ba?" Tanong ni Soonyoung hyung.

"Tanga ka ba? All boys 'tong school natin pano magiging maganda yung transferee?" Tanong ni Seungcheol hyung kaya napuno nanaman ng tawanan ang lamesa. Pinilit kong ngumiti at sumabay sa mga tawanan nila.

"Pero seryoso balita ko magaling daw kumanta yun. Nako, Seokmin kabahan ka na." Nagtawanan sila ulit at sumabay na lang ako.

Nag simula nanaman silang magtawanan at mag-ingay. Saglit akong nanibago sa ingay na naririnig ko. Gusto ko munang mapag-isa.

Tumayo ako at sinabi sa kanila na pupunta lang ako sa garden para matulog. Huminga ako nang malalim habang naglalakad. Halos di pa nagsisimula ang araw ko pero pagod na agad ako. Kelan ba matatapos 'to.

Nang makarating ako sa garden ay agad akong humiga sa grass fields. Ako lang naman ang tao dito. Ako lang, mag-isa nanaman ako. Sinalpak ko ang earphones ko at tumingin sa langit. Buti na lang at hindi maaraw kundi matutusta ako dito. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung tahimik lang, mahangin, tapos ikaw lang mag-isa. Tangina, ang pathetic ko. Bakit ba lagi na lang ako dumadating sa punto na naaawa ako sa sarili ko? Dapat sanay na ako. Sanay na akong nakakaramdam ng lungkot at sakit. I was born to suffer and I am aware of that.

Gusto ko na mamatay.

I laughed bitterly as I felt my eyes slowly being filled with tears. Dumilim bigla ang paligid ng talukap ko. Uulan ba? Agad kong idinilat ang mga mata ko at nakita ang isang lalaking nakatitig saakin. Sobrang lapit ng mukha nya and he's in an opposite position as me. Nakatihaya ako, nakadapa sya.

He has such beautiful eyes filled with emotions. I wish I had those too. He smiled at me and I have never felt this way my whole life. I feel at ease.

He sat and so I did also. Tinitigan ko sya at tinitigan nya din ako habang nakangiti. Damang dama ko ang cheerful nyang aura. Blonde ang buhok nya at hindi sya naka-uniform. Baka ito na yung transferee na pinaguusapan nila hyung kanina?

Bigla nyang iniabot saakin ang kamay nya at ngumiti ng malawak. Anong ginagawa nito?

"Hi. Ano name mo? I'm Boo Seungkwan. Nice to meet you." He cheerfully said. Tinitigan ko ang kamay nya at hindi ako sigurado kung dapat ko ba syang kamayan at kung dapat ko bang ipakilala ang sarili ko.

"Hansol." I shortly answered and shook his hand.

"Ah! I've heard about you. Kilala ka din bilang Vernon diba?" Sabi nya na para bang close na close kami. I furrowed my eyebrows, pano nya nalaman?

"Yeah. You must be the Jeju boy?" I asked.

"Wow! Pano nalaman?" Masigla nyang tanong at tingnan ako ng diretso sa mata. Agad akong umiwas ng tingin.

"Huh? Ewan, narinig ko lang," Sabi ko na may konting hiya. Baka isipin nya tsismoso ako.

"Ah, ganun? Oo nga pala, naliligaw kasi ako dito pwede bang samahan mo ako sa quadrangle?" Nahihiya nyang sabi at napakamot sa kanyang batok.

"Sure." Maikli kong sagot at tumayo. Maglalakad na sana ako nang bigla nya akong hawakan sa pulso. Sa gulat ko ay tinabig ko sya ng malakas. Damn, nahawakan nya ang mga sugat ko.

"Ano ba?" Naiinis kong tanong.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Pwede bang umupo ka muna? Matagal pa naman ang star ng classes," Maingat nyang tugon.

"I can't. Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Nagsimula na akong maglakad papalayo nang mapatigil ako dahil sa sinabi nya.

"Bakit ka naglalaslas?"

I quickly walked closer to him and grabbed his collar. Wala syang karapatan na tanungin ako ng ganoon.

"Anong sabi mo?" I said with gritted teeth and leaned closer to his face.

He doesn't look intimidated at all. Hindi sya sumagot at tinitigan ako sa mata na para bang eto na ang huling beses. Damn, he's pissing me off.

"Nagtanong lang ako, Hansol," sabi nya na may ngiti pa rin sa labi.

"Wala kang kahit na sinong pagsasabihan ng kung ano mang nahawakan mo kanina." I threatened and stared square at his eyes.

"Hansol. . . why do you feel so blue?" Bulong nya at damang dama ko ang mainit nyang hininga sa labi ko. Smells like strawberry.

I stayed silent for a while. Ano nanamang pinagsasabi nito? I was about to ask what the hell is he talking about when he did something I never thought he'd do.

The next thing I knew, his lips is pressed against mine.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon