X.

55 3 0
                                    

Hansol.

I rang the doorbell before knocking twice. Ilang segundo pa akong nag antay bago binuksan ni Seungkwan ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa sya handang pumasok.

"Pasok ka muna," sabi nya at nauna nang pumasok. Sinara ko ang pinto at huminga ng malalim. Bakit parang mas malakas ang amoy ng strawberry ngayon? Ang weird mo, Hansol.

Umupo ako sa sofa at kinulit ang pusang katabi ko. Binuhat ko ito at nilagay sa hita ko. I stroked her head and her fur is flying around. Hinalikan ko sya sa noo dahil hindi ko matiis ang cuteness nya at pati sya ay amoy strawberry. Lahat na lang ba, Seungkwan?

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Seungkwan na kakalabas lang sa kwarto nya. Hindi pa.

"Oo." Maikli kong sagot nang hindi tumitingin sa kanya. Umupo sya sa kabilang dulo ng sofa at damang dama ko ang mga titig nya.

"Di nga?" Tanong nya pa ulit.

"Oo nga. Pwede bang dalian mo na lang at baka ma-late tayo?"

"Sungit. Maaga pa kaya!" Tiningnan ko ang wrist watch ko at oo nga, maaga pa pala.

"Kumain na nga ako. Bakit ba magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?" Sabi ko sa kanya at sinulyapan lang sya.

"Sinungaling," sabi nya sa isang seryosong boses kaya tumingin ako sa kanya at seryoso din ang titig nya saakin. Sigh.

"It doesn't matter. Bakit ba ginagawa mong big deal?" Tanong ko sa kanya at tinignan na lang ang natutulog na si bongbong sa mga hita ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag tayo nya at naglakad palapit saakin.

Kinuha nya si bongbong at nilagay sa tabi ko. Tiningnan ko sya at hinatak nya naman ako papuntang kusina. Don't tell me papakainin nya nanaman ako? Ayoko, nakakahiya na talaga.

"Seungkwan, kung papakainin mo nanaman ako, ayoko okay?" Sabi ko at binawi ang kamay kong hawak hawak nya. Bigla syang umupo at nilagay ang isa nyang siko sa lamesa habang ang mukha nya ay nakasandal sa palad nya.

"Kung ayaw mong kumain, ako gusto ko," sabi nya at nginitian ako ng malawak. Tinaas ko ang isa kong kilay sa kanya. Anong ibig nyang sabihin?

"Pagluto mo ako, Sol." I scoffed. I can't even cook a proper meal for myself tapos pagluluto ko pa sya? Ilang minuto akong nanatiling nakatayo at nakipagtitigan lang sa kanya bago ko inilapag ang bag ko sa lamesa at lumapit sa refrigerator.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko na para bang marunong akong magluto. Pwe, Hansol.

"Ano bang kaya mong lutuin?" Tanong nya na may malaki pa ring ngiti sa labi.

"Ramen." Seryoso kong sagot at tumingin sa kanya. Tumawa naman sya ng tumawa na para bang nagjoke ako. Anong nakakatawa?

"Seryoso? No wonder sa labas ka kumakain palagi," sabi nya habang tawa pa rin ng tawa. Nagsimula na rin akong matawa.

"Ham and eggs?" Suhestyon ko.

"Ang aga aga Hansol papakainin mo ako ng oily foods?" Tanong nya at inirapan ako.

"Eh, ano pala?" Tanong ko na nakakunot ang noo. Bakit kasi gusto nyang ipagluto ko sya? 'Di naman sa ayaw ko. Nakakahiya lang kasi wala akong alam lutuin.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon