XX.

54 4 0
                                    

. . .

Nauna nang lumipat sa lilipatan nila ang hyung line at eto ngayon ay susunod na ang mga nakababata. Hindi madali ang lipat bahay nila lalo na ang paglilipat ng mga gamit.

Ilang araw na ang nakalilipas nang makalabas na si Hansol.

Nang una nilang makita ang lilipatan nila ay namangha sila. Hindi ito maliit, medyo malaki pero hindi sobrang laki. Isa itong apartment complex na may 7 units. Pagpasok ay sala ang unang bubungad at apat na unit. Sa susunod na floor naman ay tatlo.

"Woooooow!" Parang batang sabi ni Seokmin.

Nilapag ni Hansol ang bitbit n'yang bag bago nilibot ang bago n'yang tirahan. Pumasok s'ya sa kusina at nakitang malinis ito at may iilan nang gamit. Sunod naman s'yang umakyat sa second floor at medyo malawak din ito.

"Hoy! Punta muna kayo rito!" Rinig n'yang sigaw ni Seungcheol mula sa baba. Bumaba s'ya at nakitang kumpleto na sila sa sala at pati si bongbong ay nandoon. Umupo s'ya sa tabi ni Seungkwan.

"Kayo na ang pumili ng unit kung saan n'yo gusto. Per unit may dalawang kwarto. Kayo na rin bahala kung sino ang gusto n'yong kasama sa uni-" Hindi na natuloy ni Seungcheol ang sasabihin n'ya nang magsimula silang sabay sabay na magsalita. Napangiti at umiling na lang si Seungcheol. Parang mga bata.

Matapos ang pag-uusap usap nila sa kung saang unit nila gusto at kung sino ang gusto nilang kasama ay nagkanya kanya na sila para ayusin ang mga gamit at unit nila.

"Hoy, Seungkwan! 'Wag kang makalat dito sa unit natin, ah!" sabi ni Mingyu sa unit mate n'ya.

"Excuse me, malinis akong tao! Baka ikaw!" sabat naman ni Seungkwan at hindi nagpatalo.

Ang apat na unit sa baba ay occupied nina Seungkwan at Mingyu, Jun at Hoshi, Jisoo at Seungcheol, Jeonghan at Chan.

Sa taas naman ay si Wonwoo at Hansol, Minghao at Seokmin, at mag-isa naman si Jihoon sa isang unit. Gagawin na lang daw nilang guest room ang isa pang kwarto sa unit na 'yon.

Sa bawat unit ay may espasyo pa na naghihiwalay sa dalawang kwarto na sapat naman na para gawing maliit na sala o kung ano man ang gusto nilang gawiin doon.

"Ang pogi ko." Lahat sila ay napatingin sa ceiling nang marinig iyon. Meron pa lang speaker doon na malamang konektado sa isang kwarto. Kwarto ni Seungcheol, saan pa ba.

"Libre mangarap!" Rinig ni Hansol na sigaw ni Seungkwan na nagpatawa sa kanila.

Sa buong maghapon ay abala silang ayusin ang mga gamit nila habang naglolokohan kaya hindi nila alintana ang pagod dahil masaya naman.

Papalubog na ang araw at tahimik na nakaupo si Hansol sa sala ng bahay nila. Maganda ang ideya ni Seungcheol na lumipat sila sa iisang bubong. Kumpara sa bahay ni Hansol na madilim, tahimik, makalat at mag-isa lang s'ya, dito ay iba ang lahat. Maliwanag rito at maingay. Masigla rin ang awra dito at parang hindi napapagod maglokohan ang mga kaibigan niya. Hansol smiled genuinely a lot today.

"Order or may magluluto?" Seungcheol asked through the speaker thing. Kanina pa nila pinaglalaruan 'yon dahil kung ano ang sinasabi nila roon ay naririnig sa buong bahay.

"Order na lang! Wala pang groceries." Narinig ni Hansol na sabi ni Jeonghan hyung.

"Ako pipili ng o-order-an natin!" sabi ni Chan at lumabas sa unit nila.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon