Hansol.
Nasa isang lugar ako kung saan maliwanag at puro puti lang ang makikita. Tumingin ako sa paligid at wala akong ibang makita kundi kulay puti na tila walang hanggan. Nasaan ba ako?
"Hansol..."
Agad akong lumingon nang may marinig akong bulong na tinawag ang pangalan ko pero iba na ang nakita ko.
Nakita ko sila hyung at chan. Masaya silang tumatawa at nag-aasaran sa tambayan. Lahat sila ay nakangiti at mukhang masaya. Nakita ko rin doon ang sarili ko na katabi si Seungkwan at masaya ring tumatawa.
"Hansol..."
Muli kong narinig ang boses at sa susunod ko nanamang paglingon ay iba nanaman ang nakita ko.
Si Seungkwan. Nakatayo sya sa tabi ko at nakangiti. May sinabi syang hindi ko narinig bago tumawa. Ang saya saya nyang tingnan. Ako ba ang kausap nya?
Biglang sumeryoso ang mukha nya at may sinabi nanamang hindi ko marinig pero nabasa ko kung ano iyon sa mga labi nya. 'Hansol, mahal kita.'
"Hansol..."
Sa muli ko nanamang paglingon ay biglang naging itim at madilim ang paligid. Anong nangyayari?
Muli kong nakita ang tambayan at ang mga kaibigan kong naroon pero nag-iba na ito. Mabigat at malungkot ang awra sa piligid, walang tawanang maririnig, walang nakangiti. Lahat sila mukhang malungkot o pagod. May ibang seryosong nag-uusap, may nakatulala lang sa kung saan, at ibang mukhang nakikinig lang sa musikang nanggagaling earphones na suot.
Wala rin kami doon ni Seungkwan.
"Hansol..."
Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko nang ibang boses na ang tumawag saakin. Hindi kagaya ng kanina, ang boses na ito ay mababa at malalim. Kahit 'di kumportable ay lumingon ako.
Doon ko nakita si Seungkwan na nakaupo sa isang lugar kung saan puro damo at mahangin. Sa lugar kung saan ko sya dinala.
Pero mag-isa lang sya. Tahimik syang umiiyak at hindi manlang nag-aabalang punasan ang mga luhang tuloy tuloy ang tulo sa mga pisngi nya. Ilang minuto lang akong nakatayo at pinapanood syang umiyak na para bang hindi sya nauubusan ng luha at dahilan para umiyak.
Wala akong masabi. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at punasan ang mga luha nya at yakapin sya ng mahigpit hanggang sa maramdaman nyang hindi na sya nag-iisa. Pero hindi ako makagalaw.
"Hansol..."
Nang marinig ko ang pamilyar na malalim na boses ay agad ako lumingon pero wala na akong nakita. Madilim ang buong paligid at wala akong makita. Muli akong lumingon, at isa pa ulit, paulit ulit pero wala na akong makita.
I sat hopelessly.
Ano bang nangyayari? Noong una ko silang makita ay masaya sila, masaya si Seungkwan. Noong sunod ay lahat sila malungkot, si Seungkwan umiiyak.
Masaya sila noong ando'n ako. Noong wala na ako ay kabaligtaran naman. Ako ba ang may gawa no'n?
Ibig sabihin lang ba no'n na masaya sila kapag kasama nila ako at malungkot kapag hindi? Pero hindi ko maintindihan, bakit gano'n ang mga itsura nila? Bakit gano'n na lang kung umiyak si Seungkwan?
Niyakap ko ang mga tuhod ko at sumandal rito bago ipinikit ang mga mata ko. Ano bang nangyari?
Bigla akong nakaramdam ng malakas at malamig na simoy ng hangin kaya agad akong tumayo at nakitang puti at maliwanag nanaman ang paligid.
Pero unti-unti itong nagiging pula. Pula na parang dugo. Ang puti ay dahan-dahang nagiging pula na para bang ang kulay pula ay may pinang gagalingan.
Tiningnan ko ang sarili ko at pati ang suot kong puti ay unti-unting nagiging pula. Tumingin ako sa kamay ko at nakita ang pulso kong may sugat at mukhang doon nang gagagaling ang pulang kulay na dugo pala. Dugo ko pala.
Oo nga pala, tinapos ko ang sarili kong buhay.
At doon ko na iminulat ang mata ko at muling naging puti ang paligid pero may isang lalaking nakaupo at tulog ang nakita ko sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Imperfectus | ON HOLD
FanfictionImperfectus /im.perˈfek.tus/, [ɪm.pɛrˈfɛk.tʊs] -unfinished, incomplete -imperfect -- Hansol is suffering from depression since he was young until he met Seungkwan, the happy-go-lucky guy which Hansol never knew would be his bestfriend. Will Seun...