XI.

58 2 0
                                    

...

Dahan dahang minulat ni Hansol ang mga mata nya at nakita ang mahimbing na natutulog na si Seungkwan sa tabi nya. Ginawang unan ni Seungkwan ang isa nyang braso kaya hindi sya makagalaw. Pumikit sya ng mariin at inalala ang mga pangyayari.

Seungkwan, actually, ended up breaking down. Nagulat na lang si Hansol nang marinig nya ang mga hikbi ni Seungkwan kaya agad syang humarap dito. He asked what's wrong but all Seungkwan answered was, "It's attacking me."

Hindi nya alam ang gagawin no'n dahil sa gulat. Hindi nya naman alam na kaya pala yumayakap si Seungkwan ay dahil kailangan nya ng magpaparamdam sa kanya na hindi sya nag iisa. Hansol felt guilty. As Seungkwan was sobbing, Hansol hugged him as tight as he could and told Seungkwan all the comforting words Hansol could think of.

Dahil sa matinding pag iyak ay halos hindi na makatayo si Seungkwan kaya inalalayan sya ni Hansol sa kwarto nito. Pinahiga nya si Seungkwan at pinakalma hanggang sa tumahan ito. Nang makita nyang halos tulog na si Seungkwan ay tumayo sya para sana lumabas pero pinigilan sya ni Seungkwan at nagmakaawa ito sa kanya na 'wag syang iiwan at umiyak nanaman.

Hansol laid beside Seungkwan habang pinapatahan nanaman ito hanggang sa di na namalayan ni Hansol at nakatulog na silang dalawa.

Minulat nya ang mga mata nya matapos alalahanin ang mga pangyayari. Tumingin sya sa wall clock at nakitang 1 pm na. Mahina syang napamura nang maisip nyang hindi sila nakapasok ni Seungkwan.

Dahan dahan nyang inabot ang cellphone nya sa gilid ng kama at nakitang tadtad ito ng mga tawag ni Seungcheol at mga text na nag aalala kung bakit hindi sila pumasok ni Seungkwan. Binalik nya ito sa bedside table at inilibot ang paningin nya sa kwarto.

Hindi ito gaya ng sala at kusina ni Seungkwan na makulay. Gray, black, and white lang ang mga kulay na makikita dito. Masyado rin itong plain. Walang kahit na ano ang nakasabit sa pader kahit posters o maliit na frame ay wala. Tanging ang kama, isang maliit na sofa, maliit na bookshelf, wardrobe, at ang bedside table na may lampshade lang ang makikita sa kwarto nya. Inaasahan ni Hansol na mas makulay pa ito kesa sa sala pero kabaliktaran pala.

Madilim din dito dahil sa kulay gray na kurtina at kung wala ang lampshade ay walang makikita si Hansol dahil sa dilim. Sobra din ang lamig dito kumpara sa sala. Napabuntong hininga si Hansol at tiningnan ang katabi nyang natutulog. Hindi nya talaga lubos akalain na ganito ang totoong Seungkwan. Nakakagulat.

"Boo. . ." Mahinang bulong ni Hansol upang gisingin si Seungkwan. Hindi ito sumagot kaya tinawag nya ulit.

"Hmm?" Sagot ni Seungkwan at siniksik ang sarili kay Hansol. Damang dama ni Hansol ang hininga nito sa kanyang leeg at mga kamay nito na nakabalot nanaman sa bewang nya. Kahit na hindi sya komportable ay hinayaan nya na lang dahil baka ito ang kailangan ni Seungkwan ngayon.

"Boo, sa susunod. . . kung kailangan mo ng makakausap sabihin mo saakin, ah? Para hindi ka napupuno nang ganito," bulong ni Hansol sa paraang nag iingat dahil baka maiyak nanaman si Seungkwan.

Tumango si Seungkwan at hinigpitan ang yakap kay Hansol bago bumulong. "Hansol, wag mo akong iiwan."

Naramdaman ni Hansol ang pagtayo ng mga balahibo nya dahil sa mainit na hininga ni Seungkwan sa leeg nya. He remained silent for awhile before he felt Seungkwan's fingers draw circles on his back.

"I won't," sagot nya na nagpangiti kay Seungkwan.

"Bumango ka na dyan. Gawin na lang natin yung bucket list since hindi naman tayo nakapasok," sabi ni Hansol at tinapik ang likod ni Seungkwan. Hindi gumalaw si Seungkwan at nanatiling nakayakap kay Hansol. Chansing.

"Sol, bakit ang bango bango mo?" Tanong ni Seungkwan habang inaamoy ang collar ng uniform ni Hansol.

"Seungkwan." Hansol firmly said as a sign for Seungkwan to stop whatever he's saying and get his ass out of bed.

"Tinatamad ako." Seungkwan implied and started tracing letters on Hansol's back. Vernon Sungit.

"Hindi ako masuningit, Seungkwan. Babangon ka ba dyan o ano?" Masungit na sabi Hansol after realizing what Seungkwan traced on his back.

"Hindi daw. Eh, nagsusungit ka na nga eh," tumatawang sabi ni Seungkwan habang nakasiksik pa rin kay Hansol.

"Bumangon ka na nga. Let's go the playground na malapit dito."

"Bukas na lang, Sol! Tinatamad talaga ako." Pamimilit ni Seungkwan at kinagat sa balikat si Hansol.

"Aray! Seungkwan, ano ba? 'Wag ka ngang mangagat. Hindi pwede bukas may pasok tayo. Bumangon ka na," sabi ni Hansol at tinanggal ang braso ni Seungkwan na nakayakap sa kanya.

Tumayo si Hansol at inayos ang nagusot nyang damit bago nag-unat. Tinitigan lang sya ni Seungkwan na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabangon. Binalot ni Seungkwan ang sarili nya sa comforter at gumulong.

"Seungkwan, bumangon ka na." Muling sabi ni Hansol bago lumabas at pumunta sa sala. Pag labas mula sa kwarto ay nakita nya si bongbong na naka-upo sa sahig at masama ang tingin sa kanya. Geez.

Umupo sya sa sofa at tinawagan si Seungcheol. Matapos ang ilang ring ay agad din itong sumagot.

"Hansol!"

"Hyung."

"Bakit absent ka? Absent din si Seungkwan. Magkasama ba kayo?"

Pumikit ng mariin si Hansol dahil sa tanong. Kung ano ano nanaman kasi ang iisipin ng mga hyung nya pag nalaman nilang magkasama nanaman sila ni Seungkwan kaya sila absent.

"Ah, oo. Sorry 'di ko nasabi. Nakalimutan ko."

"Ayos lang. Akala ko naman kasi napano na kayo ni Seungkwan."

"Ayos lang kami, hyung."

"Oh, sige tinatawag na nila ako. Sasabihin ko na lang sa kanila."

"Sige, hyung. Salamat."

"Ingat kayo, ah!"

Nang matapos ang tawag ay sakto na lumabas si Seungkwan sa kwarto bitbit si bongbong.

"Kung aalis tayo, tara na. Para hindi tayo gabihin," sabi ni Seungkwan at nilapag sa sahig si bongbong. Tumango lang si Hansol at tumayo na.





Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon