XXIV.

57 2 0
                                    

. . .

Mahinang kumatok si Seungkwan sa pinto ng unit ni Hansol at Wonwoo. Maaga pa kasi at baka magising ang iba kapag nilakasan n'ya ang katok.

"Pasok." boses ni Wonwoo ang narinig niya. Binuksan n'ya ang pinto at nakita si Wonwoo na nakaupo sa maliit nilang sofa habang nagbabasa ng libro at si Mingyu na nakahiga sa hita n'ya habang tulog.

Kaya pala wala 'to sa unit namin.

Nginitian lang ni Seungkwan si Wonwoo bago dahan-dahang pumasok sa kwarto ni Hansol. Mahimbing itong natutulog. Lumapit si Seungkwan sa kanya at hinawi ang iilang hibla ng buhok nito na humaharang sa mukha n'ya.

Nakangiting pinagmasdan n'ya lang ang natutulog na si Hansol. Hindi n'ya na napigilan ang mapaisip, na ang swerte swerte n'ya at nakilala n'ya si Hansol dahil kung wala s'ya hindi n'ya makikilala ang mga kaibigan nila, hindi mababago ang buhay n'ya.

Humiga s'ya sa kama at siniksik ang sarili n'ya kay Hansol. Naramdaman n'ya ang braso ni Hansol na bumalot sa bewang n'ya na dahilan ng pag ngiti n'ya.

"Sol." Mahinang tawag ni Seungkwan.

"Hmm?" Hansol answered in his half asleep state.

"Alis tayo."

"Sa'n pupunta?" sagot ni Hansol nang hindi binubuksan ang mga mata n'ya.

"Kahit saan. Sa amusement park?" excited na sabi ni Seungkwan.

Hindi sumagot si Hansol at hinila na lang papalapit si Seungkwan sa kanya at inamoy ang buhok nitong amoy strawberry. Binaon naman ni Seungkwan ang mukha n'ya sa dibdib ni Hansol nang nakangiti. This is his favorite place, in between Hansol's arms.

"Mamayang hapon na lang, Boo. Ang aga pa tinatamad ako." inaantok na sabi ni Hansol.

Hansol gently stroked Seungkwan's hair until the latter drifted to sleep. Deep inside, ayaw n'yang patulan ang pag-aaya ni Seungkwan sa amusement park dahil kasama iyon sa bucket list at natatakot s'yang baka gusto pa rin iyong tapusin ni Seungkwan.

Minulat n'ya ang mga mata n'ya at tiningnan ang lalaking nakahiga sa braso n'ya at mahimbing na natutulog. He smiled unconsciously.

Hindi n'ya talaga lubos akalaing magmamahal s'ya ng isang kapwa lalaki. Pero para kay Seungwan, he was more than willing to break his own rules and reconsider his sexuality. Kung ano ang sasabihin at iisipin ng iba ay 'di na rin mahalaga para sa kanya. Ang mahalaga, Si Seungkwan.

----

"Isama kaya natin sila?" Suhestyon ni Hansol habang nakatingin kay Seungkwan.

"Date natin 'to! Bawal!" pagtutol ni Seungkwan habang nagsisintas ng sapatos.

Bihis na si Hansol at inaantay na lang si Seungkwan matapos. Tumingin si Hansol sa paligid ng sala, nag-iisip ng idadahilan.

Gusto n'yang umalis na si Seungkwan lang ang kasama pero ayaw n'yang maramdaman na kaya sila pupunta roon ay para sa bucket list.

"Hihiwalay na lang tayo sa kanila kapag andun na, Boo."

"E, bakit pa sila sumama?" natatawang tanong ni Seungkwan.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon