Seungkwan.
Tahimik akong naglakad sa hallway ng ospital papunta sa kwarto kung nasaan si Hansol.
It's been two days at hindi pa rin nagigising si Hansol. Maayos ang lagay nya pero maraming dugo ang nawala sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gising.
Nang makarating ako ay dahan-dahan ang pagbukas ko sa pinto. Nakita kong madilim ang kwarto at tanging ang ilaw lang mula sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag dito.
Tahimik akong pumasok at nakita si Jeonghan hyung na nakaupo sa tabi ng kama at tulog.
Dahil wala ang mga magulang ni Hansol dito ay kami ang nagbabantay sa kanya. Salit salit kami depende sa schedule ng mga klase namin.
"Jeonghan hyung. . ." mahina kong bulong bago maingat na ginising si hyung. Minulat nya ang mga mata nya bago nag-inat.
"Oh, Seungkwan? Sorry nakatulog pala ako," bulong nya at nginitian ako.
"Magpahinga ka na sa bahay mo, hyung. Ako na ang magbabantay kay Hansol."
Tumayo sya at kinuha ang mga gamit nya bago nagpaalam saakin at tuluyan nang umalis. Ilang segundo akong natulala sa pinto bago umupo sa upuan na inuupuan ni hyung kanina.
Tumingin ako kay Hansol bago hinawakan ang kamay nya gamit ang dalawa kong kamay. Tanging tunog ng mga makina lang ang maririnig.
He looks so peaceful. Parang walang problemang dinadala. His thick eyebrows, long lashes, matangos na ilong, at mapupulang mga labi makes him look like an angel.
"Hansol, kelan ka ba gigising? Namimiss ka na ng mga kaibigan natin."
Nakasanayan ko na ang kausapin sya na para bang sasagot sya sa tuwing dumadalaw ako. Lagi na nga akong nandito, e. Kulang na lang dito na ako matulog.
Matapos nung away na naganap noong isang araw ay hindi ko na nakita si Seungcheol hyung. I feel guilty. Pakiramdam ko kasalanan ko talaga kahit na sinasabi na saakin nila hyung na bumibisita naman daw si Seungcheol hyung dito pag nasa school ako. Iniiwasan nya ba ako?
I slowly traced my fingers in Hansol's wrist that is covered with a bandage. Para ka namang gago, Hansol. May bucket list bucket list ka pang nalalaman ikaw naman pala 'tong susuko.
Kahit na ayaw ko ay hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko sa kamay ni Hansol.
"Namimiss na kita, Sol."
Sobra na rin akong napapagod. I was so close to giving up. Maraming beses ko na ring naisip na tapusin na lang 'tong mga sakit.
Pero kapag naiisip ko 'yong mga dahilan kung bakit ako lumalaban parang ang sarap sarap pang mabuhay. Sila hyung at Chan.
Lalong lalo na si Hansol. Sa laban kung saan sugatan at nakadapa na ako parang sya yung gumagamot saakin at tinutulungan akong tumayo.
Kaya gusto ko ring iparamdam 'yon sa kanya pero I failed. Akala ko naipaparamdam ko sa kanya na andito lang ako, na hindi sya nag-iisa pero mali pala ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago ngumiti at nagsimulang magkwento kay Hansol.
"Sol, alam mo ba, pinagalitan ako nung professor nating panot kanina kasi hindi daw ako nakikinig sa klase nya, hanep. Nakatingin lang naman ako sa bintana," pagsusumbong ko na parang bata.
"Hinahanap ka na nga ng ibang mga kaklase at professor natin, e. Alam mo parang sobrang kulang na kulang 'yong classroom para saakin kasi wala yung masungit kong seatmate," natatawa kong sabi. Kung gising si Hansol at naririnig ako ngayon ay siguradong sasamaan ako nito ng tingin kasi tinawag ko syang masungit. Okay lang, cute pa rin naman sya.
"Gumising ka na kasi, Sol. Maraming nag-aantay sayo," naramdaman ko nanaman ang mga luha kong malapit nang tumulo.
Binitawan ko ang kamay ni Hansol at tumayo bago pinunasan ang mga mata ko.
'Wag ka ngang iyakin, Seungkwan. Bading ka ba?
Oo nga pala. I'm gay for Hansol.
Tumalikod ako at mahinang natawa. "Gumising ka na, Sol. Para akong tangang iyak-tawa dito mag-isa."
Lumapit ako sa maliit na lamesa na katabi ng kama at inaayos ang mga nakalagay doon. Basta talaga sila hyung, kahit saan mapunta nag-iiwan ng kalat.
Sunod akong lumapit kay Hansol at inayos ang kumot at unan nya. Mahirap na baka giniginaw o nangangalay na pala sya.
Muli akong umupo at isinandal ang ulo ko sa kama bago ipinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Imperfectus | ON HOLD
FanficImperfectus /im.perˈfek.tus/, [ɪm.pɛrˈfɛk.tʊs] -unfinished, incomplete -imperfect -- Hansol is suffering from depression since he was young until he met Seungkwan, the happy-go-lucky guy which Hansol never knew would be his bestfriend. Will Seun...