XXII.

58 3 0
                                    

Hansol.

"Kumakain ba sila nito?" tanong ni Wonwoo hyung at tinaas ang isang brand ng nuggets.

"Kahit ano naman kinakain nila," sagot ko. Wonwoo hyung just shrugged at nilagay sa basket ang limang pack ng nuggets. Grabe.

It's almost 12 am at nasa isang grocery kami na 24/7 hours open. Wala kaming pasok bukas at lahat kami ay hindi makatulog kaya heto, nag grocery na lang.

We were divided sa kung sino ang bibili ng toiletries, pagkain, at iba pa. Kasama ko si Wonwoo hyung, Seungkwan, at Mingyu. Ang galing lang, bwisit.

Kanina pa sila tumatawa at nag-uusap. Literal na magkadikit lang sila. Parang wala lang kay Wonwoo hyung at nagtataka ako doon. Akala ko ba gusto n'ya si Mingyu?

Nang makarating kami sa section ng chips ay may gustong kunin si Seungkwan pero hindi niya abot. Lalapit na sana ako para tulungan s'ya pero nauna si Mingyu. Inabot n'ya ito nang walang kahirap hirap. Humarap si Seungkwan sa kanya, and it looked like Mingyu's pinning him on the shelf.

What. the. fuck.

Naramdaman ko ang pagbigat ng hininga ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumalikod na lang ako at binilisan ang lakad papunta kay Wonwoo hyung.

"Shit, ano 'to. . ." I cursed underneath my breath.

"Selos ka?" Tanong ni Wonwoo hyung habang tumitingin sa listahan na hawak niya.

"Ano? Why would I be? Wala naman akong gusto kay Seungkwan."

"Wala naman akong sinabing may gusto ka kay Seungkwan. Malay mo ang ibig kong sabihin ay nagseselos ka kasi bestfriend mo si Seungkwan pero iba na ang lagi niyang kasama ngayon," sabi n'ya at kinindatan ako bago naunang maglakad.

I was left dumfounded and caught off guard. What the hell.

----

Nasa counter kami at nagbabayad, ang iba ay nag-antay na sa labas. Sobra dami naming pinamili.

Nang matapos na kaming magbayad ay kanya kanya kaming bitbit. Nakita ko si Seungkwan na nahihirapang magbitbit pero hindi ko s'ya pinansin at dadaanan na lang sana nang tawagin niya ako.

"Hansol, tulungan mo naman ako," sabi n'ya at nilapag sa sahig ang mga bitbit niya.

"Why don't you ask Mingyu?" It was all I answered before walking away.

Nang mailagay ko sa kotse ang dala ko ay halos sabunutan ko ang sarili ko. What did I just do? Ano nanaman 'yong sinabi ko? That was very rude. Humihingi lang naman s'ya ng tulong. Tangina naman, Hansol.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at sa front seat umupo. Baka magtabi pa kami ni Seungkwan pag sa likod ako umupo.

"Hansol may problema ba? Nag-away ba kayo ni Seungkwan? Nakita ko 'yon kanina." Nag-aalalang sabi ni Seungcheol hyung nang pumasok s'ya sa driver's seat.

"Wala." Maikli kong sagot at sinuot ang earphones ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at sa kakaunting taong naglalakad.

Ano bang problema, Hansol? Bakit ka nagkakaganyan? Bakit mabigat pakiramdam mo? Hindi ko maintindihan sarili ko. Hindi ko alam kung sino ang umiiwas, kung si Seungkwan ba o ako. O may umiiwas ba talaga?

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon