XXXI.

58 3 5
                                    

Hansol.

"Tangina!" sigaw ni Seungkwan nang makalabas kami ng bahay nila.

"Boo-"

"Nakakadiri ba tayo, Sol, para ikahiya? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit-"

"Seungkwan, it's okay." Hindi ko na pinatapos si Seungkwan sa sasabihin n'ya at agad s'yang niyakap.

"Hindi ayos, e. Paanong hindi nila ako matanggap, Sol? Tayo? Pamilya ko sila," sabi n'ya at tuluyan nang umiyak.

Wala akong ibang magawa kundi yakapin at patahanin s'ya. Nahihiya ako kay Seungkwan at sa sarili ko dahil hindi ko man lang naipaglaban ang kung anong meron kami dahil sa kaduwagan ko.

Ilang minuto kaming nanatiling ganoon bago n'ya nilabas ang cellphone n'ya at may tinawagan.

"Hello? Moonbin? Ah, nasa Jeju kasi ako at ano, may nangyari kasi dito sa bahay. Pwede pasundo? Mamaya ko na sasabihin kung ano."

Nang matapos ang tawag ay huminga s'ya ng malalim at tiningnan ang bahay nila bago ako sinabihan na aantayin namin ang kaibigan n'ya sa isang convenient store.

"Sino si Moonbin?" tanong ko habang naghihintay kami.

"Kababata ko." Walang buhay n'yang sabi.

Lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya mula sa gilid. "Kwan, 'wag ka na malungkot."

"I'm sorry, Sol. Hindi ko rin inaasahan na magiging ganun sila."

"Okay lang 'yon. It doesn't matter. Smile ka na, please?"

Tiningnan n'ya lang ako kaya binigyan ko s'ya ng isang malaking ngiti kahit na ang totoo ay mabigat din ang damdamin ko.

"Ang corny mo nanaman, Sol."

"I love you, Seungkwan," sabi ko kaya naman siniko ako ni Seungkwan at binato ng panyo.

"Ang cheesy mo!" sabi n'ya na may ngiti sa labi.

"Wala bang 'I love you, too' dyan?"

"Ewan ko sayo."

"Wala ka nanamang masabi sa kapogian ko, no?"

"Ha?"

"Sabi ko–"

"Hakdog."

Sinamaan ko ng tingin si Seungkwan na ngayon ay tawa nang tawa dahil sa pambabara n'ya saakin. Kung 'di ko lang mahal 'to.

"Oh, ayan na pala si Moonbin!" Excited na sabi ni Kwan at napatigil sa pagtawa.

Tumigil sa harap namin ang isang itim na sasakyan at agad na nilapitan ni Kwan ang isang lalaking mukhang kaedaran lang namin na bumaba mula rito.

"Kwan!" sigaw nito at agad silang nagyakapan. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko as I felt a sting in my heart, parang binabaliktad ang sikmura kong tingnan silang magyakapan at magtitigan. Parang kakaiba, e.

Matapos ang ilang minuto ay tinawag ako ni Seungkwan kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanila habang nakikipagtitigan sa lalaking ngayon ay kaharap ko.

I snaked my arm through Seungkwan's waist and pulled him closer to me. Nakita ko ang paglipat ng paningin ni Moonbin mula sa mata ko papunta sa kamay kong nasa bewang ni Seungkwan.

"Hansol, si Moonbin, best friend ko. Moonbin, si Hansol, boyfriend ko."

A smirk drew across my lips when I saw his shocked face.

"May boyfriend ka na?" gulat at parang naiinis nitong tanong.

"Ah, oo. Sorry hindi ko nasabi agad."

"Ayos lang," sabi n'ya at muli akong tinitigan sa mata bago inabot ang kamay n'ya saakin.

"Moonbin."

"Hansol," sabi ko at nakipagkamay sa kanya.

Sumakay na kami sa sasakyan at si Seungkwan ang umupo sa front seat.

"Kamusta ang Seoul?" tanong ni Moonbin at pinaandar ito.

"Ang laki ng difference! More city like talaga ang Seoul at maraming tao unlike dito na mas peaceful ang paligid," excited na sagot ni Kwan.

"Talaga? Buti may mga naging kaibigan ka agad?"

"Oo naman. I met great people there."

Napangiti ako nang marinig ko 'yon dahil alam kong kami nila hyung ang tinutukoy ni Seungkwan.

Halos kalahating oras na silang nag-uusap at nakikinig lang ako at minsan na nakikitawa.

"Bakit nga pala biglaan pag dating mo rito? 'Di mo pa ako sinabihan," sabi ni Moonbin dahilan para mapukaw nila ang atensyon ko.

Natahimik si Seungkwan at halatang nailang. Kahit ako ay nakaramdam ng ilang.

"Kwan, may nangyari ba?"

"Ah, oo... pero ayoko nang pag-usapan."

"Okay, kung ano man 'yon andito lang ako para sayo," sagot ni Moonbin nang tumigil kami sa tapat ng isang bahay.

Agad na kumunot ang noo ko nang ipinatong n'ya ang kamay n'ya sa hita ni Seungkwan. I don't like what I'm seeing.

"Salamat. Tara na," sabi ni Seungkwan na may ngiti sa labi bago naunang bumaba ng sasakyan.

Tahimik lang akong tumulong sa pagbitbit ng mga bagahe hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.

"Are we staying here?" tanong ko bago umupo sa kama.

"Ah, oo. Wala naman dito ang parents ni Moonbin. Besides, uuwi naman na tayo bukas."

Napatingin ako kay Seungkwan na ngayon ay nagbibihis dahil sa sinabi n'ya. Uuwi na kami agad?

"Boo, are you sure?"

Nakita ko ang paghinga n'ya ng malalim bago lumapit saakin at umupo sa tabi ko.

"Sol, listen, I'm really sorry for what happened today. Alam kong nagulat at nasaktan ka rin as much as I am. Hindi ko naman inaasahan na magiging ganun ang reaksyon nila," sabi ni Seungkwan habang nakayuko.

"Hey, it's okay. I understand." sagot ko at hinawakan ang kamay n'ya.

"Gusto ko na bumalik sa Seoul. This place doesn't feel like home anymore. Parang mas gusto ko pa sa apartment natin," sabi n'ya sa isang malungkot na boses kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Niyakap ko na lang s'ya at hinalikan sa noo.

"Hmm, sige. We'll go home tomorrow, okay?"

"Mhm. I love you so much, Hansol."

"I love you too, Boo."

------------------

surprise. i'm still alive


Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon