IV.

45 5 3
                                    

...

Nakangiting lumabas si Hansol at Seungkwan sa ice cream shop na kinainan nila habang nagpupunas ng mukha, buti na lang at may dalang wet wipes si Seungkwan.

Habang naglalakad sila ay may nakita silang aso na nakasilip sa ibabang parte ng isang gate habang kumakahol.

"Sol, pustahan kung makakalabas 'yang aso o hindi?" Panghahamon ni Seungkwan sa katabing si Hansol. Tumingin si Hansol sa aso at nag-isip.

"Paano naman 'yan makakalabas eh hindi naman 'yan kasya dyan sa butas ng gate?" Sagot nya. Parehas silang nakatayo lang sa tapat nito at parang wala lang sa kanila kahit na tinatahulan sila ng aso.

"'Wag ka ngang judgemental, malay mo matalino pala sya," Sagot ni Seungkwan.

Parehas silang napaatras at napahawak naman si Seungkwan sa likod ni Hansol nang makita nilang biglang tumalon ang aso palabas ng gate. Tinitigan lang nila ito habang ang aso ay hirap na hirap tumalon pababa.

Sa itsura pa lang ng aso ay kayang kaya na sila nitong lapain at patayin kahit sa isang kagat lang. Nang maramdaman ni Hansol na konti na lang ay makakalabas na ang aso ay bigla nyang hinawakan ang kaliwang kamay ni Seungkwan.

"Seungkwan, takbo!" Sigaw ni Hansol at kumaripas ng takbo habang hawak hawak pa rin ang isang kamay ni Seungkwan.

Kapwa sila madaling madaling tumakbo habang naririnig ang kahol ng asong humahabol sa kanila.

"Hansol!!!!" Sigaw ni Seungkwan dahil sa kaba.

Kahit na kabado ay pinilit ni Hansol mag-isip ng paraan kung paano nila matatakasan ang asong kayang kaya silang patayin. Lumingon sya nakita si Seungkwan na kahit halatang kabado at pagod na ay nakangiti pa rin.

Agad din syang napangiti at natawa. Ramdam nyang hinigpitan ni Seungkwan ang kapit sa kamay nya.

"Siraulo! 'Wag kang tumawa p-pagod na ako!" Reklamo ni Seungkwan pero tumatawa din.

Sa ilang minuto nilang pagtatakbo ay nakakita si Hansol ng isang park na may gate at mataas na fence. Agad silang dumiretso doon at nakahinga ng maluwag nang makapasok sila pero naalala ni Seungkwan na marunong nga palang tumalon sa gate ang aso kaya agad nyang hinatak si Hansol sa isang tree house at doon nagtago bago pa sila maabutan ng aso.

Sa maliit na bintana ng tree house ay sinilip ni Hansol ang aso sa baba ng puno na kumakahol at mukhang inaabangan sila. Tumingin si Hansol kay Seungkwan na nakaupo sa isang gilid at hinihingal, tumabi si Hansol sakanya at parehas silang natawa nang magtama ang mga paningin nila.

"Ano? Pusta ka pa?" Natatawang tanong ni Hansol at nagtawanan nanaman sila.

Ilang minuto lang, nanaig ang katahimikan sa kanila at tanging ang kahol lang ng aso ang maririnig hanggang sa umayos na ang kanilang paghinga.

Binasag ni Hansol ang katahimikan na ikinagulat ni Seungkwan.

"Seungkwan. . . paano mo nalamang laslas ang mga 'to?" Tanong ni Hansol at dahan dahang hinawakan ang mga sugat nya.

Hindi sumagot si Seungkwan kaya tingnan sya ni Hansol at nagulat ito nang makitang nakangiti si Seungkwan pero hindi na gaya ng nakasanayan. Isa itong malungkot na ngiti. Nanatiling tahimik si Hansol at walang nagsalita nang ilang minuto.

"Kasi Hansol. . . meron din ako nyan noon." Mahinang sagot ni Seungkwan habang pinaglalaruan ang mga daliri nya.

Nanlaki ang mga mata ni Hansol at gulat syang tumingin kay Seungkwan. Hindi nya akalaing sa masayahin nitong pagkatao ay dumaraan rin pala ito sa paghihirap na kagaya ng kanya.

"A-ano?" Halos bulong na sabi ni Hansol.

"Hansol, hindi lang ikaw yung nahihirapan dito. Hindi lang ikaw yung hirap na hirap magpumulit ngumiti at tumawa sa araw araw. Hindi lang ikaw yung hirap na hirap makalagpas ng isang araw. Hindi lang ikaw yung araw araw kinukwestyon ang sarili. Hindi lang ikaw yung parang nasa isang digmaan, Hindi lang ikaw yung gusto nang mamatay." Sa bawat salitang binibitawan ni Seungkwan ay hindi humihinga si Hansol. Tila ba hirap na hirap syang paniwalaan ito.

"P-paano mo nalaman na. . . g-ganyan ang nararamdaman ko?" Mautal utal nyang tanong. Direktang tumingin si Seungkwan sakanyang mga mata na puno ng lungkot at sakit.

"Kasi Hansol ganun din ang nararamdaman ko."

Hindi nakapagsalita si Hansol at umiwas na lang ng tingin. So, all this time, he wasn't alone. Kasama nya si Seungkwan na nagdudusa pero wala syang alam. Kaya pala lagi sya netong ginugulo at nilalapitan dahil naiintindihan sya nito.

Parehas silang nakatingin sa maliit na bintana kung saan kitang kita ang unti-unting paglubog ng araw. Only silence can be heard but they are both glad that it is not surprisingly awkward.

"Hey, let's make a bucket list." Hansol broke the silence.

"Bucket list? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Seungkwan.

"Let's list there all the things we want to do before we end everything." Seryosong sagot ni Hansol at tumingin kay Seungkwan. Hindi na sya nagulat nang makita itong nakatingin nanaman sakanya at nakangiti.

"Hahaha, kung ano ano iniisip mo,Hansol." Natatawang sabi ni Seungkwan.

"Well. . .if we're going to end this soon then why not make the best out of it while we still can?" Paliwanag ni Hansol na para bang normal na bagay lang ito.

"Hmm, may point ka naman. Alright, let's do that," Sabi ni Seungkwan.

"So, until the day we finish that bucket list no one's gonna die, okay?" Sabi ni Hansol at itinaas ang kanan nyang pinky finger.

"Pinky promise," Sagot ni Seungkwan at itinaas ang kaliwa nyang pinky finger.

They both gave each other warm smiles as they share a promise that they never knew would change the way they think about life.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon