XXIII.

46 3 0
                                    

Hansol.

We're in class and I can't concentrate. Kanina pa bumabalot sa pang amoy ko ang pabango ni Seungkwan. Sinulyapan ko s'ya at nakitang tulala lang s'ya sa whiteboard.

Kaninang umaga pa s'ya tahimik at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung galit s'ya o malungkot. Tinatanong din s'ya nila hyung kung may problema ba pero sinasabi n'ya lang na wala at ayos lang s'ya.

I can't help myself from overthinking. Dahil ba saakin kaya s'ya nagkakaganya? Dahil ba sa inasta ko kagabi? Iniisip niya rin ba na iniiwasan ko s'ya gaya ng iniisip ng iba? My heart was pounding hard and I don't understand why. Dahil ba malapit si Seungkwan saakin?

Last night, I took time to reflect. I became honest to myself. Malaki ang tsansa na magkagusto ako kay Seungkwan o baka may gusto na nga ako sakanya.

"Class dismissed," tumayo ang mga kaklase ko kasabay ni Seungkwan. Nanatili lang akong nakaupo at nakayuko.

"Hansol, tara na," sabi saakin ni Seokmin hyung. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Seungkwan na papalabas sa pinto habang kinukulit ni Mingyu.

Naramdaman ko ang inis sa namumuo sa loob ko pero binalewala ko ito at tumayo na.

Dumiretso kami sa tambayan at as usual, maingay. I sat across Seungkwan and Mingyu. Kinukulit pa rin s'ya ni Gyu. Sobrang dikit sila, kulang na lang magyakapan na sila. Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko.

Pero bakit ako maiinis? May karapatan ba ako? Wala.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Nakita ko sila hyung na may kanya-kanyang trip. Nanatili lang akong tahimik, ang mga mata ko nasa cellphone na hawak ko. Nakatingin lang ako dito kahit na ang utak ko ay lumilipad. Pandinig ko'ng puro asaran ni Seungkwan at Mingyu ang naririnig.

"Mingyu, ano ba!" narinig kong sigaw ni Seungkwan. Kahit na anong pigil ko ay napatingin pa rin ako sa kanila.

Hawak ni Mingyu ang isang maliit na notebook na kulay gray at pilit itong binabawi ni Seungkwan. Tinaas ni Mingyu ang kamay niya and Seungkwan leaned in.

Bumilis ang tibok ng puso ko at bumigat ang paghinga ko. Hindi ko na rin napigilan ang sobrang inis na nararamdaman ko. Mula sa kinauupuan ko, kitang kita na halos umupo na si Seungkwan sa mga hita ni Gyu at ang mukha nilang sobrang lapit habang tumatawa.

Everyone was looking at them at tumatawa rin. But I wasn't. Hindi ko maintindihan ang sobrang inis na nararamdaman ko na parang anumang oras ay sasabog na ako.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na kitang kita ko ang isang hita ni Mingyu na nasa pagitan na ng mga hita ni Seungkwan. Nang mapansin kong halos magkadikit na ang mga dibdib nila, there I realized I've had enough.

Malakas at padabog ko'ng nilapag sa lamesa ang cellphone na hawak ko causing everyone to stop laughing. Tumingin silang lahat saakin kasama na si Seungkwan at Mingyu.

Tumayo ako at marahas na hinatak si Seungkwan. Kahit naririnig ko na tinatawag ako ni Jeonghan hyung ay hindi ako tumigil.

"Hansol, nasasaktan ako!" sabi ni Seungkwan habang pilit binabawi ang kamay n'ya. Hindi ko s'ya pinansin at patuloy lang sa pagkaladkad sa kanya.

Nang makarating kami sa garden ay marahas ko s'yang binitawan na dahilan ng pag aray nya. Tiningnan n'ya ako ng masama bago nagsalita.

"Ano bang problema mo?!" He shouted. Buti na lang at kami lang ang tao rito.

"Do you like it? Do you like being with Mingyu?" I said in a low frustrated voice as I stepped closer with Seungkwan taking a step back.

"Ano?"

"Natutuwa ka ba, ha, Seungkwan? Natutuwa ka bang nakikita akong nahihirapan? Tapos ano, iniiwasan mo ako?"

"Hansol, ano ba'ng pinagsasabi mo?" sabi n'ya sa isang mahina at puno ng pasensyang boses kasabay nang pagdikit ng likod niya sa pader.

"Gustong gusto mo ba'ng nakikipag tawanan kay Mingyu? Gustong gusto mo bang nakikipagharutan sa kanya? Gustong gusto mo ba pag hinahawakan ka ny-" I was cut off with Seungkwan's slap.

Natigilan ako at damang dama ko ang sakit sa pisngi ko dulot ng malakas na sampal ni Seungkwan. I shot him a glare only to see him so close to crying. Pinipigilan niya lang.

"Hansol, ano ba'ng sinasabi mo? Ilang araw mo na akong iniiwasan tapos ganito? Tingin mo sumasama ako kay Mingyu para makipaglandian?" Hindi ako nagsalita at nilabanan lang ang mga titig niya.

"Hindi ko maintindihan kung anong problema mo! Hansol, hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit iniiwasan mo ako, kung ano bang nagawa ko! Masama ba loob mo kasi nilagtas kita kung dapat nagpapahinga ka na?! Gano'n ba yun, Hansol?" He shouted while tears are streaming down his face. Great, I made him cry. Very good, Hansol. Kahit kelan talaga wala kang magawang tama.

"Tapos ngayon na sumasama lang ako kay Mingyu nagkakaganito ka? Ano bang gusto mo'ng mangyari, ha? Gusto mo ikaw lang kasama ko? Gusto mo sa'yo lang a–"

"Oo! Oo, Seungkwan gusto ko ako lang! Tangina naman gaano ka ba kamanhid?! Hindi mo ba nakikita?! Tangina, nagseselos ako!" There, I said it. I finally admitted.

Halatang nagulat si Seungkwan. Walang nagsalita saamin at naglalaban lang ang paningin namin. Damang dama ko ang malakas na tibok ng puso ko.

My brows furrowed and I frowned when Seungkwan scoffed.

"Nagseselos? 'Yan ba excuse mo, Hansol? Bakit ka naman magseselos wala ka nama–"

I punched the wall beside his head. Kahit na balot pa ng bandage ang kamao ko dahil sa ginawa ko kagabi ay hindi ko na napigilan dahil sa inis na nararamdaman ko. He didn't move. Wala man lang bahid ng takot sa mga mata niya.

"Hansol, bakit ba ayaw mo'ng sabihin saakin?" sabi nya sa isang mababang boses. His eyes that were full of rage earlier was replaced with a soft gaze.

I looked straight into his eyes before whispering the words I have been unsure about, the words I have been denying, and the words I've been dying to tell Seungkwan.

"Seungkwan, I like you."

----

seka seka seka seka seka seka seka seka seka seka.




Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon