XII.

61 4 2
                                    

Hansol.

"Antayin na lang kita sa labas," sabi ko kay Seungkwan at nauna nang lumabas ng apartment nya. Sumandal ako sa tabi ng pinto at tiningnan ang view sa harap ko. Nasa 17th floor ang apartment ni Seungkwan kaya kita talaga halos ang buong city.

Hanggang ngayon ay medyo gulat pa rin ako sa nangyari kaninang umaga. Hindi ko inakala na iiyak ng ganun si Seungkwan sa harapan ko. Naramdaman kong bumukas ang pinto sa tabi ko pero hindi ako gumalaw.

"Sol, tara na," sabi ni Seungkwan at sabay na kaming naglakad.

Nang makalabas kami sa building ay hinawakan ni Seungkwan ang kamay ko. This is too uncomfortable. Hindi na lang ako umimik at hinawakan na lang din ang kamay nya. Malamig ang kamay nya ngayon hindi gaya ng nakasanayan siguro dahil giniginaw si Seungkwan.

Ipinasok ko ang mga kamay naming magkahawak sa bulsa ng jacket ko at naramdaman kong hinigpitan ni Seungkwan ang hawak sa kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinasok ko ang mga kamay naming magkahawak sa bulsa ng jacket ko at naramdaman kong hinigpitan ni Seungkwan ang hawak sa kamay ko.

"Saan ba 'yong playground, Sol?" tanong ni Seungkwan sa isang masiglang boses.

"Malapit lang. Taga dito ka tapos hindi mo alam?" sabi ko at tiningnan sya.

"Syempre! Hindi naman ako gala nang gala gaya mo," sabi nya at inirapan ako. I scoffed. Hindi nga ako lumalabas ng bahay, eh.

Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa daan. Sa gilid ng mga mata ko, kitang kita ko ang pagtitig ni Seungkwan saakin habang nakangiti. "Boo, pwede ba? 'Wag mo nga akong titigan." sita ko.

Hindi sya nagsalita at iniwas na lang ang tingin nya. I suddenly felt his thumb gently rubbing my hand. Hindi ako gumalaw at hinayaan lang sya habang patuloy kami sa paglalakad. His hand is starting to get warmer.

Nang makarating kami sa playground ay konti lang ang tao na karamihan ay malamang mga bata. Ayoko talaga sa mga bata. Bakit kasi dito gusto pumunta ni Seungkwan? Nilabas ko ang mga kamay namin sa bulsa ko at binitawan ang kamay nya.

"Punta ka na dun. Uupo lang ako dito," sabi ko at tinuro ang bench sa harapan namin. Umupo ako dito at huminga ng malalim. Tiningnan ko si Seungkwan na ngayon ay nakikipaglaro na sa mga bata. Kaya siguro gusto nya pumunta dito.

Nilibot ko ang paningin ko at nakitang may isang matandang sorbetero ang naka-upo malapit sa inuupuan ko. Mukha syang mahina na pero pinipilit na magtrabaho. My heart sank.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Nakatingin lang sya sa mga batang naglalaro (na kasama si Seungkwan) at hindi siguro napansin na umupo ako sa tabi nya.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon