VII.

51 5 1
                                    

Hansol.

"Pumunta sa isang playground at maglaro?" Binasa ko ang unang bagay na nilagay ni Seungkwan sa bucket list namin.

"Ano ka? Bata?" Tanong ko at tumawa.

"Bakit ba?! Eto ang gusto kong gawin!" Sabi nya habang natatawa.

Nasa likod kami ng school sa isang abandonadong classroom. Matagal na namin 'tong ginawang tambayan kaya malinis at may dalawang mahabang sofa. Nasa sahig kami ni Seungkwan habang nagsusulat samantalang sila hyung naman ay nagkukulitan.

"Ano ang iyo? Salit salit tayo dito," sabi nya at tinuro ang pastel pink and gray na scented paper na hawak nya. Gusto nyang sya daw ang magsusulat dahil pangit daw ang hand writing ko.

"Hmm, wala? Wala akong maisip," sabi ko sakanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Imposible! Sabihin mo na wag ka mahiya."

Ano nga ba? Wala akong maisip. Isa lang naman ang gusto ko bago mawala, ang maging masaya. Siguro naman pwede akong mamili nalang ng mga bagay na magpapasaya saamin ni Seungkwan. Ano pa bang pwedeng gawin sa isang playground?

"Ah, alam ko na. Maligo sa ulan," sabi ko sakanya at sinulat nya naman ito.

Binasa ko ang sunod nyang sinulat. Go to an amusement park. Nag isip agad ako ng mga bagay na pwedeng gawin sa isang amusement park. Madami actually, pero I prefer this.

"Ride the Ferris Wheel during sunset," sabi ko bago pa sya magsalita at tanungin ako kung ano ba ang gusto ko.

Binasa ko ulit ang sunod nyang sinulat. Out of the town trip with Vernon. Magsasalita na sana sya nang unahan ko sya.

"Go to the beach with Boo," tinitigan nya muna ako at ngumiti bago isinulat ang sinabi ko.

Mukhang wala na syang maisip dahil tumigil na sya sa pagsusulat at kinagat ang dulo ng ballpen nyang may carrot na design. Ginala ko ang paningin ko at nakita sila hyung na nagtatawanan at inaasar si Chan. Sya nanaman ang trip nila. Napangiti ako at napatawa.

"Uy, Sol," pagtatawag ni Seungkwan sa atensyon ko.

"Oh?" Sagot at nakangiti pa rin.

"Ikaw na," sabi nya at ngumiti ng malawak.

Change hair colours ang nilagay ni Seungkwan. Ano kayang pwede? Bakit kasi ito ang nilagay nya? Gusto nya ba magpalit ng kulay ng buhok? Wala akong maisip. Gumala ulit ang paningin ko at nakitang si Soonyoung hyung naman ang trip nila. Hoshi.

"Star. . . star gazing?" Patanong kong sabi kay Seungkwan.

"Tinatanong mo ba ako?"

"Hindi."

"Ewan ko sayo."

"Pwede pa naman nating dugtungan yan habang on going ang ibang nakalagay dyan diba?" Tanong ko at tumingin sakanya. Tumingin din sya sa mata ko kaya napa-iwas agad ako ng tingin.

"Hmm, oo naman. Basta 'wag naman yung tuloy tuloy na hahahahaha edi hindi na matatapos 'to," sabi nya at tumawa. Pagod na pagod na ba sya? Bakit parang madali lang para sakanya?

"Yan na lang muna. Wala na akong maisip, eh," sabi ko sakanya at tumayo. Tinulungan ko din syang tumayo at tinago nya naman ang bucket list sa bag nya.

Lalapit na sana ako kila hyung nang makita ko si Wonwoo hyung na nakatingin saamin. Mukha syang may gustong itanong saamin pero ayaw nya. Anong meron?

Sabay kaming lumapit ni Seungkwan sa kanila at yun pala ay naglalaro sila ng spin the bottle. Niyaya nila kaming sumali pero sinabi kong si Seungkwan na lang dahil alam kong kapag dalawa kami ni Seungkwan na sumali ay pagti-trip-an nila kami.

"Dali na, Sol! 'Wag na KJ!" Pamimilit pa nila. I sighed. Bahala na nga.

"Oo na, sige na sali na ako," sabi ko at nagbunyi naman sila.

Sa unang ikot ng bote ay tumapat ito kay Soonyoung hyung. "Truth or Dare?"

"Dare!" Napangiti ako nang maglaro sa isipan ko ang mga pwede nilang ipagawa kay Soonyoung hyung.

"Oh sige, tapang tapangan ka, ah! HAHAHAHA halikan mo nga si Jihoon ngayon nang hindi nasasapak!" Tumatawang sabi ni Jeonghan hyung. Basta talagang ganito na kumpleto kami hindi naiiwasan ang mga kalandian.

Sinamaan sila ng tingin ni Jihoon hyung at sinabing sasapakin nya daw talaga si Soonyoung pag hinalikan sya nito. Tumayo si Soonyoung hyung at dahan dahang naglakad palapit kay Jihoon hyung.

"Isa! Kwon Soonyoung, huwag mo akong susubukan!" Banta ni Jihoon hyung.

Hindi nagpatinag si Soonyoung hyung at tuloy tuloy pa rin. Mabilis nyang ipinatong ang dalawa nyang kamay sa magkabilang gilid ni Jihoon hyung na mukhang nagulat kaya hindi nakagalaw. Mabilis nya hinalikan sa labi si Jihoon hyung at nagmamadaling tumakbo sa upuan nya habang tumatawa.

Puro tawanan at asaran ang nanaig sa tambayan namin. Natawa din ako at nagulat nang mapansin kong hindi na pilit ang tawa ko.

Pinaikot ulit nila ang bote at tumapat ito kay Wonwoo hyung. "Truth or Dare?"

"Truth."

"May gusto ka naman talaga Mingyu, diba? Tinatanggi mo lang?" Nagtawanan ulit kaming lahat at pinuri naman nila si Minghao hyung dahil sa kontrobersyal nitong tanong.

"Meron," Maikli sagot ni Wonwoo hyung at humikab.

Natuon ang asaran kay Mingyu na pulang pula at halos mapunit ang labi kakangiti. Hindi ko na napigilan and I bursted out laughing. Damn, hindi ko na kailangang pilitin.

Pinaikot nila ang bote at tumutok ito sa pagitan namin ni Seungkwan. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Dahil sa pagitan nyo nakatutok sainyong dalawa na lang," sabi ni Jun hyung na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Truth or Dare?"

"Truth." Sabay naming sagot ni Seungkwan kaya nagkatinginan kami at medyo natawa. Ayan nanaman ang mga asaran nila.

Magsasalita na sana si Seokmin hyung nang biglang magsalita si Wonwoo hyung. "Ako ang magtatanong."

Tumahimik ang lahat at kinuha ni Wonwoo hyung ang bote sa gitna ng lamesa at tinutok saamin ni Seungkwan. He looked so serious that it made me feel so anxious.

"Kayong dalawa. . ." Panimula nya.

". . .Anong tinatago nyo saamin?"

Lagot na. I gulped out of nervousness.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon