III.

60 6 0
                                    

Hansol.

"Hahahahaha siraulo ka Seungkwan!" Sabi ni Soonyoung hyung at binato ng french fries si Seungkwan matapos nyang magjoke. Our table was filled with laughter.

These days, lagi na naming kasama si Seungkwan kahit sa mga gala namin sa labas ng campus. Close na close na sya kila hyung. Siya na nga madalas ang pasimuno ng mga kalokohan namin.

Lagi nya akong kinukulit at kinakausap kaya tingin ng iba ay saakin sya pinaka komportable pero cold treatment pa rin ang ibinibigay ko sa kanya. Don't get me wrong, I don't hate Seungkwan. It's just that I find it very uncomfortable to smile and laugh when I don't want to with a person who knows the real me.


"Uy, Hansol. Ba't tulala ka?" Tanong ni Seungkwan at siniko ako ng mahina. Tumingin ako kila hyung at may kanya kanya na silang usapan. Kaya pala ako nanaman ang trip nito ni Seungkwan.

"Ano?" Sagot ko at tumingin sakanya.

"Kanina ka pa tulala, sabi ko."

"Ah."

"Hindi mo ba gagalawin 'yang pagkain mo?" Tanong nya at tinuro ang pagkain kong hindi pa nagagalaw.

"Gusto mo? Iyo na," Sabi ko at inurong ang pagkain sa harap nya.

"Hindi. Busog na ako," Sabi nya at tinitigan ako habang nakangiti nanaman.


"Huwag mo nga akong titigan, Seungkwan," Sita ko at umiwas ng tingin. Shit, ayoko talagang tinititigan.

"Wow, 'Seungkwan'? Kelan mo ba ako tatawaging hyung? Mas matanda kaya ako sayo!"

"Bakit pag tinawag ba kitang hyung, magugustuhan mo?" Knowing him, alam kong ayaw nya dahil feeling daw nya ang tanda tanda nya na. 'Yon ang sinabi nya kay Chan.

"Hindi hehehehe. Gusto ko tawag mo sakin Seungkwannie," Sabi nya at tumawa. Nasamid naman ako sa sarili kong laway.


"Naririnig mo ba sarili mo? Kilabutan ka nga," Sabi ko na may pandidiri sa boses pero yung totoo, gusto ko na tumawa dahil sa kakornihan nya.


Tiningnan ko sya at nakitang nakatitig pa rin sya saakin na may ngiti sa labi. Hindi ba sya nangangalay kakangiti? Walang oras o minuto na hindi ko sya nakitang nakangiti. Well, maliban pag math class?

Saglit akong natigilan at napangiti nang maalala ko ang itsura nya tuwing math class. Mas lumaki ang ngiti ni Seungkwan nang makitang nakangiti ako.


"Oy, oy! Anong ibig sabihin nyang mga ngitian at titigan na yan!" Napatingin ako kay Seungcheol hyung na binato naman kami ng french fries.


"Ayieee! Develop-an agad, oh! Basta si Hansol talaga mapusok!" Nagtawanan sila at inasar kami ni Seungkwan.


"Ewan ko sainyo! Dami nyong alam," Sabi ko at binato sa kanila ang french fries. Nagtawanan at nag-asaran kaming lahat at hindi na maalis ang ngiti sa labi ko. What the hell.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon