XXVI.

38 2 0
                                    

Hansol.

I lazily opened the door to our apartment complex. Tumingin ako sa paligid. Tirik ang araw sa labas pero madilim ang loob ng bahay.

Naglakad ako papunta sa sofa bago nilapag ang mga bitbit ko sa center table at pagod na umupo. Being a university student is indeed tiring. Hindi madali.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Masyadong tahimik.

I used to live like this. Sa apartment ko'ng madilim, malamig, makalat, at tahimik. I felt very alone. Kaya no'ng lumipat ako sa iisang bubong kasama ang mga kaibigan ko at si Seungkwan ay nanibago talaga ako ng husto.

Palaging maingay. Kahit pagod ang lahat maingay pa rin. And I was happy.

Muli ako'ng tumayo at tumingin sa paligid. Ito ang unang beses na maging mag-isa ako rito. Ayaw kasi nila hyung na mayroong nauunang umuwi saamin kaya lagi kaming naghihintay sa tambayan pero nang pumunta ako doon kanina ay ako lang din ang tao kaya naisipan ko na lang umuwi dahil sa pagod.

Umakyat ako sa hagdan papunta sa unit namin ni Wonwoo hyung at nang buksan ko ang pinto rito ay bumungad saakin ang maliit naming sala.

I walked to the small book shelve sitting on the corner of the room. Puro mga libro ni Wonwoo hyung ang laman nito. Sa taas naman nito nakalagay ang iba't ibang litrato.

May iilang litrato nila ni Mingyu pero karamihan ay litrato naming magkakaibigan na sama sama.

Isa na rito ang picture na stolen kung saan nagpapahirahan kami ng icing ng cake at nagkakalat ng pagkain. Wala pa nito si Seungkwan.

Katabi nito ay ang picture namin noong pumunta kami sa amusement park. Kinuha ko ang frame at tiningnan ng mabuti ang litrato sa loob nito.

Nakangiti kaming lahat. Ramdam ko ang saya na nararamdaman namin no'ng araw na yun mula sa pagtitig sa picture na 'to. Hindi ako nakatingin sa camera dahil kay Seungkwan ako nakatingin na matamis naman ang ngiti. I smiled unconsciously.

We all look genuinely happy. I am happy.

Ibinalik ko ang picture frame sa taas ng shelve bago pumasok sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako.

––––

"Kain na!" Nagising ako sa boses ni Seokmin hyung. Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang speaker sa ceiling. Simula noong lumipat ako rito ay iyon na ang naging alarm clock ko dahil sa ingay ni Seokmin hyung o ni Seungkwan.

Speaking of Seungkwan, I haven't seen him all day.

Umupo ako at agad ko'ng naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Nasobrahan siguro ako sa tulog.

Tumayo ako at bumaba na. Nakita ko si Jeonghan hyung na nakaupo sa sofa at kaharap ang laptop n'ya. Lumapit ako roon at umupo sa tabi n'ya.

"Sa'n ka galing?" tanong n'ya nang hindi manlang tumitingin saakin.

"Huh? Sa kwarto ko, kakagising ko lang," sabi ko at humikab.

"Akala namin magkasama kayo ni Seungkwan?" tanong n'ya ulit nang hindi pa rin inaalis ang paningin n'ya sa laptop na kaharap.

Hindi ako sumagot at kunot noo lang s'yang tinitigan.

"Hindi pa s'ya umuuwi." maikli n'yang sabi.

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon