XVI.

51 4 9
                                    

Seungkwan.


I was spacing out nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ni Hansol na hawak ko. Binuksan ko ito at nakita ang isang message galing kay Seungcheol hyung.


--

Cheol hyung:

Hansol nasaan ka? Kasama mo si Seungkwan diba? Gala tayo.

--


Wala sa sarili kong tinawagan si hyung. Siguro panahon na rin para malaman nila 'to. Ilang segundo lang ay agad din syang sumagot.



"Hansol? Sa'n ka? Kayong dalawa lang ni Kwan wala rito."

"Hyung. . ."

"Oh, Seungkwan? Bakit ganyan boses mo?"

"Hyung, na sa ospital ako."

"Ano? Anong nangyari? Si Hansol, nasaan?"


Yumuko ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na nasa ospital ako kasi sinugod ko si Hansol dito dahil sinubukan nyang magpakamatay. I know they cherish Hansol very much. Halata naman.


"Seungkwan?"


Hindi ko alam kung paano nila tatanggapin na all these time iniisip ni Hansol na magpakamatay.


"Hyung kasi . . . Si Hansol. . ."


"Ano, Seungkwan? Ano bang nangyayari?" 


"Sinubukan nyang magpakamatay."


Hindi na sya sumagot at narinig ko na lang ang pagbaba ng tawag. Ibinaba ko ang telepono mula sa tenga ko at tinitigan ito. Picture pala namin ang wallpaper nya.


Kahit nangiginig ay hinawakan ko ang cellphone ni Hansol nang mahigpit at tinitigan sya sa lirato na nakangiti. Mas bagay sa kanya ang ganitong ngiti, hindi yung peke.


Umupo ako sa isang bench at tinitigan ang emergency room. Kahit ang kamay at damit ko ay maraming dugo. Tumingin ako sa kawalan at inisip ang mga nangyari. Ano nga ulit yung sinabi nya kanina? Sorry kasi nagkamali sya? Nagkamali saan? 


"I love you. . ." Ano nanaman ba 'to, Hansol?

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon