Jho's feelings
Ayoko na suko na ko! sobrang nakakastress na!
Gustong gusto ko na magresign sa trabaho ko nakakapagod na pero kailangan magtiis wala naman kasing madaling trabaho lahat mahirap lahat nakakastress pero hindi naman na kasi yung trabaho yung nagpapahirap eh kundi yung mga kasama sa trabaho. Nasstress ako sa boss ko feeling niya napakadali ng trabaho namin kung makapagsabi na ang bagal bagal namin gumawa ng team ko eh ganon ganon na lang kung tutuusin mas malala pa nga yung ibang team samin. Pansin ko na may favoritism lang talaga siya.
"Grabe si boss sa team natin ano ba meron sa atin at galit na galit siya satin?" sabi ni peter. Nandito kami ngayon sa pantry ng kateam ko lunch break kasi namin ngayon at katatapos lang kami pagalitan ng boss namin.
"Hindi ko rin alam don ang init ng dugo satin. Maganda naman ang stat natin these past few months eh laging maganda review sa ginagawa nating design pero pilit tayong hinahanapan ng butas non." sabi ni mj, teammate ko rin si mary jean francisco (imbento ko na lang na name 😂)
"Feeling ko natethreathen lang yun satin kasi napapansin tayo ng COO natin supervisor lang siya baka feeling niya isa satin ang makakuha ng position niya.hahaha " sabi pa ni jam, jam agustin. Minsan nafifeel ko din na ganon ang iniisip ni sir eh.
"wag kayong maingay baka may makarinig sa inyo makarating pa kay boss lorenz lalo tayo pag'initan non. Bilisan na lang natin para matapos na tayo sa project natin at wala na masabi si sir." sabi ni ate lucy siya talaga ang pinakamature mag'isip samin. Tama naman kasi siya don.
"I agree to ate lucy. Kaya bilisan na natin kumain." Sang'ayon ko kay ate.
"oo eto na kayo talagang dalawa ang seryoso niyo. haha" sabi ni jam. Kailangan na magseryoso sa gantong sitwasyon ayoko na may nasasabi sakin o sa team namin.
Alam ko na kahit nagbibiro sila ng ganon nasaktan din sila sa sinabi ni sir samin. Ipinahiya kami sa harap ng ibang team at kung ano anong masasakit na salita ang sinabi sa amin. Wala naman kaming magawa dahil mas mataas siya samin. Kahit na sabihin mong pasok sa isang tenga labas sa kabila hindi pa rin maiiwasan na masaktan kami tao lang kami hindi kami robot na akala niya ay hindi napapagod at nakakaramdam. Marami naman kaming natapos na project eto lang isang to ang hindi pa namin napapakita sa kanya dahil ang hirap ng gustong ipagawa ng client ang daming binabago kaya kahit yung draft namin hindi pa solid. Sobrang nakakastress pero hindi pwede sumuko.
Pauwi na ako at nagover time nanaman kami. Magcocommute lang ako ngayon sinabihan ko kasi si nico na wag na ko sunduin dahil gagabihin na ko ayaw niya pa nga pumayag pero naipit din siya sa ginagawa niya kaya wala rin siyang nagawa. Ayos na rin na hindi niya ko sunduin alam ko naman na pagod din siya sa negosyong tinatayo niya malapit na kasi magbukas yun next month na ata. Imbis na ipapahinga niya na inilalaan niya pa sa akin.
Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nanunuod pa ng tv teleserye ata yon nakita ko kasi si jerome ponce yung boyfriend na artista ni mika reyes ng la salle.
"Ma gabi na ah. Bakit nanunuod ka pa?" tanong ko kay mama pagkahalik ko sa kanyang pisngi
"Maganda kasi tong palabas na to. Malapit naman na to matapos matutulog na rin ako." sabi ni mama
"sige ma matulog ka na pagtapos niyan ah. Akyat na ko. Kumain na rin ako ng hapunan sa office." sabi ko at umakyat na habang paakyat ako ay nagsalita si mama
"nga pala anak nandiyan si nico sa kwarto mo. Sabi ko sa kanya samahan ako manuod dito pero tumanggi siya at jan na lang daw siya sa kwarto mo mukhang pagod din yun kaya hinayaan ko ng umakyat sa kwarto mo."
BINABASA MO ANG
Unrecognized Feelings
Fanfictionpaano kung ang dalawang tao na straight as a ruler ay mainlove sa isa't isa nang hindi nila namamalayan? ano kaya ang mangyayari?susugal ba sila o hahayaan na lang ang nararamdaman? first gxg story and jb fanfic to make hope you enjoy reading this...