UF 23

905 12 42
                                    


"beh!" rinig kong sigaw ni bea mula sa entrance ng gym tumatakbo papunta sakin andito kasi ako sa bleachers nagsusuot ng sapatos para sa practice namin ngayon.

"makasigaw ka naman bea parang nawawala beh mo ah! hahaha" asar sa kanya ni ate alex at tumawa naman ang mga teammates namin

"sorry I got carried away lang. hehe" sabi niya kay ate alex, napapailing na lang si ate alex at hinayaan na lang si bea.

"hi beh" bati niya sakin pagkaupo niya sa tabi ko sabay halik sa pisngi ko.

nakasanayan niya na yan ang humalik sa pisngi ko. Minsan nagugulat na lang ako bigla siyang nanghahalik ng walang dahilan pero kapag wala lang ibang nakakakita kaya hinahayaan ko na lang din siya. Honestly natutuwa nga ako kasi may ganung side pala si bea na sakin niya lang ginagawa. Ang ginagawa niya lang na alam ng iba ay ang pagtawag niya sakin ng beh though dati rin naman niya na kong tinatawag ng ganon kaya parang wala na sa iba kapag tinawag niya ko ng beh.

"hi din beh. Bakit mo pala ko tinawag kanina? sumigaw ka pa. hahaha"

"hahaha wala lang namiss lang kita." sabi niya at ngumiti ng parang nahihiya

"ay grabe. hahaha magkasama lang tayo kaninang umaga. hahaha" sabi ko naman sa kanya habang tumatawa pa rin

"eh kasi naman sabi ko kasi sayo sasama na lang ako sa pagvisit sa store natin kanina eh e di sana maghapon tayong magkasama hindi kita mamimiss" sabi niya ng nakapout ang cute lang. hahaha

"hay nako beh sinabi ko rin naman sayo na may date nga kasi kayo ni thirdy di ba? pag babe time babe time lang di ba? tsaka magkikita rin naman kasi tayo pag training di ba?" sagot ko naman sa kanya

Simula nung one time na inindian niya si thirdy ay lagi ko na siyang pinaaalalahanan na si thirdy muna bago ako but kahit ganon ay di naman niya ko pinapapabayaan. Maliban lang sa mga araw na hindi ko pinapakita na malungkot ako at naaalala ko si nico. Kagaya ngayon special day para sa amin ni nico to pero wala pa rin siyang paramdam. Ngayon yung araw na pinayagan ko siya manligaw at yung araw din na umalis siya papuntang ibang bansa but still niligawan niya pa rin ako. Haaay. gusto ko uminom pero alam kong hindi ako papayagan ni bea. Naisip ko naayain na lang si jia baka sakaling samahan niya ko basta wag na lang ipaalam kay bea. Kaya habang nagpapractice kami ay sinimplehan ko ng lapit kay jia para maaya siya.

"ju" tawag ko sa kanya

"oh jho bakit?" sagot niya

"may lakad ka ba after ng practice? Samahan mo naman ako gusto ko uminom kaso wala ako kasama and hindi naman ako papayagan ni bea."

"iinom? Bakit? Ano problema mo?" tanong niya

"Special na araw kasi para samin ni nico ang araw na to. Naaalala ko lang siya gusto ko lang alisin yung sakit dito sa puso ko." sagot ko naman habang pinipigilan ko ang luha ko. Siya lang naman at si bea ang nakakaalam kung ano ba talaga nangyayari samin ni nico eh. Siguro yung iba ay may hint na pero silang dalawa talaga ang may alam ng lahat.

"ok sige samahan kita pero isasama natin si miguel ha mahirap naman pagtayong dalawa lang parehas tayong babae." sabi niya

"ayon! Salamat ju. Ittxt na lang kita mamaya kasi for sure ihahatid ako ni bea. Pagkahatid niya sakin tsaka ako aalis ulit para hindi niya malaman.

Kagaya nga ng plano ko pagkahatid sakin ni bea sa bahay ay umalis ulit ako at buti na lang din ay may ibang lakad siya kaya di na siya nagtagal sa bahay, magkikita sila ng mga hs barkada niya.

Tinext ko na rin si juju sabi ko magkita na lang kami sa may 7eleven malapit sa bar para sabay na kaming papasok sa bar.

"jho pasensya na natagalan kami may inasikaso pa kasi si miguel." sabi ni jia pagdating nila ni miguel

Unrecognized FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon