UF 28

466 11 16
                                    

Jho's feelings

"sorry babe." sabi ni nico

"it's ok I understand. pero kailangan mo na ikwento sakin ngayon ang lahat no secrets." sabi ko.

kahit naman kinwento na ni tita ang nangyari iba pa rin yung galing sa kanya.

"sige. tara na muna sa apartment na inuuwian ko."

Pumunta na kami sa apartment niya. maliit lang studio type, talagang tutulugan mo lang pero may kusina naman.

umupo lang kami sa sofa niya nung una ay walang imikan pero maya maya ay nagsimula na rin siya magkwento.

"Naaalala mo yung manager ko na umalis?"

tumango lang ako at nagpatuloy siya.

"Nung umalis siya ay napatakbo ko naman ng maayos yung shop pero nawawalan ako ng time sayo umabot pa sa ikaw na ang nagaadjust at ikaw na ang pumupunta dito. pero dumating yung time na naging busy ka na rin dahil palapit na ang start ng liga which is naiintindihan ko naman. Alam ko na need mo magfocus dun."

Napaisip ako yun lang ba talaga ang naging focus ko?

Hindi pa rin ako nagsalita inantay ko lang siya magkwento ulit.

"Nung time na hindi ka na nakakapunta dito dun nangyari yung trahedya na ipinagpapasalamat ko na rin na hindi ka nakapunta dahil baka nadamay ka pa. Mas magiging mahirap para sakin kung pati ikaw napahamak. Tumulong ako sa mga nasugatan na empleyado ko pati na rin sa customer na nadamay. Pinaayos ko rin yung mga nasira dito sa shop nagwala kasi yung holdaper eh kaya may mga nasira siya at ayun nga may mga nasaktan siya. Napilitan ako isangla sa kaibigan ko yung kotse ko para mapangdagdag sa pagpapaayos dito. Gusto ko kasi bumalik ito sa dati yung parang walang nagbago para kapag dumalaw ka ulit ganon pa rin yung ambiance na mafifeel mo. "

tumigil siya saglit at nginitian ako. Ngumiti rin ako pero makikita mo na pilit lang yon.

"Nung naayos ko na nagsisimula na bumangon bigla naman may mga kalaban na dumating na mas may pangalan kaysa sa shop ko kaya mas pinupuntahan yon tapos kumalat pa na may hostage taking na nangyari samin kaya mas lalo kaming hindi pinuntahan. Ayon. pero wag ka mag'alala maibabangon ko yon! hindi ako papayag na maisara yon kahit na sinasabi nila mama na mas makakabuti kung isasara ko na." determinadong pagkakasabi niya

"Pagtutulungan natin babe." Yun na lang ang sinabi ko sa kanya at niyakap ko siya.

"salamat babe" sagot niya sakin

"sorry dahil hindi ko sinabi sayo ayoko lang kasi na pati ikaw mamroblema ayoko na mawala yung focus mo sa games niyo. sorry" sabi ni nico habang nakayakap pa rin sa akin

"its ok now I understand na. Sorry din dahil nagdoubt ako sa relationship natin. I thought we're falling apart. Akala ko ako lang yung nasasaktan yun pala mas mahirap ang pinagdadaanan mo dito. sorry dahil hindi ko inalam." sabi ko sa kanya habang naluluha

"shh its not your fault desisyon ko rin naman na wag sabihin sayo. Promise from now on no more secrets. ok?"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Can I do that? kaya ko ba sabihin yung nangyayari samin ni bea? Pero wala naman kaming relasyon ni bea eh at walang ibang nakakaalam non kundi kami lang ni bea kaya hindi masasaktan si nico. at magbestfriend lang naman kami ni bea kaya walang maghihinala di ba? bahala na! tsaka ko na iisipin yon.

After ng paguusap namin ay naghanda na kami matulog. Nagpaalam na rin ako kay mama na dito ako matutulog. Iniisip ko kung sasabihin ko pa ba kay bea o hindi na. Pero mag'aalala yun sige na ittxt ko na.

To: Beh 💙
Beh di ako makakauwi ngayon dito na ko sa bulacan matutulog. Ok na kami ni nico kwento ko sayo pag'uwi ko.

"babe tulog na tayo." sabi ni nico

Unrecognized FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon