Jho's feelings
Katatapos ko lang mag'ayos, simpleng yellow shirt, white shorts at nike shoes ang suot ko. Wala naman sinabi si nico kung formal ba or casual ag isuot ko eh. Bahala na siya magadjust kung san kami pupunta.
Bumaba na ko ng hagdan nakita ako ni nico at inalalayan niya akong bumaba.
"you're so beautiful louisse." sabi ni nico
louisse tawag niya sakin nuon pa man. Pero bakit parang hindi na special ang pagtawag niya sakin non? bakit parang wala ng dating sakin?
Nginitian ko na lang siya at humarap kay mama para magpaalam.
"ma alis muna ko. Diretso na rin po akong training mamaya" paalam ko kay mama
"sige anak ingat kayo, nico" sabi ni mama at tumingin kay nico
"opo tita" sagot naman ni nico
Lumabas na kami ng bahay napansin ko na wala ang kotse ni nico na Ford everest ang nandon lang ay Honda civic na black na sa pagkakatanda ko ay sa mama niya.
"sakay ka na babe" sabi ni nico pagtapos ako pagbuksan ng pinto ng kotse
nagtataka man ay sumakay na rin ako. Pagkaupo niya sa driver seat ay tinanong ko siya.
"bakit kotse ni tita gamit mo? Nasan na kotse mo?"
"ahh sira kasi babe. Dinala ko muna sa Casa. Sige na babe suot mo na seatbelt mo para makaalis na tayo." sagot niya lang
Hinayaan ko na lang siya, tumingin na lang ako sa may bintana pagkatapos ko magsuot ng seatbelt at pinaandar niya na ang sasakyan.
Nakita ko na ang tinatahak namin na daan ay palabas na ng manila
"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"You'll see babe." sabi niya at ngumiti lang.
Huminto siya sa isang restaurant.
"kain na muna tayo babe lunch time na din kasi" sabi niya
"sige" sabi ko at bumaba na din ng kotse
Pumasok na kami ng restaurant. Filipino food lang din naman ang inooffer nila.
"Ma'am sir would you like to try our best seller halo-halo" sabi nung waiter after namin sabihin yung order namin
"sure dalawang order din non. Pero pwede bang ihuli mo na ng bigay yon? baka kasi matunaw kakain pa kami ng rice eh" sagot naman ni nico sa kanya.
"sure sir no problem"
Hindi kami nagiimikan habang nagaantay ng pagkain then nung sinerve yung food ay kumain lang din kami ng tahimik. I really don't know but I don't feel him hindi na siya yung nico na kababata ko na mahal ko.
After namin kumain ay bumalik na kami sa kotse and hindi ko pa rin alam kung san kami pupunta.
Di rin nagtagal nakarating kami sa isang cliff na overlooking ang city.
"dito na ba tayo?" tanong ko sa kanya
"oo babe. tara baba na tayo." sabi niya habang nakangiti
Bumaba na siya ng kotse kaya bumaba na din ako. Maganda yung lugar ang refreshing sa pakiramdam na kita mo ang city, for sure mas maganda dito kapag gabi na at kita na ang city lights.
"Bakit dito tayo pumunta? Ano gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya
"hmm naisip ko kasi na masyado naging toxic sa atin ang nagdaang mga buwan kaya dito ko naisip na dalhin ka ang ginhawa lang din kasi sa pakiramdam na nasa taas na ganito." sabi niya at tinignan ko lang siya saglit and tumingin na sa view sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Unrecognized Feelings
Fanfictionpaano kung ang dalawang tao na straight as a ruler ay mainlove sa isa't isa nang hindi nila namamalayan? ano kaya ang mangyayari?susugal ba sila o hahayaan na lang ang nararamdaman? first gxg story and jb fanfic to make hope you enjoy reading this...