Jhoana's feelings
Years past at naging stable naman ang buhay ko sa taon na yon. Trabaho, pamilya at si nico lang halos ang naging buhay ko. Minsan lang ako makaalis kasama ang barkada dahil sa sobrang busy pero kinaya naman.
Pero sabi nga nila kahit anong pilit mo ay mapapagod ka rin, kung hindi ka na masaya at hindi ka na naaappreciate. At yon ang nangyari sakin kaya nakapagdesisyon na ko na magreresign na ako sa trabaho ko. Ilang beses ko na binalak magresign pero di ko tinutuloy dahil sa mga kateam ko. Pero kahit sila hindi na rin nila kinaya kaya isa isa na rin sila nagresign at ako na lang ang hindi pa. May mga nahanap na rin silang ibang trabaho hindi man kami magkakasama ngayon atleast mas masaya na sila sa trabaho nila dahil hindi na toxic ang work place nila and I am happy for them.
Maybe 2 and a half years is enough naman na para masabing hindi ako agad sumuko. Bago ko naman gawin ang desisyon na to ay pinag'isipan ko tong mabuti inisip ko ang magiging pros and cons ng gagawin ko at sinabi ko rin muna kila mama pati kay nico at sila na mismo ang nagpupush sa akin na magresign dahil nakikita nila na hindi na ko masaya. Even kila bea at deanna ay sinabi ko ang problema na to kinwento ko lahat sa kanila at yun din ang sinabi nila kung hindi ka na masaya e di umalis ka na ilang taon ka rin naman nagtiis eh kaya ayon mas naging buo ang desisyon ko na umalis na.
months past
I am now officially a tambay. hahaha napasa ko na ang resignation letter ko last two months pa kaya ngayon ay pahinga muna ako. Paminsan minsan ay pumupunta ko sa coffee shop ni nico para dun tumambay maganda ang ambiance ng shop niya very cozy nakakarelax kaya nagugustuhan ko dun at syempre dahil libre ako don perks of being the girlfriend of the owner. hahaha
Pero ngayon ay hindi ako ganung pumupunta don dahil wala siya magoopen kasi siya ng bagong branch sa may central luzon kaya busy siya, actually lagi naman siyang busy. hahaha but he really tries to find time to spend with me last month after ko magresign ay nagbakasyon kaming dalawa for 3 days treat nya daw sakin dahil nagawa ko na daw umalis sa toxic kong trabaho.haha Nakapagrelax ako ng bongga sa mga araw na yon and syempre masaya dahil kasama ko siya. We had our time together.
Kaya lang ngayon ay magbubukas sya ng bagong branch kaya busy nanaman siya at naiintindihan ko naman yon at masaya rin ako para sa achievement niya. Noong panahong busy rin naman ako sa trabaho ay inintindi niya ko kaya ngayon ako naman ang iintindi sa kanya. At dahil ako ay understanding girlfriend taong bahay lang ako ngayon bonding kami ni mama, si jaja kasi ay nasa ateneo nagdodorm siya don.
*phone vibrates got a text message
bei: jho!
aba nagtext si bea ang alam ko busy din to ngayon eh malapit na kasi magstart ang pvl season kaya puspusan ang training. Ang tagal niya na sa creamline at nakasungkit na rin sila ng championships nung open conference last two consecutive year ang galing nga nya non eh siya ang finals mvp both year. Napanuod ko ang game nila na yon ng live buti nga nasasakto na wala kami ganong project non sa work kaya hindi ako nagoovertime at habang pinapanuod ko siya masasabi kong mas gumanda ang quick attacks at blockings niya compare noong nasa uaap pa kami.
me: why bei ?
ano kaya kailangan nitong babae na to?haha
phone rings
tinamad ata magtext tumawag na lang. haha
jho: hello ?
bea: jho! may ginagawa ka ba ngayon?
jho: wala naman. Nasa bahay lang. Bakit?
bea: yon nice! hmm aayain sana kita eh. tara sama ka sa practice namin? baka miss mo na magvolleyball.
BINABASA MO ANG
Unrecognized Feelings
Fanfictionpaano kung ang dalawang tao na straight as a ruler ay mainlove sa isa't isa nang hindi nila namamalayan? ano kaya ang mangyayari?susugal ba sila o hahayaan na lang ang nararamdaman? first gxg story and jb fanfic to make hope you enjoy reading this...