Chapter 4

47 28 0
                                    



Kinabukasan naman ay bumawi ako. Ako ang nagluto ng almusal. Buti nalang din at maaga nagising si Kriesha Eonnie at Cherry kaya sila na ang nanggising kila Oppa. Pero if I know! Namboso lang si Cherry, HAHAHA.

"Kain naaaa!!" Malakas kong sigaw sa kanila.

"Bakit ikaw ang nagluto?" Daniel Oppa asked me.

"Bakit hindi ako? Katulong nyo naman ako so it's fine!" Nakangiti kong sabi.

"Andyan naman si Kriesha Manager Noona." Bored na sabi ni Jinyoung Oppa kaya natawa kami. At mas lalo naman kaming natawa ng hampasin ni Kriesha Eonnie si Jinyoung Oppa nung basahan.

"Aray! Masakit!" Sigaw nya kay Eonnie.

"Ya! Tinawag mo pa akong Manager!" Inis nyang sigaw kay Oppa.

"Stop it, okay? Kakain na tayo." Sabi ni Jisung Oppa kaya kumain na kami. Habang kumakain ay may nararamdaman naman akong tumitingin sa akin kaya tiningnan ko silang lahat. Wala naman nakatingin sa akin. Lahat sila ay nakatutok sa pagkain.

"Is there a problem?" Daehwi Oppa asked. I shooked my head. Napansin siguro nya na may tinitingnan ako.

Nang matapos ay si Cherry na ang naghugas lahat. Pumanik muna ako sa kwarto ko para ayusin ito. Ng matapos naman ay sinimulan ko ng magwalis ng bahay. Nagpapahinga naman si Cherry sa kwarto nya dito ng matapos sya maghugas. Naisipan ko namang walisin yung kwarto nila Oppa. May sarili sariling kwarto kasi sila. Atsaka nasa Practice Room naman sila.

Nilinisan ko yung buong kwarto nila isa-isa. Wala naman akong pinakialaman na ibang gamit. Kung saan nakalagay nung dinatnan ko, dun ko pa rin sila nilagay. Kung ano lang talaga yung mga nakakalat ay yun lang din ang niligpit ko.

Sa wakas ay isa nalang ang kwartong natitira at yon ay yong kay Guanlin Oppa. Pagpasok ko ay di naman ganon kakalat di katulad nung sa iba. But Minhyun Oppa's room is awesome! Mas malinis pa sya sa akin at organize na organize ang kwarto nya!

Nagwawalis lang ako sa Room ni Guanlin Oppa ng biglang may humablot nung Walis.

"Naga." Malamig nyang sabi. (Get out.)

"O-oppa! Naglilinis lang naman ako. Wala na---"

"Naga!" Malakas nyang sigaw sa akin na nagpangilabot sa akin.

"What's happening here?" Napatingin naman ako sa pintuan. Nandon si Cherry. Umiling naman ako at binalik ang tingin kay Oppa. Kinuha ko ang walis.

"Mianhe.." Sabi ko bago tumakbo paalis doon sa kwarto nya. (Sorry)

Dumiretso naman ako sa kwarto ko at doon nilanas lahat ng sama ng loob ko. Iniyak ko lahat. Masama na bang maglinis?! Ano na naman bang problema nya?! Parang kahapon lang ang bait bait na nya ulit ah! Bipolar talaga!

"Stephanie-ssi! May hinandang meryenda si Eonnie!" Agad naman akong napatalikod ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Kanina pa bang kumakatok yon? "Stephanie-ssi? Neo gwaenchanh-ni?" Nginitian ko naman yon ng masiguradong wala ng bakas ng luha sa mukha ko. (Are you okay?)

"Woojin Oppa! Ikaw pala!"

"Ne. Kanina pa ako kumakatok hindi mo naman ata naririnig kaya pumasok na ako. Are you okay?" Ulit nya sa tanong nya kanina. Umiling naman ako.

"Bipolar ba talaga si Guanlin Oppa?" Tumango tango naman sya.

"Yes. But sometimes, it depends kung may ginawa ka sa kanya. Ano na naman bang ginawa mo?" Natatawa nyang sabi. Nagpakawala naman ako ng hininga.

"Nililinisan ko lang yong kwarto nya ng bigla nyang hinablot sa akin yong walis. Then, galit na galit sya."

"Ahh, ayaw nya kasing nagpapapasok sa kwarto nya. Depende kung may pinayagan sya. Pero, ni minsan wala talaga. Kahit si Eonnie, Manager pa namin sya kanyan ahh. Sya na lang ang naglilinis ng kwarto nya." Sabi nya habang nakangiti. Tumango tango naman ako, "Alam mo, bumaba na tayo at kumain! Baka ubusan pa tayo ng iba. Pagod pa naman kami!" Sabi nya habang nakangiti kaya sabay na kaming bumaba.

Nadatnan naman namin silang kumakain na kaya sumabay na rin kami.

"Wait! Asan si Guanlin-ssi?" Tanong ni Sungwoon Oppa. Nagkatinginan naman kami ni Woojin Oppa.

"He's in his room. Tinawag ko na kanina, ayaw nyang bumaba kaya pinaghatid ko nalang ng pagkain." Sabi ni Cherry kaya wala ng nagtanong pa.

Matapos kumain ay sila na ang nagligpit kaya umakyat na ako. Nagbabasa lang ako ng may bigla na namang kumatok sa pinto ko. Tumayo ako at pinagbuksan agad iyon.

"Oppa!" Nakangiti kong sabi.

"Ahh, do you know how to play XBOX?" Tumango naman ako.

"Ne.."

"Laro tayo?"

"Jinja?! Oo naman, Oppa!" Napangiti naman sya sa sinabi ko at inaya na ako sa kwarto nya. Yung kwarto nya ay may mga nakabox pang mga Airplane na laruan or may mga laruan rin na may controller ganon.

"What do you want to play?" Napaisip naman ako saglit pero sinabi ring bahala na sya.

Naglaro lang kami ng naglaro at masasabi ko namang nakakatuwa syang kasama. Nung una ko kasi silang nakilala, ang cold nyang tingnan. Pero mas cold pa rin si Guanlin Oppa. Atsaka sya naman kasi nagsasalita pa rin sya. Ang problema nga lang pagnagsasalita sya, pangbara naman ang lumalabas sa bibig nya. Unlike nila Sungwoon at Minhyun Oppa. Pero I must say na lahat naman sila ay mga baliw. HAHAHA. Kahit nga ang Astro ehh.

"Masaya ka bang kasama mo kami dito?" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tinanong nya. Buti nalang at kakatapos lang ng nilalaro namin.

"Ne. Feeling ko kasi nagkaroon ako ng mga bagong Oppa. Atsaka masaya ako kasi nakasama ko ulit si Kriesha Eonnie." Atsaka si Jaehwan Oppa. Gusto ko sana idagdag iyon nga lang hindi naman nya alam dahil si Jihoon Oppa pa lang ang nakakaalam.

"Stephanie-ssi, I just want you to know na masaya ang buong Wanna One na makasama ka. Why? Kasi masiyahin ka  daw, masipag! And you have this vibe na nakakuha agad ng loob namin. Us, members of Wanna One and Astro!" Nakangiti nyang sabi kaya napangiti na naman ako, "And we love your eyesmile!" Natawa na ako dahil sa sinabi nya.

"Alam nyo bang kahit dalawang araw pa lang ata ako dito, ang saya ko na! I mean, eversince mawala sila Eomma at Appa, ang Oppa ko nalang ang kasama ko. Tapos umalis pa si Oppa kasi sabi nya, kailangan nyang maghanap ng trabaho para mapagaral ako. Kaya simula non, ngayon pa lang ako naging masaya." Nakangiti kong sabi. Nagpatuloy kaming maglaro ng may marinig kaming sumigaw bigla.

"Stephanie-ssi?! Woojin-ssi?!" Nagkatinginan naman kami ni Oppa.

********************************

Repapips! HAHAHAHA. So gaya nga ng sabi ko una palang, wala akong sinusundan na Entertainment, medyo iniba ko ugali nila, tapos HAHAHA! Yon lang! __GuAnLiNiE__

Woi! HAHAHA. Reminder lang! Lahat ng nakaitalicized or yung parang nakaslant na writing or whatsoever! (Example) ganyan neh?! Nakatranslate na sya. Pero yung mga basic words na ng korean ay hindi ko na ginanyan. Arraseo?!

Don't forget to Vote, Comment and Share😘

Social Media Accounts

Facebook: Stephanie Kim
Tumblr: Marshmallowbea
Pinterest: Marshmallowbea
Ask.Fm: Beyaaa (Kryjamekareen06448)

Way Up High Where stories live. Discover now