Chapter 11

26 12 0
                                    



Matapos nang Vacation namin ay parang ang daming nagbago. Hindi lang simpleng pagbabago kundi major talaga! Naging super mabait sa akin si Guanlin-ssi, lagi nang lumalapit sa akin si Woojin Oppa at ang pinakahuli sa lahat at pinakaayaw ko, medyo lumayo ang loob sa akin ni Jaehwan Oppa. Alam kong napagusapan na namin ang tungkol kila Guanlin-ssi pero mapipigilan ko ba yon? Mapipigilan ko ba yon kung sila mismo ang lumalapit? Lumalayo naman ako eh. Pero sa tuwing susubukan kong lumapit kay Jaehwan Oppa ay saka naman sila lumalapit. Di ko na nga alam gagawin ko eh, mababaliw na ako! Tapos idagdag mo pa yung dalawang babae pa naming kasama!

"Hani-sssiiiii!" Rinig kong sigaw ni Daehwi Oppa. Nasa kusina kasi ako at nagluluto.

"Wae?" Tanong ko ng makalapit na sya.

"Nakita mo ba sila Guanlin-ssi at Woojin Hyung?" Tanong nya. Nangunot naman ako. Gaya nga kasi ng sabi ko, simula nung matapos ang Vacation ay wala na silang ginawa kundi ang lumapit sa akin, kaya tuwing hinahanap sila ay sa akin sila lumalapit. Umiling naman ako.

"Aniyo, Oppa."

"Si Jisung Hyung? Sila Kriesha Noona at Cherry Noona?" Akmang sasagot ako ng biglang pumasok si Jihoon Oppa.

"Why are you finding them?" Tanong nya kay Daehwi Oppa.

"Hyung, may meeting daw kasi." Sabi nya.

"Hintayin nalang natin." Sabi nya kaya umalis na si Daehwi Oppa doon. Ng kami nalang ni Jihoon Oppa ay nakasimangot syang humarap sa akin.

"Wae?" Natatawa kong tanong pero di nya ako sinagot. "Asan sila Jisung Oppa?" I asked him nalang.

"Kausap nila sila Guanlin-ssi at Woojin-ssi. Inutusan ni Jaehwan Hyung." Sabi nya kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit di ka kasama?"

"Para daw pag may nagtanong sa'yo ay ako nalang ang sasagot." Nakasimangot pa rin nyang sabi.

"Oppa? Why are you sad?" I asked him. Huminga naman sya ng malalim.

"Nag-away kami ni Cherry-ssi." Mahina nyang sabi na nagpatawa sa akin.

"Seryoso? Palagi naman na ata kayong nag-aaway ah?" Sabi ko.

"Kasi sya! Hanggang ngayon sinusumbat pa rin nya na mas mabait si Daniel Hyung sa akin!" Nagmamaktol nyang sabi. Buti nalang talaga at may natapos na akong lutuin kaya pinaupo ko sya sa lamesa at binigyan ng makakain.

"Ikain mo nalang yan, Oppa." Sabi ko kaya ngumuso sya pero kumain pa rin. Nang matapos ay tinawag na silang lahat para sa meryenda. Tama nga sila at wala pa sila Oppa at Eonnie. Napansin ko rin ang pagiging matamlay ni Jaehwan Oppa. Habang kumakain sila ay napagisipan kong pumasok muna sa kwarto ko, na syang ginawa ko naman. Nang makapasok ay agad akong dumapa sa kama.

Bakit ganon? I mean, bakit ako papaiwasin ni Jaehwan Oppa kila Guanlin-ssi diba? Nagaaway ba sila ng palihim? Imposible. Para maibsan ang boredom na nararamdaman ay kinuha ko nalang ang laptop ko at binuksan ang Youtube. Papakinggan ko nalang ang mga kanta nila Oppa para kahit papaano naman may alam ako sa kanila diba? Kasalukuyan akong nanonood ng biglang may kumatok at pumasok nalang sa kwarto ko bigla. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino iyon.

"O-oppa!" Kinakabahan kong sabi. Ngumiti naman sya at tumabi sa akin.

"What do you want to do, Hani-ssi?" He asked. Umiling naman ako habang nakatulala pa rin sa kanya.

"O-oppa..." Sabi ko at hinawakan yung pasa nya sa gilid ng labi. "G-gwaenchanha?" Kulang nalang ay halos maging bulong iyon. Tumango naman sya at ngumiti.

"Ne. Maliit lang yan at madaling gagaling." Umiling naman ako at kinuha yung First Aid sa banyo. "A-ani, Hani-ssi!" Halos isigaw na nya iyon ng akmang ilalapat ko na iyong bulak na may betadine sa may pasa nya sa gilid ng labi nya.

"Saglit lang ito, Oppa!" Sabi ko at ginawa na ang dapat gawin. Dinampi dampi ko lang iyon ng marahan para hindi sya masaktan. "Sino ba ang naggagamot sa inyo pag ganito?" I asked him.

"Si Kriesha Noona." Sabi nya na ikinatawa ko. Talagang matatakot sila pag ganito. Naranasan ko na kasi iyan noon. Ang kapal ng mukha namin ni Cherry na makipag-away, lima sila. Dalawa lang kami. Talagang talo kami. Buti nalang at dumating si Eonnie at pinigilan sila. Habang ginagamot nya sugat namin ni Cherry ay imbis na marahang pagdampi ay madidiin at mabilis ang ginawa nya habang pinapagalitan kami.

"Sino ba ang gumawa nito Oppa?" Ngumiti lang sya kaya may Idea na ako kung sino. Ng matapos ay nilagyan ko na iyon ng maliit na band aid. Nang matapos ay hindi sinasadyang napatingin ako sa mapupula nyang labi. Napalunok ako. May naalala. Bago pa man ako lumayo ay bigla nalang nya itinagilid ang ulo nya at bago ko pa man mapigilan ay muli na naman lumapat ang labi nya sa akin. It's my second kiss. After two weeks.

Sa hindi malamang dahilan ay akma ko na sanang ipipikit ang aking mga mata ng may makitang dalawang pares ng matang nakatingin sa amin. Hurt. Hindi ko alam kung bakit sya masasaktan. Bago ko pa man sya mailayo ay may isa pang lalaking nakarating na at tumingin agad sa amin at dahil doon ay agad akong tinulak si Oppa. Nangingilid ang luha sa akin mata. Kitang kita ko ang galit sa mata ni Jaehwan Oppa.

"Hani-ssi?" Napatingin ako kay Oppa ng tawagin nya ako. Nagtataka syang tumingin sa akin ng makitang may luha sa mga mata ko. Bago pa may makapagsalita sa kanila ulit ay dali dali na akong lumabas ng kwarto at agad lumabas ng dorm nila, nadaanan ko pa sila Eonnie na nanonood ng TV sa salas at tinatawag ako pero wala akong pinansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang park. Medyo malayo din ito sa may Dorm.

Ano na naman bang kahibangan ang ginawa ko?! Panigurado pag umuwi ako ng Dorm ay aalis na kami ni Jaehwan Oppa. Alam ko yon. Kitang kita ko eh. Galit na galit talaga sya, nakakuyom yung mga palad nya, masama ang tingin, pagkatapos ay pulang pula ang mukha nya na halata mong nagpipigil ng galit. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Pero imbis na tumigil ang luha ay patuloy pa din itong tumutulo pero tulala lang ako. Napasabunot nalang ako sa ulo ko.

"Ahhh! Ano na naman bang ginawa ko?" Bulong ko sa sarili ko. Kasalanan ko din naman kasi eh. Kung umiwas ako agad or tinulak agad si Guanlin-ssi ode sana hindi kami makikita ni Woojin Oppa at Jaehwan Oppa! Huminga ako ng malalim bago naglakad na pabalik dahil sa medyo nilalamig na rin ako. Pero habang naglalakad pabalik ay may isang tanong ang bumagabag sa akin.

Am I falling in love with him?

************************

So ano! HAHAHAHA! Kinikilig din kasi ako eh! HAHAHAHA. Kakatapos lang kasi nung kissing scene sa isang Chapter diba?! Tapos kissing scene na naman! HAHAHAHA! Sorna neh? __fullsun

Don't forget to Vote, Comment and Share😘

Social Media Accounts

Facebook: Stephanie Kim
Tumblr: Marshmallowbea
Pinterest: Marshmallowbea
Ask.Fm: Beyaaa (Kryjamekareen06448)

Way Up High Where stories live. Discover now