Chapter IV

19 1 0
                                    

Chapter 6: Pride and Prejudice








"nakikita ko ang bata sa iyo," napa bow lang ako, napahinto ako nung may nagsalita sa harapan ko. Bata?

"kamukhang kamukha mo ang lolo mo," he gave me a smile. Ahh, si lolo pala.

Pipindutin ko na sana yung elevator kaso may lumabas.

Na halimaw.




"You?!" gulat na sigaw niya sakin.

"Ikaw?!"

Ha!, wow may gana pa siyang magalit e siya nga yung nambato ng mabaho niyang sapatos sakin e.

"you asshole P. E pants, wait- how did you get in here?"

"asshole mong mukha mo, bakit? bawal bang pumasok dito?"

"perhaps, umapply ka ba bilang utosan dito?" he asked, confused.

"Utosan? Ha! gago ka ba? sa mukhang to? asa"

Nagulat nalang ako ng may tinatawagan siya. Perhaps, pinapatawag niya ba yung mga guards para ikick out ako dito? Gate crasher lang ampeg?

"hello? Nasa 2nd floor kami. May nakapasok ditong hindi ko kilala. Oaki huli nalang siya dito,

"ah butler kim nandito ka pala, paalisin mo siya dito. mukhang may naliligaw na aso," turo niya sakin.

Tignan lang natin kung mapapaalis mo'ko dito.

"Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo kamahalan na siya po ang ipapaksal sa inyo."

"Ano?!"

"Ano?!"

Sabay naming sigaw. Siya? ang papakasalan ko?! Akala ko pa naman madaming nakatirang prinsipe dito pero siya?! WHAT THE HELL. AYOKO!


"pakiusapan niyo po ako. Di ko po nasabi ng maaga, nasaktan ko po ang iyong kabutihan, pakiusapan mo po ako sa iyong kaluwalhatian."

The butler bowed 380 degrees feeling sorry to the jerk. Joke, 380 degrees talaga. Ang lalim ng tagalog nila dito ah, lalo na nung nag Q&A kami ng reyna, parang sasabog na ulo ko sa kakaisip ng mga translation ng mga sinasabi niya.

"you should've said it earlier para may naisip pakong paraan pano to ma cancel," he said, disappointed. What? ipapacancel niya ang marriage? sabagay gusto ko din naman.

"At ano? Papakasalan ko tong aswang na to? Hindi hindi ako papayag." galit na aabi niya habang nakatingin sakin.

Kala mo naman gusto din kitang pakasalan no!

Pero sina mama't papa.. naaalala ko nanaman yung nangyari kanina. Naaawa na talaga ako sakanila, lubog na sa utang si pops, walang trabaho si mama pati si Jaehun.. walang magpapaaral sakanya. Hindi, di pwedeng ma tigil ang kasal!

"p-pero," singit ko.

"wag mo'ng sabihing sang ayon ka sa kasal na to? ahh, Pera. Magkano ba kailangan mo? 1M? 3M?" sinimulan niyang lumabas ng pera sa wallet niya na ikinagalit ko.

"Di ko kailangan ng pera mo. At mas lalong di ako sang ayon sa kasal nato, ginawa ko lang to dahil sa mga magulang ko," depensa ko. Wala siyang karapatang tapak tapakan ang dignidad ko.

"At saka may karapatan naman talaga ako kasi ang lolo ko at ang dating hari ang nagdesisyon nito." pahayag ko.

"ganun na nga, parang sinasabi mo na ding sang ayon ka sa kasal para mabuhay mo ang pamilya mo ganon ba?" di ko mapigilang mainis.

"Oo, isipin mo nang napaka desperada kong maging prinsesa buhayin lang ang pamilya ko dahil mahal ko sila. Sa'ka ako naman ang nagpamana ng singsing ni late King Wang, ako ang dapat uupo sa trono."

"See? lumabas din yung ugali mong daga, na desperadang maka upo sa trono, na maipakasal sa mayaman para lang mabuhay ang pamilya. Marami pa namang ibang mayaman diyan e ba-"

"ganun na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo? paalala ko lang, di porke prinsipe ka pwede mo nang apak apakan ang dignidad ko. Wag kang mag alala, kakausapin ko sina mama't papa na di na itutuloy tong pesteng kasal na to. At sisiguraduhin kong di na tayo magkikita pa ulit" I shot him a glare.




Dumiretso ako sa elevator. Baka masampal ko pa yung kumag na yun e! Ugh, I hate him. Kung ayaw niya ng kasal fine! Tsaka ano ako? gago para um-oo pakasalan ako sa gunggong na unggoy nayun? ni di ko nga siya masyadong kilala e.

Daga? Tss Ha! Dapat pala pinakain ko yung sapatos niya sakanya e! Jerk! Nahurt din ako dun sa mga sinabi niya ah, tagos yun bes.












~~~~♡~~~~

Papauwi na'ko ng bahay ng may nakaabang na lalaki sa gate na may dalang camera. Di kaya... tss imposible!

Akmang lalakad naako ay may lalaking tinulak ako sa poste, he pinned me. Fck akala ko kung sinong rapist!

"Gago ka ba?!" sigaw ko.

"Shh!" he quickly covered my mouth and shut me down. Tinignan niya ng maigi yung lalaking nakaabang sa gate namin. Pano niya nalaman address ko? stalker ampeg?


"Sino ba yun?" I pushed him tsaka lumipat siya sa left side ko. Pano ba naman, ang lapit lapit niya sakin e, konte nalang makikita ko na kulangot niya sa butas ng ilong niya.

"Wag kang gumalaw, reporter yun. Kung maabutan ka niya patay ka." sabi niya.

"Wowsk, patay agad? di pwede i-interviewhin lang ako?"

"Di pa pwede malaman ng buong mundo na ikakasal tayo, i-cacancel ko pa yung kasal di ka pa pwedeng lumabas." Walang tayo bes :p

"Pano niya nalaman? dispatch ba yan? alam agad? kanina pa lang ako pumunta ah,"

"masanay kana, ganyan talaga pagdating sa royal issues. Di mo ba nakita yung bagong labas na newspaper na ikakasal nako? o tanga ka lang talaga?"

"luh, ano ako? stalker mo? ew."
napansin kong napatawa siya ng konte, oy tumatawa ang halimaw.

"Di wow, pero tutulungan mo ba akong ipacancel tong kasal na to?" he looked at me seriously. Pero di pwede, ewan ko. Litong lito ako.

"Ka-"

"Kamahalan, nakaalis na po iyong reporter, na clear na po namin lahat ng daan na nakaalis na siya."

"Makakaalis kana," the jerk said.

"tsaka pano mo ba nalaman address ko? pano mo nalamang may aabang na reporter? perhaps, stalker ka ba?"

"nalaman ko lang kay butler kim na may papuntang reporter sa bahay mo, at makakasira yun sa reputation ng Lim Empire. Di pwedeng malaman ng ibang tao na ikaw ang ipapakasal sakin, ni hindi pa nga kinokompirma ng Palasyo kunh sino ang papakasalan ko.

Tsaka wag kang assuming, si butler Kim yung driver kaya siya yung may alam ng address mo."

"tsh, edi wow. Pero thank you." humarap ako kay butler kim. nag speech pa ang halimaw.

"Thank you butler kim,"

Royal Legacy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon