Chapter 14: Katangahan 101
"Ito ay Geun-Young palace mula ngayon. 140 taon na ang nakaraan, noong 1866 nang tumanggap ang Myung-Sah ng pagsasanay, ang lugar na ito ay may malalim na kahulugan." explain ng senior court lady para sa crow princess' education daw.
Tsaka ko lang nalaman na half korean half filipino pala ang royal family na ito.
"Binabati kita, Ms. Dalene Fiaso na makatanggap ng pagsasanay dito," sabi niya saka nag bow. Ganito pala ang itsura ng training center nila, naka upo kalang sa wooden na sahig saka naka filipiniana, pwede bang gawin nalang yung modern style? ×__× ang init init na ng suot ko.
"P-po?" tanong ko.
"ilagay ito sa gilid," nagulat nalang ako na may pinatong na madaming libro yung mga court lady sa tabi ko. BABASAHIN KO 'YAN LAHAT?!
"Ms. Dalene Fiaso, ito ang mga materyales na kailangan mong pag-aralan," napalunok ako sa dami, seryoso ba sila?
"A-ano po? Lahat 'yan?" di ko makapaniwalang tanong.
"upang kumain ay upang kumain, upang umyak ay upang sumigaw, sa magmumog ay upang magmumog, upang maghugas ng mukha ay upang maghugas ng mukha, upang maging may sakit ay may sakit,"
I sighed in disdain. Ayoko na, paulit ulit lang naman to e.Nilipat ko ito sa next page ng libro, "bakit nila lahat ginagawang komplikado gamit ang alien language?" inis na sabi ko. Ang hirap naman nito.
"dapat sinasabi nalang nila kung pano nakasulat, tsk." reklamo ko.
"Ugh, nac-crazy naako! pano ko ba ma mememorize ang lahat ng to in 2 days?!" inis na sabi ko sabay kumot sa buhok ko.
*ting!*
kumuha ng tsaa 'yung senior court lady, wala yung dalawang babae *U* makatulog nga.
Third Person's POV
"the Queen has arrived," sigaw ng isang senior court lady. Sapagkat, nakatulog ng mahimbing ang princess-to-be na si Dalene, habang nag aaral para sa edukasyon niya.
Nakita ng reyna ang sapatos na kanyang dinrawingan at mga kalat na kanyang ginawa. Di niya mapigilang mainis.
"paano ba akong makapagbigay ng panayam sa batang babae na ito," the queen sighed in disappointment, ayaw niya talaga sa babaeng ito dahil hindi nga siya fit sa pagiging prinsesa.
"Pasensya na po, kamahalan" sabi ng dalawang court lady na nasa likod niya saka nag bow, pagpapasensya nila sa pagiging mapabaya sa princess-to-be na si Dalene.
"Sinabi ko na po sa mga mag-aaral na alagaan siya, pasensya na po kung di nila nagawa ang nasabi ko sakanila." sabi ng senior court lady na kakarating lang, at nag bow sa reyna.
"Pakiusap gumising po kayo," sabi ng dalawang court lady na pilit gisingin si Dalene sa pagkatulog nito sa lamesa.
"kailangan niyo pong gumising," sabi naman ng isang courtlady saka inuyoguyog si Dalene.
"Sige na po!" nagmamakaawang sabi nung pinakaunang court lady.
"-magising na po kayo!
-magising na po kayo!""ma! gusto ko pang matulog ng 5 minutes," reklamo ni Dalene na akalang nasa fantasy dream pa niya.
"kailangan niyo na pong magising!" sigaw nang pangalawang court lady
"iwanan niyo nalang siya," utos ng reyna, na kanina pa palang nakatayo sa gilid.
"baka ito ay napagod lamang, siguradong siya ay kulang lang sa tulog," sabi ng reyna na pilit iniintindi na lang si Dalene.
Napatigil ang dalawa sa paggising kay Dalene at saka umalis.
"Walang dapat magkamali sa etiketa sa kasal," utos ng reyna sa senior court lady na itinalaga para kay Dalene.
"upang ang seremonya sa pagkuha ng nobya ay maaaring magpatuloy nang maayos," dagdag ng reyna.
"siya ay gumagawa ng maraming mga pagkakamali, kaya sanayin siya na maging prinsesa."
"masusunod po, kamahalan." napabow ang senior court lady na itinalaga kay Dalene, sisiguraduhin niyang matutupad niya lahat ng utos ng reyna.
"At higit pa, ipaalam sa kanya na ang mga patakaran ng palasyo ay lubhang mahigpit." sabi ng reyna.
"masusunod po kamahalan," binigyan ng maliit na kuwaderno (notebook) ang senior court lady upang magabayan ng mabuti si Dalene.
"tandaan nang mabuti ang mga bagay na natutunan niya, ang mga bagay na ginawa niya ng tama, at ang mga bagay na ginawa niyang mali, sa panahon ng kanyang pagsasanay." napa yuko (bow) nalang ang senior court lady sa utos ng reyna.
"Mayroon akong mataas na inaasahan sa iyong kakayahan na gawin ito sa panahon ng pagsasanay na ito,"
~~~♡~~~
Tumakas si Dalene sa training hall ng walang nakakakita sakanya, napansin naman ng mga itinalaga sakanyang court lady na nawalala siya. Ang tigas talaga ng ulo ng princess-to-be at naisipan pang tumakas sa pag aaral.
Napatakbo ang naka-assign na court lady ni Dalene sa mga palace guards, at di mapigilang mag tanong "Nakita niyo ba si Ms. Dalene?" hinihingal na tanong ng court lady na kanina pa hinahanap si Dalene.
Nakita naman ni Dalene na hinahanap na pala siya ng mga court lady kaya siya ay nagtago muna sa gilid at napatawa nalang.
Dalene
hahanap pa sana ako ng mataguan kaso nabuking ako ng senior court lady, na ngayon ay nakatayo sa harap ko :|
Akala ko papagalitan ako pero, "ano ba ang ginagawa niyong dalawa?!" subalit, 'yung dalawang court lady na naka assign sakin ang pinagalitan at hindi ako.
"immature fools," galit na sabi ng senior court lady sa dalawang court lady na kasalukuyang naka yuko. Hala, kasalanan ko lahat ng to! naaawa tuloy ako sa dalawa, sila pa ang sinisi sa katangahan ko..
"K-kasi po.." singit ko.
"Sinabi ko na sa inyo na alagaan siya, pero tingnan niyo anong nangyari!" inis na sabi ng senior court lady sa dalawa. Bakit hindi ako ang pagalitan mo..
"Sa palagay niyo ba ang palasyo ang inyong palaruan?" patuloy ng senior court lady,
"hindi na po mauulit-"
hindi ko na mapigilan kaya't nagsalita na din ako.
"H-hindi naman po sila ang may kasalanan Sang Geung Mama, k-kasalan ko po ang lahat kaya parusahan niyo po ako!" napaluhod ako saka itinaas ang dalawa kong kamay. Napagulat ang dalawa sa ginawa ko, dapat lang akong parusahan sa katangahang ginawa ko..
"Wala kang kasalan Ms. Dalene," saka ako pinatayo ni Sang Geung Mama. Pero nag-guilty padin ako.
"Sino nga ulit siya? siya ang ating prinsesa sa hinaharap," napaharap ulit si Sang Geung Mama sa dalawa.
"are you two going to mess up again?"
"hindi po mama, hindi na po ulit mangyayari 'yon," nagmamakaawang sabi ng pangalawang court lady.
"hindi na po mauulit, Sang Geung Mama," napayuko na sabi ng isa pang court lady. Kasalanan ko lahat to ×___×
BINABASA MO ANG
Royal Legacy (ON GOING)
أدب المراهقينRoyal Legacy na mapapasa sa isang hindi naman full royal blood, isang unknown na babae, isang commoner, babaeng walang kaalam alam sa Royal World, ay hindi inaasahang sakanya pala mapapasa ang korona ng pagiging prinsesa. Paano niya maangkop ang pag...