Chapter VIII

8 1 0
                                    

Chapter 8: "It's all your fault"



Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay umuwi ako agad. Leche sya, bahala siya sa buhay niya kung makita ako nang mga pesteng reporters nayun. Pucha ako ba namang sabihan ng "Its all your fault"?! Di ka ba maiinis nun?

*dingdong!*


"anak! ba't ang aga aga mo ata umuwi?" tinatanong pa ba yan? edi nga dapat diba masaya kayo?

Pumasok ako sa bahay ng punong puno ng inis. Arghh! Peste talaga sa buhay ko si Liam.

"oh anak, uminom ka muna ng juice para lumamig naman 'yang ulo mo. Sino bang umaway sayo? huh? suntukan kamo kami!" Hamon ni pops sa kalaban ko kuno, kung alam niyo lang sino.

Inabot sakin ni mama ang juice na ininom ko sa galit. Puro galit ata ang nakapinta sa mukha ko, wala e, it's all all my fault daw e.

"Ma, Pops. Pwede bang wag nalang akong mag-pakasal?" Malapit ng nahulog si mama sa pagka gulat niya pero sinalo naman agad ni papa. Myghad, akala ko ma cocollapse na siya.

"B-bakit anak? anong problema?" tanong ni Pops tsaka tinanggal ang apron niyang halos everyday niya nang suot.

"Pops, it's all my fault daw!" tsaka ako napaiyak.

"Huy anak, okay ka lang ba talaga? wag mo sabihing.. inaaway ka sa school dahil kumalat na yung balita?!" galit na sabi ni Pops.

"Jaehun kumuha ka ng tissue!" sigaw ni mama.

"Pops ayaw ko na mababa ang tingin nila satin, *sobs* gusto kong mamuhay tayo ng normal at masaya, ayaw ko ng pareho sakanila." pumunta ako agad sa kwarto.

Di ko na kaya e, grabe na yung pressure. Ang bigat na.

Bakit ba ganon yung trato niya sakin? Daga? Asshole? Aswang? Kala niya ba di ako nasasaktan nun?! Ang sama niya, ang sama sama. Ang ingay ko talaga pag umiiyak, daig pa sa ingay ng kapitbahay.

"Oy, Daldalita buksan mo yan!" kanok ni Jaehun.

Tsaka ano daw? Chismosa? Di ko naman sinasadyang makita kayong mag-usap e! Gago talaga tong tadhanang to, palagi nalang pinapakita saking nag uusap sila para mapagalitan ako ng kumag nayun.

"HOY BUKSAN MO TONG PINTO! NANDITO MGA KAIBIGAN MO, NAKAKADIRI NA YUNG PAG-OOA MO!"

Sila Jane? Imposible, si Kei at Mary lang siguro. Tumayo ako at agad binuksan ang pinto. Di ko alam pero umiyak ako nung lalo ko silang nakita, pakiramdam ko gumaan lahat ng nakita ko sila.

"Dal! namiss ka namin! bat ka ba umiiyak?" tanong ni Kei na kasalukuyang tinatahan ako sa pag iyak. Alam niyo naman ako, sensitive at madaling umiyak.

"Si Liam ba?!" singit ni Mary.

"Kasi.. kasi.. HUHUHU!"

"Kadiri kayo," -Jaehun

"kasi sabi niya chismosa daw ako, e di ko naman kasalanang nakita ko silang nag uusap e.. Tapos palagi siyang nagagalit pag nakikita niya ako. Tapos, tapos palagi niya nalang inaapakan dignidad ko, alam niya bang nasasaktan na ako?" sabi ko sabay iyak.

"shh, tahan na Dal." sabi ni Jane sabay tapik sa balikat ko.



~~~♡~~~

Pumunta ako sa Lim Empire, pero siyempre hanggang gate lang ako. Para sabihing di na matutuloy ang kasal. Bahala sila, ako naman magdedesisyon e, ibigay na nila kamo yung singsing sa iba.

Napalingon ako ng may lalaking napa bow sakin. "Mahal na prinsesa, ano pong meron at napapunta kayo dito?"

"Butler Kim?" tanong ko.

"Ako nga po, ano pong kailangan niyo?"

"pwede bang pakisabi na wag ng ituloy yung kasal? tsaka sabihin mo sa mahal na hari na wag daw ako, kasi pobre pamilya namin tsaka di kamo ako bagay kay kumag, ah e Liam pala. Mauna na po ako, salamat po sa lahat," nag bow ako saka umalis agad.

"miss-"

Aalis na sana ako ng may tatlong kotseng sunod sunod na pumasok sa gate.

WOAH.

Lumabas si, y-yung queen mother!
Nagulat ako ng lumapit siya sakin.

"Ahgassi," bati niya.

"Queen mother," napa-bow ako.

"ano nga ulit ang pangalan mo, iha?" napangiti siya, nginitian ko rin siya. Ang friendly friendly naman pala ni queen mother.

"D-Dalene po, Dalene Fiaso queen mother,"

"ang ganda ganda ng pangalan mo iha, parang ikaw hahaha, naaalala ko tuloy yung mukha mo sa nabasa kong newspaper," she chuckled, i felt my cheeks heating, nakakahiya ×___×

"ah eh hehehe, salamat po queen mother," nahihiya kong sabi.

"hali ka muna sa loob at mag tsaa tayo," offer niya. Hala, di pwede! ipapa-cancel ko na yung kasal e.. patay tayo neto. Well, I can't refuse a queen mother, ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun. Wala naman siguro si Liam sa loob no?



~~~~♡~~~~

I took a sip of the tea, hmmhm ang sarap. Second time ko na tong mag tsaa dito, at di padin nagbabago yung design ng empire na to. I wonder kung naglalagay sila ng christmas tree, like modern era na tayo teh.

"how is it going for you two?" she asked.

"grandma-" Malapit na akong nabilaukan nung may nakita akong halimaw.

"okay ka lang ba iha?" lumapit sakin si queen mother saka tinapik tapik yung likod ko.

"Nako okay lang po, okay lang po ako! Maupo po kayo," pinaupo ko siya balik sa upuan niya nako nag effort pa siyang tumayo para tapikin lang yung likod ko.

"anong ginagawa mo dito?" nandyan nanaman yung tingin niyang akala mo papatayin ka, e inimbita ako dito ng lola mo e! kasalanan ko nanaman ba?!

Royal Legacy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon