Chapter 7: Fake Smile
"Ikaw si.. Dalene?" papunta na sana ako ng library, para mag basa basa kakatapos lang kasi ng klase namin nang may babaeng lumapit sakin. Napalingon ako.
"Ch-chin? Ako nga yun," isa siya sa mga sikat na ballerina dito sa school. Na shock ako nung nilapitan niya 'ko.
"Pano mo'ko nakilala?" she smiled. Di ba nga ako dapat nagtatanong niyan?
"E, alam naman ng lahat na ikaw ang sikat na ballerina dito e, isa pa, andaming nag kakagusto sayo." pahayag ko habang nakangiti.
Ngayon ko lang na-realize..
*ting!*
Siya pala yung kausap ni Liam! Si Chin pala yung girlfriend ng kumag na yun! Ang layo layo ng personality ni Liam kay Chin, isang halimaw at isang anghel tsk tsk, pano niya kaya niligawan to.
"hahaha, di naman ako siguro ganun ka sikat," pati pag tawa, may poise. Ano nalang kaya ako? parang sinakal na kambing pag tumawa :<
"Nice to meet you, Dalene. Nabalitaan kong, ikaw daw ang susunod na prinsesa sa Lim Empire totoo ba yun?" she asked, politely.
"ahh, hindi ko din alam kung magiging prinsesa ba'ko," o magiging cinderella, jk. Di ko pwede sabihin yung tungkol dun! sekretong malupit yun!
"I think you want to keep it a secret, okay lang di mo kailangan sabihin. Anyway, nice meeting you Dalene," she beamed and left. Heh, gusto mo lang malaman para mag set ka ng schedule niyo ni Liam tumakas, kung sakaling ikakasal kami. Psh.
Papunta na sana ako ng lib kaso may humarang nanaman sa daan ko. Non-stop interview ba to?!
"Ano ba? mag papa interview-"
"You," na shock ako ng nakita ko ay halimaw, jk. Sino pa ba, edi si Liam the Prince. Napatingin ako sa baba, ano nanaman bang kasalanan ko?
"Di ba't sabi kong mag ingat ka.?"
Tiningnan ko siya sa mata. "Palagi ka nalang nagagalit sakin, ano bang problema mo?" inis na sabi ko.
"sinabihan na kitang mag ingat sa reporter na yun! pero anong ginawa mo? nagpakatanga ka!" Anger was painted all over his face, at kasalanan ko pa talagang umuwi lang ako sa bahay? Ni isang tao wala nga akong nakita sa daan e!
"Ni hindi ko nga alam na nandun na yung mukha ko sa newspaper e!" depensa ko.
"It's too late Dalene, kalat na. Tsaka, wag kang chismosa, bigyan mo naman ng privacy yung tao, alam na ngang nag uusap kami nakichismis ka pa.
Sa oras na kumalat ang balita tungkol samin, lagot ka sakin." agad siyang umalis.
Feeling ko andaming tinik na naka baon sa puso ko, ang hirap huminga. Bakit ba ang hirap kong pagkatiwalaan? Di naman ako nagsinungaling sakanya ah! Sinasabi ko naman ang totoo pero ayaw niyang maniwala. Bakit ba ang tigas ng puso mo sakin Liam? Di ko napansing may luha na palang tumulo sa gilid ng mata ko.
Jerk.
~~~~♡~~~
Nag fofocus akong basahin yung libro pero palagi nalang nag f-flashback yung nangyari kanina.
"ugh, bwisit na gago talaga. Di man lang ako nakapag explain na aksidente ko lang silang nakita."
Kukuha pa sana ako ng libro nang nakita kong nag uusap nanaman yung love birds. Grabe, pati ba naman dito sa lib.
Get your room please, papagkamalan nanaman akong chismosa ni Liam.
Pilit kong inaabot yung twilight na libro pero masyadong mataas, patay tayo neto.. masyado akong malapit kina Liam.
Tsh, wala nakong pake basta ang alam ko di ako chumichismis sainyo.
"Ah!" Napasigaw ako sa sakit pero agad niyang tinakpan ang bunganga ko.
Napansin kong sinalo niya yung ibang libro sa ulo ko, kasi kung hindi mahuhulog yun at mapupunta yung atensyon sakin at kina Liam?
Sinalo niya ba yung mga libro para di ako masaktan o para di sila mahuli.
Mahirap mag assume Dal, itigil mo yang mga kathang isip mo.
Tama, di niya to gagawin para sakin, isa pa, he hates me like hell. psh.
"hanggang kailan mo ba akong balak sundan?" he let out a sigh habang binabalik ang mga libro, whew walang nakakita samin.
"salamat at tinulungan mo'ko," sabi ko sabay tulak sakanya, kailangan ko ng umalis baka mag aassume nanaman tong kumag na to.
"I wasn't trying to help you idiot."
"Well thank you padin,"
"Chismosa ka talaga e no, pati ba naman sa lib susundan mo'ko?"
"mahirap mag assume Liam, tsaka nandito ako para magbasa and I have my own business, wala akong oras para sundan sundan ka."
Napunta ang mga mata ko sa kinatatayuan ni Chin. She looked at me intensely, ano ba tong goosebumps na to @____@
nagseselos ata si ateng."a-ahh, mauuna nako." palusot ko, baka magkaron pa ng away samin ni Chin, mahirap na.
"ganon na pala kayo ka close?" she smiled, di ko alam kung nag paplastikan ba siya o ewan. Pero feeling ko nag paplastikan siya..
feeling mo lang yan.
Napatingin kaming dalawa sakanya. "Chin..." sabi ni Liam.
"ngayon ko lang narealize na bagay na bagay kayo, goodluck pala sa wedding niyo." napangiti siya tsaka umalis.
"It's all your fault." galit na sabi ni Liam saka sinundan si Chin.
BINABASA MO ANG
Royal Legacy (ON GOING)
Ficção AdolescenteRoyal Legacy na mapapasa sa isang hindi naman full royal blood, isang unknown na babae, isang commoner, babaeng walang kaalam alam sa Royal World, ay hindi inaasahang sakanya pala mapapasa ang korona ng pagiging prinsesa. Paano niya maangkop ang pag...