Chapter VI

10 1 0
                                    

Chapter VI: "Princess"








Liam  // @ school

Nandito kami nagtatago sa school, as usual. Di kami pwedeng makita ng mga studyante o paparazzi ba diyan, masisira ang reputasyon ng Palasyo kung sakaling makita kami, di pwede yun.

"Chin, wag kang mag alala, Ipapa-cancel ko tong kasal na to para sayo. Tsak-"

"Ako naman yung nagtulak sayo magpakasal ka diba? Kaya di mo na kailangan i cancel pa. Isa pa, kalat na." she said in her soft voice. Iiwan niya na ba ako?

"Mahal mo pa ba ako, Chin?" sabi ko hawak hawak ang braso niya, napansin kong di na siya makatingin sa mata ko ng maayos.

Is her love for me fading away?

"Li, pagod na pagod na'ko, pagod na pagod na'ko ng ganitong set up. Ikaw? di ka pa ba napapagod?" tinaggal niya yung kamay ko sa braso niya.

"susuko ka nalang ba dahil pagod kana? Pwede namang ikaw ang pakasalan ko Chin!"

"Di ka ba napapagod na palagi napang tayo tumatago ng ganito? At isa pa I have my dreams Liam, hindi lang puro lovelife ang inaatupag ko. May pangarap ako,"

"you don't want to marry me?"


"SHET! OMYGHAD!" Napalingon kaming dalawa kung sino yung sumigaw.

That voice, What the heck is she doing here?! tiningnan ko sa labas kung sino, at nakatalikod siya dun, probably shocked.








Dalene

What to do, what to do!?!? Bakit pa kasi ako napadaan kung asan sila nag pa-private talk! napagkamalan tuloy akong chismosa T__T jk lng, chismosa naman talaga ako e, na shock lang talaga ako na may girlfriend pala yung kumag na yun!

"stop it there," para akong naka freeze dito naka tayo. Shems, diyos ko! taga-in niyo na ako para ma unfreeze na'ko.

"You, I'm sure I know you,"

takbo!

Tumakbo ako kaagad at sinundan niya naman ako, shemay si flash ba siya?!

Tumakbo ako pababa sa hagdan
parang maiihi nako marinig yung footsteps niya sa staircase hinahabol ako. Dalian mo Dalene!

"Hoy! Tigilan mo yan!" He rawred with rage. hala bes, galit na talaga si Liam.

Tinatabunan ko yung mukha ko habang bumababa ako, Jusko! Anong floor pa ba to?! 4th floor?! Nauubusan nako ng hangin!


Ngayon ko lang napansin na may fire exit bandang 3rd floor!!

I gasped. He locked the door saka tinabunan ang bunganga ko. Sino kaya to? Pwede bang malaman sino ka my knight and shining armor?

"Open! Buksan mo tong pinto!" sigaw nung gago. Hmp, manigas ka diyan.

"s-sino ka?" bulong ko. Di ko masyadong makita yung mukha niya kasi madilim, he turned on the lights. At siya nga!

Siya yung lalaking nagbigay ng polo sakin!

"okay ka lang ba? Princess?" bulong niya. Ang gwapo! pero di ko type hehe HAHAHAHA pero gwapo talaga bes! bagay kay Kei!

"ahh ehh okay lang," napablush ako ng konte.

"thank you pala," I beamed. Tama, kalat na pala yung newspaper tsaka nakakahiya kasi mukha akong tanga dun.

"your welcome"

He winked and left. Binuksan niya yung pinto at agad lumabas, I let out a sighed. Buti nalang wala na yung kumag na yun.

"w-wait!"magpapasalamat pa sana ako nung tinulungan niya 'ko dun kay Liam. Yung polo niya, di ko pa nababalik!





~~~~♡~~~

Yup tama kayo, makakapasok nako sa school at maaga akong pumasok dahil alam ko na anong mangyayari. Baka dudumugin nanaman ako ng mga reporters noh, yoko na nun.

"Kei! Mary, Jane, sorry na mga beshy! huhu pagbigyan niyo naman ako kahit ngayon lang please?" nagpa cute nako't lahat lahat pero snob pa din sila.

"Sorry kung di ko nasabi sainyo agad yung balita, biglaan kasi yung mga pangyayari tsaka gagawin ko naman lahat ma cancel yung kasal na yun e," sabi ko sabay lapag ng lunch ko sa table.

"alam mo bang malapit na kaming mahimatay ni Mary nung nakita ka namin sa newspaper?! huhu inagaw mo Liam namin!" pahayag ni Kei na kasalukuyang nag O-OA nanaman.

"I-cacancel ko nga diba? kaya shh lang kayo ah," bulong ko.

"Gaga ka ba?! igigive up mo ang pagiging prinsesa para lang samin?!" I covered her mouth, kainis talaga tong si Kei, parang sinakal na kabayo na ewan. Ang ingay!

"Assuming! di lang kayo yung rason no. Tsaka kung alam niyo lang gano kapangit ng ugali nun. Kasi, sabi ni Liam. Ma-pera daw ako, na magpapakasal lang daw ako para mabuhay yung pamilya ko." I hissed.

kung ganyan lang naman pala ang tingin niya sakin edi wag nalang!" sabi ko sabay subo ng fishcake na nasa plato ko. Feeling ko umuusok na yung ilong ko sa galit.

"Atleast gwapo't sexy ang papakasalan mo besh," kilig na sabi ni Kei.

"Pakasalan mo nalang besh Malay mo magka developan kayo ahihihi," singit ni Mary na fan girl na fan girl ni Liam.

"Buti nalang ikaw si Dalene, kung hindi sasabunutan na kita as in now na!" Mary said. Ulol talaga tong babaeng to.

"Jane? galit ka pa ba sakin?" tanong ko, kasi kanina pa siya kain ng kain tsaka di nagsasalita e. Baka nag ipon na siya ng galit sakin.

"Masaya ka na bang sikat ka na? Tsaka marami kang oras para sabihin samin. Bakit di mo masabi?" Nilapag niya yung lunch niya sa table saka nag walk out.

"Jane," mahinang sabi ni Kei.

"hayaan niyo na siya, palagi nalang siyang ganiyan nakakainis na." singit ni Mary.

Tama rin naman siya e, madami nga akong oras, pero ni di ko man lang sila naalalang sabihan.

Ikaw ba naman nasa posisyon ko? may panahon ka pa bang sabihin sa barkada mo e halos di nga 'ko makagalaw sa dami ng mga pangyayari sa buhay ko e.
Hays, ewan ko ba sa buhay na to, ang gulo.

Royal Legacy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon