Chapter 2: Her Decision
"Ano?! SUSPENDED?!" Nakaluhod ako habang pinipigilan nina pops at Jaehun si mama mag wild.
"ehh ma, kasi po..."
"TAMA YAN!" singit ni pops nakangiti at bumitaw sa braso ni mama. Nagulat ako dun sa sinabi niya ah, kala ko magagalit! shems.
"p-po?"
"sa tingin ko ito na yung tamang panahon!" huh? anong pinagsasabi nito.
"tama!!!" napatalon silang dalawa ng kapatid ko. Ano daw? Napataas ang kilay ko.
"A-anong sinasabi mo? yung tradisyon ba iyon?" pagtatakang tanong ni mama.
Mukhang ako lang ata OP dito ah.
"OO!" sigaw ni pops at Jaehun.
"ano bang pinagsasabi niyo?!" inis na pagtataka ko.
"eh anak. Maupo ka muna," tinayo ako nina pops at mama at pinaupo sa sofa.
Pero anyways, buti nalang di ako nabatukan nina mama, imagine 4 days suspended ba naman! HAHA!
Ano ba naman kasing meron at parang natahimik sila lahat sa sasabihin ni pops?
"anak, eh.. kasi...Nababaon na din tayo sa utang at matagal na naming gustong iplano-"
"Ibebenta niyo 'ko?! Ipapa rape niyo 'ko tas isasangla yung intestines ko?! tas mamatay ako?! tas-"
"tumahimik ka nga muna!" singit ni mama.
"Matagal na naming pinagplanuhan na.. Hala! yung singsing! asan na yun?!" sigaw ni pops na parang na babaliw kung asan daw yung singsing.
"Jaehyun tulungan mo'ko hanapin yun!" natatarantang sigaw ni pops sa kapatid ko.
Anong singsing?
Di ko alam bat parang natataranta silang tatlo hinahanap yun.
Di kaya.. Isasangla na nila mama ang kanilang wedding ring?!
"Hala!!" Jaehun na hinahanap yung singsing sa ilalim ng mga sofa.
"asan ba yun?!" nagwiwild na sigaw ni mama.
*ting!*
Ah! Pinuntahan ko agad yung mesa kung asan ko naaalala yung singsing. Nasa ilalim ng vase!
"Nakita ko na!!" tinaas ko yung singsing na nakita ko.
"oh ohh my precious baby!" kinuha sakin ni pops saka hinalikhalikan. Nakakadiri.
"pops! Wag mong sabihin isasangla niyo ang wedding ring niyo?! Di ako papayag!" kinuha ko yung singsing saka naman kinuha ni Jaehyun.
"woah! Pops! Tara sangla nalang natin to oh! Para maypambili na ako ng PSP saka bagong TV!"
"Tigilan mo nga yan." saka siya binatukan ni pops at kinuha ang singsing.
"ganito kasi anak, di ka man maniwala pero nangako ang lolo mo pati ang late King Wang na ipapaksal ang sunod na henerasyon sa prinsipe ng Lim Empire."
"pfft. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHAHAHAHA" sumakit yung tiyan ko kakatawa. Ito talagang si pops mahilig magpatawa!
Ilang segundo nang nakalipas kakatawa ko at napansin kong napaka seryoso ng mga mukha nila. Napahinto ako sa pagtawa saka nagtanong.
"Ano bang meron kay lolo at sa Haring Wang? e di ba nga matagal ng patay si lolo," sagot ko.
"anak pasensya na talaga kung ngayon lang namin nasabi to sayo... kasi walang wala na talaga tayong pera.. Tsaka-"
BINABASA MO ANG
Royal Legacy (ON GOING)
Roman pour AdolescentsRoyal Legacy na mapapasa sa isang hindi naman full royal blood, isang unknown na babae, isang commoner, babaeng walang kaalam alam sa Royal World, ay hindi inaasahang sakanya pala mapapasa ang korona ng pagiging prinsesa. Paano niya maangkop ang pag...