Miu's POV
"Lillian na saan ako?"
"MIU ANO KA BA! BALAK MO BANG SUNDAN SI DREW?!"
*DUG..DUG..DUG*
"WALA NA SIYA?"
*DUG..DUG..DUG*
"GAGA! MAY NATITIRA PA, PAANO KUNG MAY MIRACLE TAPOS IKAW NAMAN TONG DEHADO?"
"Sorry, sobrang nabigla lang ako sa sinabi ng doctor kanina, ano pa sinabi niya?"
*DUG..DUG..DUG*
bakit parang ito yung panaginip ko? teka ayoko ng ipagpatuloy pa ito..
"Sabi niya, araw na lang ang natitira kay Drew, nabaril kasi siya malapit sa puso ehh, tapos mahirap na makahanap ng puso para sa transplant, kaya yun..Miu.."
"Tama na Lil, alam ko na ang mangyayari.."
"Huh?"
"Nanaginip ako, panaginip na sana hindi magkatotoo"
"Andyan nga pala si Sunny, tara puntahan natin.."
Nasa ibang room pala ako, nahimatay ako, ng tatlong araw..grabe ang haba ng tulog ko at the same time dahil yun sa panaginip ko...
"Lil, kain muna tayo? tsaka bakit naman tatlong araw akong tulog?"
"MALAY KO SAYO! habang tulog ka nga, iyak ka ng iyak, sigaw ka ng sigaw ng DREW! nakakabingi na nga ehh, gusto ko ng takpan yang bibig mo, ginigising kaya kita kaso ayaw mo namang magising, tumawag ako ng doctor ang sabi naman sa sobrang shock mo daw, ayaw ng brain mo na gumising ka, shock? eh hindi mo nga narinig ng buo yung sinabi ng doctor."
Imbis na malungkot ako ngayon, natawa ako sa halatang concern na si Lillian, grabe walang hinto sa pagsasalita ehh, sana lang talaga hindi totoo yung mga panaginip ko..
"Ano na nga palang balita kay Drew?"
"Drew? ahmmm.."
"Ahmmm?
"Kumain muna tayo, nagutom ako bigla dahil sayo ehh.."
"Sige..ahmm Lil kamusta naman si Spencer?"
Parang may tinatago siya sakin ahh...
"Ah, si bakulaw? ililipat siya ng hospital sa canada next week, hindi kasi kaya ng facilities dito, sasama nga ako sa kanya, hindi pa rin kasi siya gumigising kaya sobrang nag-aalala ako."
"Bakulaw yun kaya niya yun, hindi niya hahayaang maiwan ka dito, kilala ko si Spencer, malamang ikaw laman ng isip nun"
"Salamat sa pagpapalakas ng loob Miu,"
"Sus! wala yun! kahit ako hindi mo pinalalakas loob ko,"
"That's what are friends for..HAHA!"
Lakas ng trip nito, nakakagaan ng loob! promise!
After namin kumain, dumaretso na kami sa room kung na saan si Drew..
"KUYA! OI! KUYANG IYAKIN! ANONG GINAGAWA MO DYAN? GANYAN NA LANG TAYO? GANUN BA? BAKLA KA PALA EHH! BAKIT AYAW MONG GUMISING DYAN? MAS MAHAL MO NA YANG KAMANG YAN KESA KAY ATE MIU? GANUN BA? EDI DYAN KA NA TALAGA! MAGPAKASAL NA KAYO NG KAMA MO! BAHALA KA NGA SA BUHAY MO! BAKA GUSTO MONG SAPAKIN PA KITA PARA LANG MAGISING KA? GANUN BA? HUH! KUYA!"
O_______________O
*DUG..DUG..DUG*
yung panaginip ko, saktong sakto sa sinabi ni Sunny ngayon..teka..
"Sunny mukhang natatakot na kuya mo na magpakita sayo, hahaha!"
"Buti naman Ate Miu tumawa ka na, sabi kasi sakin ni Ate Lillian na ilang araw ka ng di gumigising, natandaan ko pa naman yung sinabi ni Kuya na kapag nakikita kitang malungkot patatawanin kita, kaya eto ginagawa ko na, pero hindi ko alam siya ang dahilan kung bakit ka malungkot.."
BINABASA MO ANG
hEaRtBeAt<3
RomanceAs I look back on my life. I realize that every time I thought I was being rejected from something good. I was actually being redirected to something better. You will remember me, when you forget my name. Because your heart will tell. Half of my bra...