Miu's POV
"Tatapatin na kita"
"Ako si Crown niloloko ka lang ng taong kasama mo Miu"
"Drew nagbibiro ka ba? hindi joketime ngayon"
"Pero nagsasabi ako ng totoo kahit itanong mo pa kay Sunny at sa Dad mo"
"Sunny and Dad? pero si Dad kilala na si Seanne at si Sunny wala siyang alam kay Crown"
"Oo wala siyang alam pero sinabi ko sa kanya lahat bago pa dumating yang Seanne na yan sa buhay mo at ang Dad mo sinabi kong wag sabihin sayo dahil balak kitang isurprise"
"Huwag ka ngang makulet nakita mo na hinahanap mo diba? pwede ba? wag mo kong paglaruan!"
"Oo nahanap ko na..at nasa harap ko siya ngayon"
*DUG..DUG..DUG*
"Pwede ba Drew kung gagawa ka ng kwento sa wattpad ahh"
"Pero Miu hindi ako marunong gumawa ng kwento lalo't nagsasabi naman ako ng totoo bakit ayaw mong maniwala sa akin?"
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? eh una sa lahat palagi kong nakukwento si Crown sayo anong malay ko baka naisipan mo lang na sabihin sa akin na ikaw si Crown, pangalawa si Seanne si Crown hindi naman pwedeng dalawa kayong Crown sa buhay ko eh ang alam ko isa lang siya isa lang ang taong mahal ko kaya pwede ba wag mo kong lokohin, wag mo kong paglaruan kasi ayoko sa mga laro mo Drew! Bahala ka sa buhay mo, wag mo kong susundan kung ayaw mong magalit ako lalo sayo"
"CUUUUUUUUUUUT!"
nakakagulat naman si Direk, nasimulan na pala namin ni Drew ang special project namin,
nakakagulat man pero yung ibang scene namin ay napaginipan ko na, di ko lang masabi kay Drew dahil palaging nakabantay si Spencer sa akin..
una hindi siya pumayag na ganito ang gagawin namin, kasi yung first part pa lang may kiss na agad, pero dahil magaling ako nalusutan namin ni Drew si Spencer at hindi niya yun nakita...
tapos alam niyo ba, grabe talaga yung tibok ng puso ko habang umaarte..UWAAAH! aaminin ko, habang tumatagal mas lalong nahuhulog ako kay Drew, nag-iiba kasi ng ugali si Spencer, masyado na siyang mahigpit sa akin. lahat ng gagawin ko dapat may permission niya, lahat ng pupuntahan ko dapat alam niya, lahat ng kausap o katext ko dapat kilala niya..
minsan kasi ang simpleng pagkagusto mo sa isang tao ay lumalala sa bawat 'AYYIIEEE' ng mga kaibigan mo, oo tama kayo! imbis na si Spencer ang inaasar nila sa akin ay walang iba kundi si Drew!...yung issue namin ni Spencer about sa muntik thingy na yan, nalimutan na nila at salamat kay Drew, sinabi niya kasi na part lang yun ng special project namin na movie..
*DUG..DUG..DUG*
hindi rin kasi kami masyadong nag-uusap ni Spencer sa school, pagkatapos kasi nung nangyari sa date namin hindi ko na siya pinansin, sabi ko kasi sa kanya kausapin niya lang ako kung sasabihin niya sakin ang lahat..
"Ms. Miu bagay kayo ni Drew" - Direk
*DUG..DUG..DUG*
"naku Direk pati ba naman ikaw?"
"At bakit hindi? naku itong special project niyo sa school, first project mo sa akin Ms. Miu, papatok sa mga kabataan"
"Naku Direk di naman po ako ganun kagaling umarte para irelease niyo in public yung movie na to, Miu na lang po itawag niyo sakin"
"Miu, kung makikita mo lang yung mga scene, aakalain mong nangyari talaga siya, tsaka andito ako para itama yung mga maling actions niyo hindi ako ang gumawa ng script!"
BINABASA MO ANG
hEaRtBeAt<3
RomanceAs I look back on my life. I realize that every time I thought I was being rejected from something good. I was actually being redirected to something better. You will remember me, when you forget my name. Because your heart will tell. Half of my bra...