Beat 13: The Date

25 2 4
                                    

Miu's POV

ano nga ba ang ginagawa ng couple sa date?

tinatanong niya kasi ako kung saan ko gusto ehh..pero diba sa isang date dapat handa ang isang lalaki? diba dapat alam niya kung anong gusto ng ka-date niya? diba dapat alam niya yung flow ng araw?..

tapos kanina pa akong tahimik...hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.,.nalilito na yung puso ko!..

"Speak only when you feel that your words are better than your silence"

"Ehh?"

"Ang tahimik mo kasi, may gusto ka bang sabihin? sabihin mo na"

"A-ano..eto...ahmm...wala...tara kain na lang muna tayo"

bahala na kung anong mangyari sa date na to..ang mahalaga malaman ko kung ano nga bang laman ng puso ko..

(NAKAMURA RESTAURANT)

NP: Alam Niya Ba By: James Reid (please play the MV while reading--yan kasi yung background music na naririnig ni Miu..ahaha!)

waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!...ayoko na talaga! WATTTA SONG!...

si Spencer ang kasama ko..pero si Drew ang laman ng isip ko...

ito na ba yung sagot sa tanong ko? 

wala ba talaga akong feelings for Spencer? pero paano ko siya naging fiance? tsaka ngayon lang kami nagkita ni Drew..paanong nangyari yun?

"Ahmm..Spencer---"

"Spencer?"

"Ah..BB Pencytot...sorry sorry...may tanong lang ako"

"Ano yun?"

"Paano tayo nagkakilala?"

"...."

ehh? bakit?

"Bumalik na ba ala-ala mo?"

"Bakit naman? gusto ko lang malaman kung paano kita naging fiance.."

para saan kung bumalik ang ala-ala ko? sasabihin niya lang naman kung paano, saan at bakit siya yung pinili ko diba?

"Ah wala, nagkakilala tayo sa school natin, high school tayo nun, yun nga nag-aaral tayo ng different languages nun, tapos ilang weeks inamin ko sayo na may gusto ako sayo, gulat ka pa nga nun kasi sinigaw ko sa harap ng stage yung feelings ko para sayo, tapos pinayagan mo kong manligaw, tatlo kaming nanliligaw sayo nun,  then ilang weeks lang din sinagot mo ko, kasi sa kanilang tatlo ako lang yung walang interes sa katawan, pinakilala mo ko sa parents mo then pinakilala naman kita sa parents ko, yun na"

ahh, ganun pala, pero guys diba kapag may mga ganitong scenes naaalala ko, yung parang biglang magfaflashback sa isip ko na nagyari yun? pero bakit wala? ilang buwan na ba akong walang maalala? sabi ng doktor hindi naman aabot ng isang taon to ehh, basta ba alamin ko yung mga bagay na pwedeng magpabalik sa ala-ala ko..

"Ahh, ganun pala yun, so naabutan mo pala ang parents ko..what kind of parents are they?"

"Mabait sila, yung tipong hindi ka nila pababayaan, hindi ka nila hahayaan na masaktan kaya nga bago ako pumasa sa parents mo ang dami kong pinagdaanan ehh, talagang sinisiguro nila na hindi kita sasaktan"

"So, tama sila sa desisyon nila na iwan ako sayo, kasi alam kong hindi mo ako sasaktan, kasi kung nagkataon, hindi talaga kita mapapatawad.."

"alam ko yun,..at wala yun sa listahan ng mga gagawin ko sayo, kasi ang nakalagay lang dito ay ang mahalin at paligayahin ka"

"Pero BB, sana wag kang magagalit sa sasabihin ko ah?"

"Ano ba yun?"

"Ano..pwede bang maging crush ko si Drew?"

hEaRtBeAt<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon