Special Chapter: Christmas Party

14 1 0
                                    

Arche's POV

Limang araw na lang pasko na. Akalain mo yun? Ang bilis talaga ng panahon.

Kung dati nagmamaktol ako sa kwarto ko. Ngayon, nag-iisip kung paano pasasayahin ang babaeng yun, kilala niyo na.

"Oh pre, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Yuiji.

"Pake mo ba?"

"Nakakaumay kasi." Wow huh! Siya pa naumay, huwag niya kaya ako tingnan para walang away.

Teka, ano nga ba ang itsura ko? Hindi naman ako brokenhearted or whatsoever. Ang totoo nga niyan dalawang linggo na akong masaya.

"Ano bang nakakaumay?" Irita kong tanong sa kanya.

"Yang mukha mo, ngiting maniac."

"HUH? ANONG NGITING MANIAC?" Sigaw ko sa kanya. Ano bang iniisip nito?

"May binabalak ka nuh? Pre hinay hinay lang, dalawang linggo pa lang kayo magkakilala, huwag kang atat. Baka matakot sayo yun, ako na naman mahihirapan sa pagmamaktol mo."

Ganun na pala ngiting maniac sa kanya? Ang saya ko lang, wala pa ngang pumapasok sa isip ko na pwedeng gawin. Ooppss.

Naalala ko lang kasi yung last date namin ni Ivey.

*FLASHBACK*

"So, this will be the last. Anong gusto mong gawin?" Tanong ko kay Ivey.

Nandito kami sa isang park, 5pm na. Katatapos lang ng buong araw na date namin.

Tinuloy namin yung one week date namin. Para na rin makamove-on siya. Pero sadyang mabait lang talaga ang babaeng 'to.

"Gusto ko sanang makita si Jonas."

Tagos sa puso ko. Kahit ganun na yung ginawa sa kanya, harapan pa, gusto niya pa rin makita ang ungas na yun?

"Para saan? Makikipagbalikan ka?" Tanong ko sa kanya. Medyo inis na yung boses ko. Marinig ko lang pangalan nung ungas na yun.

"Hindi, gusto ko lang siya makita. Kahit papaano naman alam kong minahal niya ako. Please?" Nagpuppy eyes pa siya sa akin.

Kung gusto niyang makita si Jonas, ibig sabihin kasama ako? Sana mapigilan ko ang sarili ko na hindi sapakin yun.

Tumayo ako at nag-unat unat. Nagwawarm-up ako para malakas lakas mamaya. Baka biglang may gawin na hindi maganda yun. Atleast ready ako.

"Tara." Binigay ko ang kamay ko sa kanya. "Alam mo ba kung na saan siya?" Tumango naman siya sa tanong ko.

Pagbigyan na, kung talagang gusto ko siyang sumaya. Lahat gagawin ko, basta tama lang ang magiging desisyon niya sa huli.

Tinuro niya sa akin yung lugar. Hindi naman malayo sa park na pinuntahan namin kanina. Nandito kami sa lugar na may lawa.

Nakita namin si Jonas na nakaupo at naghahagis ng bato. Nagdadrama lang yan, pero masayang masaya yan. Tss.

Nilingon ko si Ivey, umiiyak na siya. *Stab* Kaya ayoko yung idea niya na makita si ungas. *Stab* Magbabago isip niyan at hindi imposible na makipagbalikan siya. *Stab*

Hinawakan ko ang likod niya at tinulak siya, hindi naman malakas, yung parang sinasabi ko na puntahan na niya si ungas.

Ngumiti siya sa akin at pinahiran ang luha niya. *Stab* Gusto ko na siya, kahit pala gusto mo lang siya, basta makita mong palayo siya at papunta sa taong mahal niya. Masakit.

Naglakad na ako palayo, alam ko na mangyayari diyan. Magiging sila uli. Ganun naman si Ivey, masochist. Nasasaktan na pero sige pa rin.

Bago ako tuluyang umalis dun sa lugar, nilingon ko sila. Nakayakap na si Jonas kay Ivey. See? Sila na uli.

hEaRtBeAt<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon