PROLOGO

527 56 11
                                    

#UntoldStory

Masakit diba?

May gusto ka sa taong may mahal ng iba. Nagmamahal ka sa taong pagmamay-ari na ng iba. Na kahit anong gawin mo hindi ka n'ya mapapansin dahil nakatuon s'ya sa iba, sa taong mahal n'ya.

At ikaw, kaibigan ka lang n'ya, hanggang doon lang 'yon wala ng iba. Pero alam n'yo kung ano yung mas masakit?

Yung merong kami pero parang wala na, dahil ako na lang mag-isa ang kumakapit sa aming dalawa. Ang mga ala-alang aming pinagsamahan ay unti unti ng nabubura. Sa kadahilanang ang pundasyon ng aming relasyon ay naglaho na lamang na parang bula.

Kaya ako na ang bumitaw sa mga kamay mo,
At mas piniling mapag-isa at lumayo,
Wala na ang dating tayo,
Napalitan na ng ikaw at ako.

Dapat matagal ko nang winakasan,
Ang kwentong matagal na nating nasimulan,
Dahil dito rin pala magwawakas,
Sa salitang "Hindi na kita mahal"

Ako si Princess Via Mendoza

Ang babaeng lubusang nagmahal.

Nasaktan sa paraang hindi inaasahan.

At ngayon naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na hindi ko maintindihan.

"Bakit hindi na n'ya ako mahal?"





Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon