Kabanata X

114 26 0
                                    

#UntoldStory



Via's POV

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko habang iniisip yung nangyari kagabi. Sino kaya yung tinutukoy nyang Clinton? Gusto ko syang kausapin tungkol dito kaso baka isipin nya ang chismosa ko. Tapos hindi pa kami close, simula kasi ng umuwi sila ng Mama nila hindi pa kami nakakapagusap ng maayos.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga kinuha ko yung Cellphone ko para tignan kung anong oras na. 12:03pm

Hala tanghali na pala! Jusko nakakahiya kay Tita baka isipin nya ang tamad tamad kong tao. Mabilis akong lumabas ng kwarto saka dumeretso sa banyo. Naghilamos ako sandali at lumabas na papunta sa kusina.

"Hazel tawagin mo na si–" Napatingin bigla si Tita sa akin. "Andyan ka na pala Via halika na kumain na tayo" Yaya sakin ni Tita.

Nahihiya akong umupo sa hapagkainan, hindi ako komportable kapag nasa harapan ko si Tita. Mabait naman si Tita, maganda din sya at sobrang maalalahanin. Unang kita ko pa lang sa kanya masasabi kong mabuti syang Ina at Asawa kaya siguro sya ang napiling mapangasawa ni Papa.

"Okay ka lang ba, Via?" Tanong sa akin ni Tita habang kumakain.

Ngumiti naman ako. "Opo, sorry po pala kung ngayon lang po ako nagising." Nahihiya kong sagot.

"Okay lang yon saka wala naman masyadong gagawin dito sa bahay kaya okay lang kahit anong oras ka magising." Biglang hinawakan ni Tita yung kamay ko.

"Basta Via kung may kailangan ka lang wag kang mahiyang magsabi ah. If you need someone to talk nandito lang ako O di kaya si Hazel." Ngumiti si Tita kay Hazel. "Right, Hazel?"

Napatigil sa pagkain si Hazel saka tumingin sa aming dalawa. "Opo, Mama."

"Salamat po sa inyo. Thank you for accepting me as one of your family"

***

"Tapos ayun na nga, next week daw maggagala daw kami para naman daw di ako maboryo dito sa bahay. Magbobonding daw kaming tatlo nila Tita at Hazel, you know para maging close daw kami sa isa't isa. Ang saya saya ko Cheska, kasi ngayon may family na din ako hihi."

"Edi mabuti atleast ngayon kahit papaano nagiging masaya ka na. Tsaka tama yan kailangan mong magaliw aliw para makalimutan mo yung.. Ehem ehem.. Si Ian."

Biglang napawi yung ngiti ko. Siguro nga tama sya, kailangan kong ituon ang oras ko sa ibang bagay para di ko na isipin si Ian. Ilang linggo na din ang nakakalipas nung naghiwalay kami. Wala na din akong balita sa kanya, hindi ko na din kasi binubuksan ang kahit anong accounts ko.

"My Princess? Hey! Andyan ka pa ba?"

"Uh s-sorry may naalala lang ako."

"Kakasabi ko lang na wag mo na syang isipin diba? Move on, Girl!"

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon