Kabanata XII

100 19 0
                                    

#UntoldStory




Jaye's POV

Maaga akong nagising para ihanda ang mga dadalhin ko sa Camp. Yes, ngayon na yon kaya sobrang excited na ako!! Hahaha ang OA ko ba? First time ko lang kasi umattend ng ganitong klaseng camping tapos ako lang mag-isa oh diba sobrang nakakaexcite yon haha.

Nakasulat sa ticket kung saan magkikita kita at kung anong oras. Pagtapos kong ihanda ang mga dadalhin ko para sa 2days na camping lumabas na ako ng kwarto. 6am palang pero feeling ko late na ako, ang nakalagay kasi sa ticket 6:30am kaya sana umabot pa ako.

"Ma, alis na po ako!" Paalam ko kay mama na nasa kusina ngayon nagluluto ng umagahan.

"Teka, hindi ka na ba kakain? Kumain ka kaya muna?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

Ngumiti ako. "Malalate na po ako tsaka may dala naman po akong pagkain eh sa byahe na lang po ako kakain. Bye!!!" Paalam ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

'6:23am'

Whew! Thank you Lord nakaabot ako!! This is it pancit!

Bago ako sumakay ng bus pinakita ko muna yung ticket sa lalaking nakatayo sa harap ko ngayon. Isa sya siguro sa nagorganize ng camp na ito hmmm. Pagpasok ko sa bus medyo marami ng tao ang nakasakay kaya di ko alam kung saan ako pupwesto. Mabuti na lang may space pa sa dulong upuan kaya naisip kong doon na lang umupo.

Okay din dito sa dulo umupo atleast kita mo yung mga nasa harapan mo ngayon. Napansin ko din na medyo maraming babae ang nandito kaysa sa lalaki, parang... 60% girls and 40% boys. Syempre kasama sa percent ng mga babae ang mga gays na nandito hehe.

After siguro ng ilang minuto may tatlong babaeng lumapit sa akin. "Uhh kuya? May nakaupo ba dyan sa katabi mong seats?" Tanong ng isang babae.

Tinignan ko naman yung katabi kong seats bago sumagot. "Wala naman." Nakangiti kong sagot.

Sumingit naman yung isang babae saka nagpacute sa akin. "Kuya... Uhmm pwede bang dito na lang kami umupo? Kasi wala ng space sa ibang seats eh."

Napakunot naman ang noo ko. "Eh ako? Saan ako uupo?" I asked.

"Ayy kuya! Doon oh sa gitnang upuan meron isang babaeng walang katabi kaya pupwedeng doon ka na lang umupo, tutal wala ka naman atang kasama eh." Masiglang sabi ng pangatlong babae.

Ayoko sana kaso nakakahiya naman kung di ako papayag, baka isipin nila hindi ako gentlemen. Tumayo na ako sa kinauupuan ko ngayon saka sila pinaupo.

"Awww thank you kuya! Napaka gentlemen mo atsaka ang gwapo mo pa hihi" Pasasalamat ng unang babaeng nagsalita kanina.

Ngumiti na lang ako bilang sagot saka umalis sa harap nila. Hinanap ko na kung saan yung upuan na sinasabi ng mga babaeng yon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil may nakita akong isang babaeng nakaupo sa left seats malapit sa bintana. Nakashades sya 'tas nahaharangan ng buhok nya ang mukha nya kaya di ko kita. Tulog siguro.

Wala naman siguro syang katabi no? Sana nga wala. Umupo na ako sa tabi nya ng dahan dahan, mahirap na baka magising pa magalit pa sa akin.

"Good morning everyone!! Yes, I know most of you ay hindi pa ako kilala kaya I will introduce myself..." Masayang sabi ng lalaking nakatayo sa amin ngayon.

"My name is Christian Johnly Rodriguez but you can call me 'Kuya CJ or Kuya John, pwede ding Kuya Christian' it's up to you." Pagpapakilala nya sa kanyang sarili.

"First of all I would like to thank all of you to participate in our camping and I will assure all of you na mageenjoy kayo dito!! It's too early so you can take a nap or sleep habang nasa byahe. Makakarating tayo siguro sa ating destination mga 11am or 12nn. So... Enjoy the ride!"

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon