#UntoldStory
Via's POV
Pagkatapos ng event kanina dumeretso na kaming lahat sa canteen para maghapunan. Yung ibang boys na sumali sa pageant nagpunta muna sa dorm nila para magpalit ng damit.
"Ngiting ngiti girl ha" Asar sa akin ni Lance.
Nawala bigla ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nya. "Ano na naman yon? Ako na naman napansin mo." Masungit kong sabi saka nagpatuloy lang sa pagkain.
"Akala mo hindi ko napansin? Umalis kayo ni Jaye kanina sa stage, saan kayo nagpunta?" Yung tanungan nya parang si Tita ko lang, napakaseryoso.
Napatigil ako sa pagkain ganun din ang mga kasama ko.
"Napansin ko din yun eh, oo nga girl saan kayo nagpunta?" Tanong din ni Lara.
Napansin kong lahat sila nakatitig na sa akin, hinihintay yata yung magiging sagot ko. "Ahhhh ano kasi dyan lang sa... Tabing dagat." Sagot ko.
"Ano naman ginawa nyo doon?" Tanong ni Abby.
"Tinignan lang namin yung paglubog ng araw."
"And then" Sabat ni Ella.
"Nag-usap ng kaunti."
"And?"
"Teka nga bakit ba ang dami nyong tanong? Yun lang ginawa namin, wag nga kayo grin minded dyan." Reklamo ko sa kanila.
"Hala sya nagtatanong lang grin minded agad? Grabe sya oh!" Tanggi ni Lance. "Unless may nangyari nga." Dagdag pa nito.
At sabay sabay silang nagtawanan. Bwisit 'tong mga 'to pinagtitripan na naman ako psh. Binilisan na namin ang pagkain dahil last day na namin ngayon nagyaya sila na maglakad lakad sa tabing dagat. Pagkatapos namin kumain nagpunta muna kami sa dorm namin para magpalit ng susuotin.
Mabuti na lang may dala akong jacket dahil sobrang lamig pala dito sa labas. Marami na din ang nasa labas ngayon. Yung iba nagset ng bonfire habang ang iba naman naglalakad lakad lang. Pero karamihan dito puro lovers mga naglalakad habang magkahawak kamay katulad nitong dumaan sa harap ko ngayon tsk. Yung iba naman nakaupo lang habang yung babae nakasandal sa balikat nung lalaki. Iniiwas ko kaagad ang paningin ko sa kanila. Iba kasi yung naaalala ko kapag nakakakita ako ng lovers na sweet.
Kaya para iwasan alalahanin yung mga ganong bagay lumapit ako kanila abby na nagtatawanan ngayon.
"Ano ng gagawin natin ngayon dito?" Tanong ko sa kanila paglapit ko.
"Ano pa ba edi magsasaya alangan naman tumunganga lang tayo dito habang pinagmamasdan yung mga magjowang naglalapungan dito." Pilosopong sabi ni Lance.
Kahit gabi na maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga bonfire na nakasindi. Nakakalungkot nga lang dahil kahit gusto namin gumawa hindi namin alam kung papaano. Naisipan kong maglakad lakad na lang malapit sa dagat yung mararamdaman ko ang alon ng tubig.
Nang makalapit na ako napatigil ako. Lalo pang lumamig ng nadadampian na ng tubig ang aking mga paa. I sighed. Tumingin ako sa karagatan at dahan dahang tumulo ang aking luha.
Akala ko 'pag sumama ako dito maiibsan na yung sakit, mawawala na yung pait na dulot ng pagkawala nya pero hindi pala. Mas lalo ko lang syang naaalala, mas lalo lang akong nasasaktan, mas lalo lang lumalala yung pagmamahal ko sa kanya. Napapikit ako at umiling.
"Paano ba kita makakalimutan, Ian? Paano ko tatanggapin na wala ka? Na wala na tayo? Na hindi ka na babalik sa piling ko?" Sambit ko.
"Diba dapat masaya ako kasi ito yung desisyon ko? Pinili ko 'to eh dapat di ako nasasaktan, dapat di ako nasasaktan ng ganito."
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020