#UntoldStory
Via's POV
"Oh tama na yang kadramahan baka mamaya lahat na kayo magsi-iyakan na dito eh." Basag ni Giniel mula sa katahimikan na bumabalot sa amin ngayon.
"Asus wala ka lang jowa eh." Sagot naman ni Ella.
"Wow nagsalita ang feeling may jowa." Pang-aasar ni Giniel. Nako baka kakaganyan nila mahulog sila sa isa't-isa.
"Oh tama na baka saan na naman kayo mapunta nyan." Pag-awat sa kanila ni Sam.
Hays kailan kaya matatapos itong klaseng tanungan na ito? Biglang nagtaas ng kamay si Jemuel. "Ako naman magtatanong." Nakangiti nyang sabi.
"Pwede ba wag na about sa past? Nakakairita eh tsk." Halatang hindi komportable ni Lance sa topic kanina.
"Oo, hindi na" Nakangiti pa rin sya. Jusko salamat naman ayoko na talagang pag-usapan at balikan pa yon.
"Sino yung natjtipuhan nyo or crush nyo dito sa camp?" Kinikilig pa na tanong nito.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang tanong nito habang ang iba ang naghiyawan at kantyawan. Nakatakas nga sa nakaraan, ang hirap naman nitong susunod na tanong whew.
"Ako na mauuna omg!!" Tuwang tuwa si bakla parang kanina lang iyak sya ng iyak hahaha.
"Wag na ikaw alam na namin kung sino crush mo!" Pigil nila Lara, Abby, at Ella sa kanya.
"Aba! Ano kayo mga manghuhula?" Sarcastic nitong tanong.
"Oo!!" Sabay sabay nilang sabi.
"Oh sino aber?" Taas kilay na tanong ni Lance.
At syempre sabay sabay pa rin sila Lara, Abby, at Ella. "SI JAYE!!" Sigaw nila at tinuro pa si Jaye na katabi ko.
Halatang nabadtrip si Lance dahil wala ng thrill yung pagbunyag sya sa crush nito. Habang kami tawa lang ng tawa inaasar pa ng mga boys si Jaye.
"Ayan pre ligawan mo na."
"Sigurado ako di ka friendzoned dyan kaya g ka na dyan."
"Dumamoves ka na pre support ka namin."
Mga baliw talaga 'to pinagkanulo yung kaibigan nila.
Napatingin lang ako kay Jaye na tawa lang ng tawa. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Napaka genuine ng mga ngiti nya. Yung mga mata nya na sumisingkit kapag tumatawa sya, mas lumilitaw ang kagwapuhan nya sa mga ngiti nito. Nakakainlove.
"Via wag mo masyado titigan baka matunaw." Biglang sabi ni Nikko kaya nagulat ako ng tumingin si Jaye sa akin na may matamis na ngiti.
Jusko Jaye!! Wag mo ko ngitian ng ganyan!! Baka mahulog ako ng tuluyannn!! At bago pa tuluyan mangyari yon umiwas na agad ako ng tingin saka nagpatay malisya.
Nagpatuloy na sila habang ako tahimik lamang ako. Hindi pa rin kasi tumitigil yung puso ko sa pagkabog. At mas lalo pa itong tumibok ng mabilis ng magsalita si Jaye na kami lang dalawa ang nakakarinig. "Parehas ba kayo ng crush ni Lance?" Tanong nito.
Titingin na sana ako sa kanya pero muli syang nagsalita. "Wag kang lilingon..." Yung boses nya ang husky at nakapaseryoso.
"Pag tumingin ka, akin ka." Hindi man ako lumingon pero kita pa rin ng gilid ng mata ko na tumingin sya sa akin. Ano gagawin kooOoo!!! Wag ka maingay pusoOoo baka marinig ka nilaaaAaa huhuhuz.
"Hoy bakla ikaw na" Napatingin agad ako kay Sam ng kalabitin nya ako.
"Huh? Anong ako?" Teka ano nangyari sa akin juskoday.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020