#UntoldStory
A/N: Play the song "Pagsuko" by Jireh Lim while reading this. Iplay nyo lang yung kanta hanggang sa POV lang ni Via pagdating sa POV ni Jaye i-off nyo na yung kanta, oke? Hahaha Good. 😂👍
Via's POV
Kapag mahal mo ang isang tao handa kang magpakatanga. Lahat gagawin mo para sa kanya. Kahit ano gagawin mo kasi nga mahal mo sya. Ganun naman talaga diba kapag mahal mo ang isang tao, you will do everything for the sake of love.
Pero tama pa ba itong ginagawa ko? Ako ang nakipaghiwalay sa kanya tapos ako 'tong gustong makipagbalikan din sa kanya. Ganito na ba ako kadesperada o sadyang mahal ko lang talaga sya. Ewan ko ba kung tama pa ba itong ginagawa ko basta ang alam ko lang mahal ko sya at handa akong magsakripisyo ulit para lang sa kanya.
"Via, ano bang pinagsasabi mo? Napagusapan na natin ito diba?" Naguguluhan pa rin nyang tanong habang ako patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha sa aking mata.
"Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga iyon Ian. Nadala lang ako ng emosyon. Ayokong mawala ka sa akin, mahal na mahal kita. Please tayo na lang ulit." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
He sighed. Hinawakan nya ang dalawa kong balikat. "Via, this is the best thing we should do. We need space from each other. Alam kong nasasaktan ka na, you don't deserve someone like me. Mahal kita... Noon. I'm sorry." Mahinahon nyang sabi.
Mahal kita ... Noon.
#Wasak
Hindi ko na napigilang yakapin sya sinubsob ko na din ang mukha ko sa dibdib nya. "Hindi totoo yan Ian alam kong mahal mo pa ako. Dalawang taon tayong nagsama kaya imposibleng hindi muna agad ako mahal. Kung ang plano mo lang ay saktan ako, panalo ka na. Kasi ang sakit sakit na Ian pero kahit masakit okay lang kasi mahal kita." Hagulgol kong sabi sa kanya.
Pilit nyang inilalayo ang sarili nya sa akin pero lalo ko lang hinihigpitan ang yakap sa kanya. "Siguro nga mahal pa kita pero yung pagmamahal na yun hindi na katulad ng dati. Mahal kita pero hindi na bilang kasintahan. Mahal kita pero hindi na katulad ng pagmamahal mo sa akin. Mahal kita pero wala na yung saya katulad ng dati. Mahal kita pero nakakapagod din pala. Nakakapagod magmahal kung wala ng pagmamahal na nadarama. Kasi itong pagmamahal ko sayo, hindi na sya buo at hindi na kailanman mabubuo pang muli." Mahaba nya sabi habang nakayakap pa din ako sa kanya.
Unti unti akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya. Tumingin ako sa mata nya pero nakatingin lang sya sa lupa. "Bakit parang ang bilis mo atang makalimot? Bakit parang ang bilis mong maka move on? Minahal mo ba talaga ako? Kasi ako? I loved you and I still love you." Tumingin sya sa akin habang ako nakatingin lang sa kanya. Walang emosyon pero patuloy na lumuluha.
"2 years Ian! 2 years! Dalawang taon! Sa dalawang taon na ba yon minahal mo ba ako? Kung minahal mo nga ako bakit parang ang dali mo atang sabihin na hindi mo na ako mahal? Dahil ba napagod ka? Nagsawa ka na? Kung ayun ang dahilan edi sana noon palang hindi na din kita mahal kasi noon pa lang pagod na ako! Nasasaktan na ako! Pero kahit ganun mahal pa rin kita hindi yon nagbabago at hinding hindi yon magbabago." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Kahit anong punas ko sa luha ko patuloy pa din ito sa pag-agos.
Hindi ko inaasahang ganito pala ang mangyayari. Masakit kaysa sa inaasahan ko. Masakit marinig ang mga sinabi nya sa akin. Sa sobrang sakit konting konti na lang magiging manhid na ako.
"Huling pakiusap ko na 'to Ian Angelo. Please..." Pakiusap ko sa kanya.
Matagal bago sya nagsalita. Huminga ng malalim saka muling tumingin sa akin. Alam kong mahal nya ako. Hindi ako naniniwalang hindi na nya ako mahal. Si Ian ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, sya yung dahilan ng mga ngiti at saya sa mga labi ko at higit aa lahat sya ang bumubuo sa araw araw ko kaya umaasa ako na pwede pa. Sana pwede pa...
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020