#UntoldStory
Via's POV
Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko, sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko huhuhu. Gusto ko syang kausapin, tanungin, kamustahin pero paano ko yon makakagawa kung magtititigan lang kami dito?
He cleared his throat.
"K-kamusta?" Ano ba yan! Anong klaseng tanong yon kainis.
Ngumiti sya. "Okay naman."
Mabuti pa sya okay na ako kaya kailangan magiging okay?
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong nya.
Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung sinabi mong hindi muna ako mahal? Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko nung gabing iyon! Ayokong maghiwalay tayo kasi Mahal na mahal kita. Diba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan? Na tayo ang magpapatunay na may forever? Na kahit anong mangyari walang makakatibag sa ating dalawa? Please Ian bumalik ka na sa akin! Nabigla lang ako sa mga sinabi ko kaya ko nasabi ang mga iyon. Mahal na mahal kita bumalik ka na please....!!!!
I forced myself to smile. "Wala na."
Tumango sya saka umalis na sa harapan ko. Ako naman naiwang nakangiti habang dahan dahang tumutulo ang aking mga luha. Umupo ako sa hagdan saka tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
Ang sakit. Akala ko pwede pang maayos. Umasa ako na kakausapin nya ako para bumalik ako sa kanya pero umasa lang ako sa wala. Nakalimutan kong mataas nga pala ang pride nya. Hindi ko inaasahang aabot kami sa ganitong sitwasyon, sa isang iglap biglang nagbago ang lahat.
"My princess..." May narinig akong boses kaya tinignan ko kung sino ito. Nang makita ko na si Chesca pala dali dali ko syang niyakap habang may hawak hawak syang mga pagkain. Kitang kita ko sa mata nya na sobra syang naaawa sa akin.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Naguguluhan nyang tanong.
Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Mabuti na lang walang dumadaan na estudyante dito kaya hindi nakakahiyang tignan. "Nagkita kami kanina na para bang walang nangyari. Kung makangiti sya para bang hindi sya nasaktan na nawala ako sa kanya. Hindi na nya ba ako mahal? Ganun ba kabilis mawala ang feelings ng isang lalaki?" Humahagulgol kong tanong sa kanya. Hindi pa rin ako humihiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Hindi sya sumagot sa mga tanong ko gayunpaman kahit papaano may nasandalan ako sa oras na kailangan ko ng isang kaibigan.
Pagkatapos ko magemote. Nagpunta muna kami sa Comfort room para maghilamos. Ayaw daw nyang bumalik ako sa room na ganito ang itsura ko. Namamaga ang mata at magulo ang buhok. Pagkatapos ko maghilamos bumalik na kami sa classroom. Tuloy ang pagchecheck ng papers pero hindi na ako nagchecheck pa dahil wala talaga ako sa mood. Tulala lang akong nakatingin sa white board ng biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romantizm"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020