Kabanata XXIV

88 14 0
                                    

#UntoldStory

Via's POV

Hindi ko maiwasang isipin yung mga nangyari nitong nakaraang araw. Bakit sa lahat ng pwede kong makita that night, bakit si Jaye pa? Pwede namang ibang tao, yung mga matatanda, mga batang lansangan, O di kaya si Ian pero bakit sya pa? At bakit hanggang ngayon pinagtatagpo pa rin kami?

"Dito ka muna bibili lang ako ng makakain natin. Nakakahiya naman sa tyan mo kanina pa nagrereklamo." Sabi nito habang nilalapag ang gamit sa upuan saka umalis.

Nakailang buntong hininga na ako pero di ko pa rin maiwasang isipin ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko maalis ang tingin kay Jaye habang namimili sya ng pwede namin makain. Napakaseryoso ng mukha nya. Ang gwapo pa rin nya kahit nakakunot ang noo nito. Siguro kahit nakatalikod 'to ang gwapo pa rin tsk.

Bigla kong naalala yung text sa akin ni Ian kanina kaya kinuha ko agad yung phone ko. Binuksan ko agad yung data connection ko para makapag-online. Sa messenger ko na lang sya ime-message. In-open ko yung message namin at muli na naman akong napabuntong hininga. Namimiss ko na sya.

Active 1hr ago.

Mabuti na lang offline sya. Magcocompose na sana ako ng message ng biglang magshutdown ang phone ko. What the hell!! Sinasadya mo talaga 'to tadhana grrr.

"Oh bakit nakabeastmode ka?" Tanong ni Jaye saka umupo sa harapan ko. May dala syang dalawang cup noodles at dalawang cup of coffee.

"Low battery." Wala gana kong sagot saka nilagay sa bag yung phone ko.

"Kumain muna tayo para may lakas tayo mamaya." Nakangiti nyang sabi.

"Magkano nga pala 'to?" Tanong ko pero umiling lang sya. "My treat." Nakangiti pa rin sya.

Hindi ko tuloy mapigilang mapakunot noo. Naiwan na nga kami nagagawa pa rin nyang ngumiti. Nagagawa pa nyang maging kalmado sa mga oras na ito. Siguro alam nya yung pauwi kaya chill lang sya.

"Alam kong gwapong gwapo ka sa akin kaya wag mo na akong titigan ng ganyan." Sabi nito habang patuloy pa rin sa pagkain.

Nang tumingin sya sa akin ng may ngisi saka lang ako nag-iwas ng tingin. "Uminom ka nga ng kape, para naman kabahan ka tsk." Natawa lang ito sa sinabi ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Hindi na ako muling tumingin sa kanya baka kasi may masabi na naman sya. Kumain na lang din ako para makaalis na rin kami. Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Jaye.

"Alam kong gwapong gwapo ka sa akin baby kaya wag muna akong titigan ng ganyan."

Ganyan din yung sinabi ni Ian nung huli kaming nagkita. Napailing ako. Si Ian na naman. Sya na naman yung nasa isip ko, paano ko makakamove on nito kung sya lagi ang nasa isip ko? Argh.

"Alam mo kumain ka muna. Mamaya mo na isipin lahat ng iniisip mo ngayon. Tignan mo ko tapos na habang ikaw malamig na yung noodles at kape nakakaisang subo ka pa lang at higop sa kape." Napatingin ako sa kanya. Halatang seryoso na sya ngayon kaya nagpeace sign ako tsaka kumain na.

Pagkatapos namin kumain lumabas na kami ng convenience store. Mataas na ang sikat ng araw malapit na kasi mag alas-dose eh.

"Alam mo ba kung paano tayo makakauwi?" Tanong ko kay Jaye.

Napakamot sya sa batok. "Actually hindi ko rin alam eh pero kung magtatanong tayo malalaman natin. What do you think?" Nakangiti nitong tanong.

Tinaas ko ang kanang kilay ko. "At saan naman tayo magtatanong dito, aber?" Walang masyadong tao dito at wala ding dumadaan na mga sasakyan. Kung may dumaan man mga bus nga lang kaso madalang nga lang.

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon