Kabanata XXVI

94 9 1
                                    

#UntoldStory


Via's POV

It's really hard when you invested all your love to that person then all of a sudden, that person changed. Well, siguro ganun talaga. Things happens for a reason. Minsan may mga taong darating lang sa buhay natin, at yung taong 'yon maaaring mag-stay or umalis sa buhay mo. Siguro kaya lang sya dumating para magbigay ng lesson para sayo. Para may matutunan sa buhay. At yung taong 'yon ang magiging dahilan kung ano ka ngayon. At yung taong yon walang iba kun'di si–

"Jaye" sambit ko.

"Hmmm" I heard him moaning.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at iniangat ang ulo. Ang sakit ng batok ko shet. Nakasandal pala ako sa balikat ni Jaye. I yawn. Nakaidlip pala ako nang hindi ko namalayan. Napagod din kasi ako kanina sa kakalakad tapos ang aga pa nami nagising at umalis.

Napasilay ako sa bintana, madilim na makakaabot pa kaya ako sa debut party ni Ana? Hindi ko naman sya ma-message dahil lowbat na ang aking cellphone. Napatingin ako kay kay Jaye na nakalukipkip ang mga kamay at may nakapatong na panyo sa kanyang mukha. Mukhang mahimbing ang kanyang tulog ha. Tinignan ko ang oras sa relo nito.

7:48pm

Pupunta pa kaya ako sa party? Kapag naman kasi hindi ako pumunta for sure magtatampo sa akin yung babaeng yon tsk. So wala akong choice kung hindi ang pumunta. Hindi na ako nakatulog pa, sinandal ko na lang ang aking ulo sa bintana saka tinanaw ang labas nito.

Iniisip ko kung ano na mangyayari pagkatapos ng araw na ito. Dalawang araw din akong nawala sa amin at sa dalawang araw na yon marami akong natutunan. Marami akong bagay na narealize hindi lang para sa sarili ko kung di pati na rin sa mga nakasama ko sa camp. Akala ko talaga ako lang yung taong sumama lang dun para makamove on, hindi pala. Iba iba man kami ng pinaggalingan pero iisa lang ang dahilan kung bakit kami nagpunta doon. Nasaktan.

Naramdam kong gumalaw si Jaye kaya napatingin agad ako dito. "Gising ka na?" Tanong ko habang pinupunasan nya ang kanyang mukha gamit ang panyo.

"Hindi tulog pa ako, kaluluwa ko lang 'tong gising." Pilosopo nitong sabi.

"Tsk ewan ko sayo."

"Saan na nga pala tayo?" Pag-iiba nito ng topic. Muli akong napatingin sa bintana para tignan ang lugar.

"Malapit na tayo umayos ka na."

Pagkababa namin naisipan kong dumaan muna sa Mall para bumili ng regalo at doon na rin makapagpalit ng damit. Dumeretso agad kami sa Sm Store ni Jaye naglibot libot kami ng makahanap ng magandang ireregalo sa kaibigan ko.

"Ano bang hilig ng kaibigan mo? Ano yung mga bagay na gusto nya para mabilis tayong makapili." Suggest nito habang nagtitingin tingin ng mga damit.

Napatigil ako sandali saka inisip kung ano yung mga gusto ni Ana. "Mahilig sya sa mga damit specially yung mga pang sexy ba. Gusto din nun ng mga make ups, shoes, accessories or stuff stoys. Hindi ko sigurado eh kung ano talaga gusto nya basta marami syang gusto." Sabi ko.

I sighed. "Ang hirap naman humanap ng pangregalo nakakainis" naiirita kong sabi.

Nagpatuloy na ako sa pagtingin ng mga damit. Napansin kong natawa ng bahagya si Jaye. "Oh bakit?" Tanong ko dito.

"Hindi mo pa ba nasusubukang magregalo?" Tanong nito.

"Nasubukan na syempre. Sa boyfriend este ex pala. Tsaka sa Tita ko at sa mga kaibigan."

"Eh bakit ka ngayon nahihirapan?" Muli nitong tanong.

"Rush kasi. Kapag kasi nagreregalo ako lagi kong pinaghahandaan. Mga one week before may nakaplano na akong bibilhin kaya hindi ako nahihirapan sa pamimili. Ngayon kasi biglaan  nagkaproblema kasi ako kaya hindi napaghandaan." Mahaba akong paliwanag.

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon