Kabanata IX

111 27 2
                                    

#UntoldStory




Jaye's POV

"Ay nako Miya sinasabi ko sayo kailangan mo magrelax. Baka kakastay mo sa iyong kwarto malaman namin na nagbigti ka na pala. Kaya para hindi ka madepress or what, magsaya tayo!" Masaya kong sabi sa kanya habang hila hila ko sya papasok ng mall.

"Grabe bigti agad? Hindi ba pwedeng laslas muna?" Suggest pa nya.

"Wow nagrequest ka pa talaga kung pano ka magsusuicide ah" Sarcastic kong sabi.

Dumeretso agad kami sa Timezone para maglibang. "Oh ano pang hinihintay mo Miya? Let's Play!!" Magiliw kong sabi.

HAHAHAHA ewan ko ba kung bakit ang saya ko ngayon. Siguro dahil binigyan ako ni Papa ng pera para panggala hahahaha. Nagwoworry na daw kasi sila dahil ilang araw ng nagkukulong sa kwarto si Miya kaya naisip ni Papa at Tito na maglibang libang daw muna kami. Para naman daw kahit papaano makalimutan ni Miya yung problemang bumabagabag sa kanyang isipan.

At syempre isa sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon ay dahil sa ticket na binigay sa akin ni Miyaaaa!! Yeyyyy!! Hihi first time ko kasing magjojoin sa ganitong klaseng camp. Dati kasi puro Boy Scouts lang ang sinasalihan ko eh. Tapos yung camping naman sa school lang ginaganap.

I'm sure magiging masaya itong Camp Night na nito kaso wala nga lang akong kasama hmmm bahala na haha. Habang naglalaro kami ni Miya kitang kita ko sa mata nya na nageenjoy sya. Gumaan ang loob ko dahil nakita ko na ulit ang sigla sa kanyang mata.

"Hindi pa ba tayo kakain? Malapit na mag12 oh" Hinihingal nyang sabi sabay tingin sa relo nya.

"Sige kain na tayo." Sang-ayon ko sa kanya. Kahit pala nakatayo ka lang habang nagsho-shoot ng bola nakakapagod din pala. Pa'no ba naman kasi nakailang rounds kami dun sa basketball di kasi matanggap ni Miya ang pagkatalo nya bwahahaha.

Pagkatapos naming kumain sa isang Japanese Food nagpasama naman si Miya sa akin sa Comfort Room naiihi na daw kasi sya.

"Ikaw Jaye hindi ka iihi?" Tanong nya.

Umiling ako. "Hindi na. Hindi naman ako naiihi eh, bilisan mo lang umihi baka abutin ka pa dyan ng hapon tsk."

"K bye." She flip her hair bago naglakad papasok ng Comfort room.

Hindi pa lumilipas ang ilang minuto may dalawang babaeng lumabas din ng Comfort room. Katulad ko halatang may hinihintay din sila mula sa loob dahil hindi pa sila umaalis. Hindi ko lang sure kung may inaantay talaga sila sa loob dahil kanina pa sila tingin ng tingin sa akin habang nagbubulungan –_–

Di ko maiwasang mailang dahil di ako sanay na may tumitingin sa akin. Bakit kasi ang tagal magCR ng isang yun eh. Tsk.

Sa hindi inaasahang pangyayari nagtama ang paningin namin nung dalawang babae, halatang nagulat sila ganun din ako kaya ngumiti na lang ako saka nagwave ng kamay para di masyadong awkward. "Hi." Nahihiya kong sabi.

Humanda talaga sa akin yang babae na yan. Namumuro na yung Miya na iyon konting konti na lang bibingo na sa akin yon.

"Kyaaahhh!! Omggggg!! NagHi sya sa akinnnnn!" Narinig kong sabi ng isang babae.

"Gaga sa akin sya nagHi!! Sa akin kaya sya nakatingin! Kenekeleg ekeee!!" Depensa naman ng kasama nya.

"Banlag ka ba? Sa akin sya nakatingin, shungangers." Masungit na sabi ni Babae 1.

"Ewan ko sayo kahit anong sabihin mo sa akin sya nakatingin hmp!" Babae 2 –.–

So kasalanan ko pa ata ngayon kapag nasira ang pagkakaibigan nila? Ako pa ata ang magiging dahilan ng pagaaway nila, wow! Just wow!

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon