#UntoldStory
Via's POV
Totoo ba itong nakikita ko? Kaharap ko ngayon si Jaye. Parang kanina lang tinatanong ko sarili ko paano kung makita ko sya, anong gagawin ko? Tapos ngayon kaharap ko na sya unexpectedly. Bakit kasi di ko naisip na baka pumunta sya dito ngayon. Di ko tuloy napaghandaan ang pagkikita namin ngayon edi sana naggown ako. Joke!
"Oh nakatitig ka na naman sa akin. Baka matunaw ako nyan." Ngumisi sya.
Ah! Kapal talaga!!!
I rolled my eyes. "Kahit kailan talaga Feelingero ka tsk. Asa uy!" Bumalik ako sa pagkakaupo. Di ko na itutuloy ang pagsigaw ko.
"Ginagawa mo dito? May problema ka na naman?" Tanong nga saka tumabi sa akin.
Ang galing eno hindi lang pala sya feelingero, chismoso din pala tsk. "Wala. Naisipan ko lang pumunta dito para magpahangin." Sagot ko.
Tumingin sya sa akin saka tumawa ng bahagya. "Tinitingin tingin mo dyan?" Masungit kong tanong.
At lalo pa syang tumawa ng malakas, grabe!! Problema ng lalaking 'to.
"Hoy Miss yung payong ko, ano walang balikan?" Sumeryoso naman sya ngayon. Adik ba 'to o bipolar? Psh.
"N-nasa bahay nakalimutan kong dalhin." Nahihiya kong sagot. Umiling iling naman sya.
"Tsk tsk tsk."
"A-atsaka alam ko ba na makikita kita ngayon? Hindi ko naman alam na pupunta ka din dito eh. Hayaan mo next time dadalhin ko na yon lagi para kapag nagkita tayo ibabalik ko agad yon sayo." Nakanguso kong paliwanag. Baka kasi isipin nya inaangkin ko pa yung payong nya.
Muli syang tumingin sa akin. "Panguso nguso ka pa, nagpapacute ka ba sa akin?" Tanong nya sabay kindat.
Hinampas ko sya sa braso na ikinatawa naman nya. "Hoy kahit kailan talaga feeling ka!! Para magpacute sayo anong feeling mo crush kita? Duuhhhh!!" Then I rolled my eyes again. Bwisit 'to napaka hangin tsk.
"HAHAHAHAHAHA ANG SUNGIT MO ENO! MERON KA BA NGAYON?" Sobrang lakas ng tawa nya nakakabingi –_–
"Ewan ko sayo..." Bulong ko. Ayoko na makipagtalo sa kanya. Di naman kami close eh psh.
Katahimikan.
Katahimikan.
Katahimikan.
Katahimikan.
Katahimikan.
"Graduation namin ngayon. Kakatapos lang kaya naisipan kong pumunta dito." Sabi nya habang nakatingin sa kawalan.
Babarahin ko sana sya kaso napansin ko yung ngiti nya parang hindi masaya. Nakangiti nga sya pero kita mo sa mata nya na hindi sya masaya.
"Congrats." Bati ko.
"With honor nga ako eh." Sabi nya.
"Congrats." Bati ko ulit.
Katahimikan muli.
"... Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ko.
"Would you mind if I ask." Dagdag ko pa. Nakatingin pa rin sya sa kawalan habang ako nakatingin lang sa kanya hinihintay ang magiging sagot nya.
"O-okay lang kahit hindi mo sagutin.. Congrats ulit hehe." Ano ba yan feeling close naman ako.
Inialis ko ang tingin ko sa kanya, itinuon ko na lang ang aking patingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020