Kabanata II

246 38 11
                                    

#UntoldStory




Via's POV

Tulala akong nakatingin sa kisame habang umaagos ang mga luhang pumapatak sa aking mata. Gusto kong magalit sa mundong ito. Bakit sunod sunod ang problemang dumadating sa akin ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko na ngayon ang aking ama. Ang ama kong walang kwenta!

Dati gustong gusto ko syang makilala. Lagi lagi kong tinatanong si Tita kung nasaan sya pero hindi din nya alam kung nasaan ito. Simula ng mamatay si Mama, kanila tita na ako tumira dahil wala nang magaalaga pa sa akin noon.

Maaga akong naulila kaya nagpursigi akong magaral para masuklian ko tita sa lahat lahat ng naitulong nya sa akin. Syempre kapag may maganda na akong buhay gusto kong hanapin si Papa. Gusto kong malaman kung buhay pa ba sya kasi bata pa lang ako nung iniwan nya kami ni Mama. Gusto kong marinig ang sides nya kung bakit bigla syang naglaho na lamang na parang bula.

But everything has changed.

Hindi na ako yung dating Via. Siguro dahil napagod na ako kakaasa na makikita ko pa sya o di kaya babalik pa sya. Narealize ko na kung mahalaga ako sa kanya hahanapin nya ako pero ilang taon na ang nakakalipas walang sinuman ang nagtangkang magtanong sa akin kung ako ba si Princess Via Mendoza ang nawawala nyang anak.

Tinanggap ko na sa sarili ko na wala na sya. Inisip ko din na baka patay na sya. Ayoko nang umasa na makikita ko pa sya dahil habang patuloy akong aasa lalo lang akong masasaktan.

Tapos ngayon malalaman ko na buhay pala sya, gusto nya pa akong tumira sa bahay nila. Siguro kung lalaki lang ako baka nasapak ko na sya. Lakas pa nyang magpakita kung kailan kinalimutan ko na sya, kung kailan okay na ako.

Lalong umagos ang aking mga luha. Ang dami kong tanong sa kanya. Ang tagal kong hinintay na makita ang aking Ama pero bakit ngayon na nandito na sya bigla akong naduwag? Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko syang isumpa dahil sa pag-iwan nya sa amin ng wala man lang pasabi. Gusto kong isumbat lahat ng pagkukulang nya sa akin bilang Ama. Imbis na sya ang kasama ko ngayon sa buhay pero hindi eh kasi hindi nya ako hinanap. Mas pinili nyang bumuo ng sariling pamilya kaysa hanapin ako. Hayop sya, psh.

Tumayo ako sa pagkakahiga saka tinignan kung anong oras na. 1:48 am.

Lumabas ako para magpahangin sandali. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa lalaking nagsasabing Ama ko daw sya. Kaasar kung kailan naghiwalay kami ni Ian saka naman dumagdag pa itong Ernesto na ito.

Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si Tita na nakaupo sa sala. Halatang nagaalala sya akin. "Gising ka pa pala Via, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya.

Umupo ako sa tabi nya pero hindi ako tumingin sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko. "Ayos ka lang ba? Saan ka ba nanggaling kanina? Sobra akong nagaalala sayo." Naluluhang tanong ni Tita.

Bigla kong naalala si Jaye at yung lugar kung saan itinuro nya sa akin kanina. Pagkatapos nya kasing umalis nagstay pa ako don ng ilang minuto para makapag-isip isip. Siguro mga alas dose na ako nakauwi tapos dumeretso agad ako sa kwarto ko pero hindi agad ako nakatulog.

"Via, alam kong nabibigla ka sa mga pangyayari ngayon pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang Ama mo." Dagdag pa nya.

Napayuko ako saka bumuhos muli ang mga luha ko. "Tita alam mo naman kung gaano ko kagustong makita ang Papa ko nung bata pa ako diba? Umaasa ako noon na sana makita ko pa sya, kasi marami akong tanong sa kanya. Naghintay ako ng maraming taon na sana makita ko na sya pero nakakapagod din pala Tita, nakakapagod din maghintay sa isang taong wala kang kasiguraduhan kung babalik pa sya o makikita mo pa. Kaya mas pinili ko na lamang na itigil ang paghihintay. Ayoko nang umasa na babalik pa sya." Lumuluhang sabi ko kay Tita. Niyakap lang ako ni Tita, naramdaman kong umiiyak na din sya.

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon