Kabanata XV

105 16 6
                                    

#UntoldStory




Jaye's POV

Gusto kong matawa dahil sa reaction nya pero pinipigilan ko. Halatang gulat na gulat sya ng makita ako. Akala ko ba hinahanap nya ako, bakit parang nakakita sya ng multo?

"Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Wag mo ko titigan baka mainlove ka." I smirked.

Mabilis nyang inalis ang paningin sa akin. "Ang kapal ng mukha" Mahina nyang sabi pero rinig ko pa din.

Lumapit ako sa kanya. "Bakit mo nga ako gustong makausap?" Muli kong tanong sa kanya.

Umupo ako sa buhanginan. Sumenyas ako sa kanya na umupo din kaya umupo din sya sa tabi ko. "A-ano kasi..." Naiilang nyang sabi.

Tumingin ako sa kanya hinihintay ko ang sagot nya. Habang nakatingin ako sa kanya di ko mapigilang humanga sa kanya. Maganda naman pala sya, matangos din ang ilong katulad ko, hanggang siko ang haba buhok nya na sobrang straight, at singkit ang mata. Di ko din maiwasang tumingin sa labi nya na medyo mapula nakalipstick siguro ito. Makinis din ang mukha at kayumanggi ang kulay ng balat.

Muli akong tumingin sa mata nya. "Hinihintay ko ang sagot mo bilisan mo." Kalmado kong sabi.

Nanlaki ang mata nya ng tumingin sya sa akin. "P-pwede ba wag mo kong titigan!!" Naiirita nyang sabi.

"Tsk." I murmur saka tumingin sa dagat.

"Gusto kong lang humingi ng sorry sa inasal ko sayo nung hapon. Wala lang ako sa mood non kaya nasungitan kita." Mahina nyang sabi.

"Kaasar kasi eh puro lovers yung nandon tsk. Ang haharot maghihiwalay din naman sila hmp!" She added. Ayan na naman sya sa pagsusungit.

"Ang bitter mo." Natatawa kong sabi.

Masama syang tumingin sa akin. "Totoo naman talaga eh walang forever maghihiwalay din yung mga yon tsk. Akala ko pa naman makakapagrelax ako dito tapos puro lovers lang ang makikita ko!? Nakakaasar talaga." Di ko alam kung matatawa ako eh sobrang bitter eh hahahaha.

"Wag mong idamay ang ibang tao sa pagiging broken mo. Wag ka din bitter hindi mo yan ikakaunlad hahahaha." Natatawa kong sabi habang nakatingin sa mukha nyang mukhang ampalaya hahahaha.

She rolled her eyes bago tumingin sa kawalan. "Wala namang masama sa pagiging bitter normal lang yon. Bitter kasi nasaktan, nasaktan kasi nagmahal. Kapag hindi bitter, hindi nasaktan, kapag hindi nasaktan, hindi nagmahal." Seryoso nyang sabi.

Tinaas ko ang dalawang kong kamay. "Sorry na po madam hindi na po mauulit. Suko na po ako." Natawa naman sya sa sinabi ko sabay hampas ng mahina sa balikat ko. "Baliw." She murmured.

"Ganon ba talaga kapag bitter, ang daming hugot?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ewan ko sayo hmp!" Sagot nya na medyo natatawa. Hindi na ako nagsalita pa dahil muli syang tumingin sa kawalan habang ako nakatitig lang sa kanya. Yung kaninang ngiti sa labi nya bigla na lang naging seryoso. Parang ang lalim ng iniisip nya sa mga oras na ito. Siguro yung ex nya ang iniisip nya, naalala ko lang nung huli kaming nagkausap yung mga tanong nya sa sarili nya.

"Am I that easy to forget? To hurt? To take for granted? Am I not that important? May nagawa ba akong hindi tama? May kulang ba sa akin?"

"Ako yung nakipaghiwalay sa kanya pero bakit nasasaktan ako? Ako yung nang iwan pero bakit feeling ako yung naiwan? Ako 'tong tangang naghahabol sa kanya."

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon