#UntoldStory
Jaye's POV
May mga taong takot ng maging masaya at mga taong ayaw ng maging masaya. Kasi minsan ang kasiyahan ang nagiging dahilan ng ating kalungkutan. Parang sa pagibig din, may mga babaeng takot ng magmahal muli dahil takot na silang masaktan sa parehong dahilan. Mga babaeng ayaw magmahal yung mas pipiliing maging single forever kasi ayaw nilang masaktan, ayaw nilang maranasan yung sakit na naranasan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Ang hindi nila alam masarap magmahal pero masakit. Ganun naman talaga diba lahat ng kasiyahan may kaakibat na kalungkutan, kapag nagmahal ka di lang puro saya syempre masasaktan ka din. Ika nga nila 'Everything happens for a reason'. Kaya siguro tayo nasasaktan para matuto, matuto sa pagkakamali natin. Umiwas sa mga bagay na alam nating hindi makakabuti para sa atin. Matutong makuntento, magpahalaga, umunawa at magmahal sa taong karapat-dapat. Everyone deserves to be loved and not to be treated like an option or a rebound. Spread love.
"Mr. Valencia? Tapos ka na ba mag-exam?" Bigla akong bumalik sa reyalidad ng makita ko yung professor na nagbabantay sa amin.
"A-ah o-opo" Dali dali kong binigay sa kanya yung questionnaire at answer sheet.
"Are you okay? Malalim ata ang iniisip mo ah." Nakangiti nyang tanong. Whew! Mabuti na lang hindi masungit 'tong professor na nagbabantay sa amin.
"Sorry po ma'am may iniisip lang po. Sige po mauna na po ako." Kinuha ko na yung dala kong bag saka umalis na. Pero bago ako tuluyang makalabas ng room narinig ko pang nagsalita si Ma'am.
"Hays pag-ibig nga naman."
Then I smirked.
"Bakit ba ang tagal mo mag-exam? Ganun ba kahirap para sayo yung test?" Naiiritang tanong ni Miya.
Napakamot naman ako sa ulo. "Sorry, actually kanina pa ako tapos mag-exam kaso may iniisip lang ako kaya natagalan ako sa room."
She rolled her eyes saka naglakad pababa ng building. Ang bilis nya maglakad kaya patakbo ko syang hinabol.
"Wuy sorry na! Sungit mo meron ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Mabilis nyang sagot.
"Eh bakit ang sungit sungit mo?" I pouted.
"Ikaw kasi eh naglilihim ka sa akin. SA AMIN." Sabi nya saka tumigil sa paglalakad. Humarap sya sa akin na may matalim na tingin.
"A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong.
"Hoy Jaye kilala kita ikaw yung tipo ng lalaki na bihira lang maglihim at di marunong magtago ng sikreto." Naningkit ang mata ni Miya.
A-alam na ba nila? Na may gusto ako kay Hazel? Anong gagawin koooo? Huhuhu
"Ano bang pinagsasabi mo, Miya. Deretsuhin muna ako dami mo pang sinasabi tsk." Kumunot ang noo ko dahil sa kanya. Ayokong ipakita sa kanya na kinakabahan ako baka lalo nyang malaman ang totoo. Whew!
"So tell me Mr. Clinton Jaye Valencia, bakit ka naiwang tulala kanina sa room? Sino ang iniisip mo? Hmp!" Mataray nyang tanong.
Kahit kailan talaga Micaella Yana Valencia lagi mo kong pinapakabaaaa!!!
"Wala nga lang yon! May bigla lang akong naalala na isang tao– bagay pala. Oo tama bagay!" Inis kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad papalabas ng campus na ito.
"Hoy Jaye! Di ako naniniwala sayo! Sino ba kasi iniisip mo kanina? Ayiiie in love na si pinsan!! Kanino ka ba natamaan Jaye!? Hoy sumagot ka!" Sigaw nya habang lakad takbo nya akong sinusundan sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romantik"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020