Kabanata XVIII

86 13 3
                                    

#UntoldStory





Via's POV

"Girl ano ba!? Kanina pa dyan sa CR!! Ano ba ginagawa mo dyan!?" Sigaw ni Lara mula sa labas.

"Hoy Via bilisan mo dyan ihing ihi na ako!!" Narinig kong kumalabog ang pintuan dahil siguro sa hampas ni Abby.

Napairap ako. "Teka lang kasi nagbibihis pa ako!" I lied.

"Mahigit 20 minutes ka na dyan hindi ka pa rin tapos magbihis!?" Halatang gigil na gigil na sigaw ni Abby.

Muli akong napatingin sa salamin at napahawak sa pisngi ko. "Bakit ganun yung naramdaman ko kanina? Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Tapos ngayon naman namumula pisngi ko. Aahhh hindi ito pu-pwede!!" Mangiyak ngiyak kong sabi sa aking sarili.

Hinampas hampas ko ang aking ulo. "Hindi ito totoo! Wala akong gusto kay Jaye. Wala! Wala! Wala!  Kakakilala lang namin ngayon kaya imposibleng gusto ko kaagad sya. Kaya it's a big no no."

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan. Pagbukas ko dali daling pumasok si Abby para umihi habang sila Lara, Ella at Sam ay ang sama ng tingin sa akin. "Hehe peace." Ayan na lang nasabi ko.



"Ang bagal mo maglakad para kang pagong" Reklamo sa akin ni Ella.

"Manonood pa ba tayo? Nakakatamad eh" Reklamo ko din hahaha.

Napatigil sa paglalakad si Lara kaya napitigil din kami. "Alam mo kanina ka pa nagkakaganyan, may problema ba?" Tanong nya.

Mabilis akong umiling, "Wala ah. Wala. Okay lang ako."

"Eh bakit ayaw mo manood? Gumawa pa naman kami ng banner para kay Jaye. Kasi kanina todo support sya sayo eh. Ang laki laki kaya ng ngiti nya kanina habang pinapanood ka, todo support sya sayo girl." Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Abby.

"Ang gwapo gwapo nyang tignan kapag nakangiti sya. Nililiitan pa nga nya ang kanyang mata para makita ka eh, malabo daw kasi ang mata nya. Alam nyo ba habang pinagmamasdan ko si Jaye kanina feeling ko gusto ko na sya, ay hindi mahal na pala. Awwiieee!!" Dagdag pa nya na sobrang laki na nang ngiti ngayon. Nagdedaydream pa ang gaga.

Binatukan naman sya ni Ella para matauhan. "Feeling mo maganda ka na nyan? Echusera hmp."

Napatingin naman sa akin si Sam, "Don't tell me kaya ayaw mo manood kasi—" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sam.

"Tara na, late na tayo oh! Baka hindi na natin sila maabutan doon hehe." Sabi ko sabay hila kay Sam habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig nya.

Late na nga kami dahil tatlo na lang silang candidate na nasa stage.

"Konti lang daw ang nag-audition tapos lima lang daw yung nakapasa." Ipaliwanag ni Lara. Napatingin ako sa stage sila Candidate No. 1, 2, and 4 na lang ang natitira.

Napangiti naman ako dahil isa si Jaye sa nakapasok sa Top 3. Aaminin ko mas lalo syang naging gwapo dahil sa suot nyang white tuxedo, bumagay ito sa kanyang white complexion. Para syang isang prinsipe tapos napaka genuine pa ng smile nya. Kasama din sa Top 3 si Matthew yung nagpakilala sa akin kagabi. Infairness ha ang gwapo din nya, chinito tapos moreno. Pilipinong pilipino. Pak! Yung isa naman parang superstar kung umasta. Sobra kung makangiti at makakaway feeling artista lang. Hmmm sabagay mukha naman talaga syang artista eh. Actually silang tatlo parang mga artista. Parang sina Daniel Padilla, Enrique Gil, at James Reid.

Nagulat ako ng bigla akong may naramdamang palad sa pisngi ko. "Grabe ha! Ang sakit girl!!" Sigaw ko kay Lara.

"Kanina pa kasi tulala dyan, sino ba bet mo dyan sa tatlo?" Sabi ni Lara.

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon