#UntoldStory
Via's POV
"Ayoko nga sabi eh!!" Todo tanggi kong sabi kay Lance.
"Girl ang unfair mo kanina ka pa di nakikijoin sa activities, kaya halika na." Sinubukan nyang hilahin ang kamay ko pero ayoko talaga!! Huhuhu.
"Promise next game sasali na talaga ako! Pangako, sasali ako mamaya." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nangangako talaga.
"Tsk kanina pa napapako 'yang mga pangako mo kaya let's go na!" Pamimilit sa akin ni Lance.
"Lance please!! Kahit ano sasalihan ko basta wag lang 'to." Naiiyak kong sabi.
"No-"
"AT!! Wag lang kapartner si Jaye, please!! Huhuhuhu." Pagmamakaawa ko sa baklang 'to.
Binatukan nya ako ng mahina. "Kanina sabi ko sali ka sa the boat is sink in, ayaw mo naman, nung niyaya kita sa stop dance dahilan mo hindi ka marunong sumayaw."
"Pero-"
Tinapat nya ang isa nyang palad sa mukha ko. "Hep!! No buts. Whether you like it or not, ikaw ang maglalaro para sa grupo natin." Seryosong sabi nya.
Tinignan ko ang mga itsura ng kagrupo ko halatang pagod na din sila kakalaro kanina pa. Nakita ko sila Jemuel at Jaye na nagtatalo din sa isang sulok. Napasimangot naman ako, bakit kasi di pa ako sumali kanina eh hays.
Biglang lumaki ang ngiti ko ng makita ko si Sandra na sitting pretty sa ilalim ng puno. Mabilis akong napatingin kay Lance na nakataas ang kilay. "Try mo kayang alukin si Sandra? I'm sure papayag yon."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya dali dali akong lumapit kay Sandra na nagpapaypay sa kanyang sarili gamit ang kamay nito. "Sandra, gusto mo maglaro?"
She rolled her eyes, "Ayoko" Matipid nyang sagot.
"Hmm kahit si Jaye ang partner?" Tanong ko.
Napatigil agad sya sa pagpaypay at dahan dahang napatingin sa akin. Yes, sa wakas hindi-
"Ayoko nga!! Ano naman kung si Jaye yung partner ko? Kanina pa ako naglalaro eh ikaw naman kaya 'no? Kanina ka pa di naglalaro eh tsk." Halatang naiinis nyang sabi.
Hindi agad ako nakapagsalita. LAGOT!
"OKAY BE READY! TWO REPRESENTATIVES OF EACH GROUP, SAAN NA!?"
Hinila agad ako ni Lance papunta sa unahan. Kahit ayoko talaga wala na akong magagawa pa hays. Walang gana akong lumapit kay Jaye na hindi mapakali sa pwesto nya.
Tumigil lang sya sa paglilikot ng makita nya akong papalit na sa kanya. Nasa harap namin ngayon ang isang pirasong mansanas na nakasabit.
"ARE YOU READY GUYS!?" Pahiyaw na tanong ni Kuya CJ at syempre hiyawan agad ang mga kasamahan namin.
"So, sinong kakagat?" Mahinang tanong ni Jaye.
"Ikaw bahala, gusto mo ba?" Pabalik kong tanong sa kanya?
Ayan na naman yung malaki nyang ngiti. "Sige ako na lang kakagat. Saang part ko ba kakagatin?" He asked then smirk.
Napakunot naman ako bigla pinagsasabi ng lalaking 'to? Lalong lumakas yung tawa nya siguro napansin nya na hindi ko gets ang sinabi nya.
"HAHAHAHA ang slow mo eh 'no?"
"Huh?"
"Wala nevermind."
Napaisip agad ako bigla, ano bang meron sa sinabi nya? Tinanong lang naman nya ako kung saang part daw nya kakagatin. Teka-
Hinampas ko sya sa balikat nya. "Hoy! Ang baboy mo!"
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020