#UntoldStory
Via's POV
4:00 am
Maaga kaming nagising para mag-agahan. Kailangan namin gumising ng maaga para makapag-impake pa ng mga gamit namin. Maaga kasi kaming babyahe para hindi kami gabihin sa pag-uwi. Tahimik lang kaming kumakain, masyado pa kasing maaga. Actually inaantok pa nga ako eh. Dahil mabilis lang ako kumain naisipan kong maglakad lakad muna sa labas habang hinihintay sila Sam na matapos kumain.
Medyo madilim pa ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Dapa pala nagdala ako ng jacket or long sleeve man lang. Bigla akong napangiti, hindi pa lumilitaw ang araw kaya may pagkakataon pa ako para masilayan ito. Habang nag-hihintay ako napansin kong papalapit sa akin si Nikko, kaibigan ni Jaye at kasama namin kagabi.
"Malamig ha ginagawa mo dito?" Pambungad nyang tanong paglapit. Halata ngang giniginaw sya dahil yakap yakap nya ang kanyang sarili.
"Tapos na kasi akong kumain eh kaya naisipan ko munang lumabas. Ikaw ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ganun din katulad sayo, tagal nilang kumain eh kaya lumabas din muna ako."
Tumango na lamang ako bilang sagot. Tumingin lang ako sa kawalan medyo lumiliwanag na din at unti unti ng lumilitaw ang araw. Isang panibagong umaga na naman. Panibagong pag-asa para maging malaya. Na sana maging masaya ang araw na ito. Sa loob ng mahigit dalawang araw ko dito ang dami kong narealize at naramdaman. I feel relieved at the same time happy.
"Ganda ng ngiti mo ha." Biglang naglaho yung ngiti ko dahil sa sinabi ni Nikko. Nandito pa pala 'to kala ko umalis na.
"Ang ganda kasi ng araw eh. First time ko lang kasing makakita ng sunrise, madalas kasi tanghali na ako nagigising kaya hindi ko sya nakikita." I said then he nod.
"Ganda diba? Nakakagaan ng loob. Nakakaganda ng umaga. Yung may dahilan ka na naman para lumaban sa hamon ng buhay ganun." I added.
"Dahilan para muling umasa sa mga bagay na imposibleng mangyari." He said. Tumingin ako sa kanya. "Gaya ng?" Tanong ko saka sya tumingin sa akin ng may mapait na ngiti. "Na mababalik sya, na may pag-asa pa sa aming dalawa."
Naalala ko bigla yung mga sinabi nya kagabi tungkol sa ex nya. Ang pagkakatanda ko may iba ng mahal yung mahal nya. Na umaasa pa sya na pwede pa, na maayos pa. "Ikaw? Sa tingin mo maaayos pa yung sa inyo ng ex mo?" Bigla nyang tanong. Oh bakit nadamay ako dito?
Napaisip tuloy ako. Maaayos pa nga ba? "Hindi ko din alam eh. Syempre nandun pa rin yung probability na sana maayos pa, na magkabalikan kami. Mahigit 2 years din yung pinagsamahan namin kaya ang hirap kapag natapos lang yon ng ganon ganon." Explain ko sa kanya.
Naisip ko na naman yung mga memories namin ni Ian. I sighed. "Sa totoo lang kasi, ayoko na ng panibagong karelasyon. Ayoko na ng bagong manliligaw at bagong ie-entertain. Ayoko na ulit i-explain sa ibang tao ang sarili ko. Gusto ko kung sino na yung kasama ko ngayon, sana hanggang pagtanda ko sya na." Kaso parang imposible na mangyari yon hays.
Naramdaman kong ginulo nya ang buhok ko habang nakangiti. Epal talaga. "Drama mo. Maaayos pa yan, magtiwala ka lang. Magulo lang siguro ang isip non kaya kayo naghiwalay pero sigurado pagbalik mo sa inyo. Makikipagbalikan yon sayo." Sabi nya. Nako Nikko magdilang anghel ka sana.
"Eh ikaw? Bakit ka pa rin patuloy na umaasa kahit alam mong may iba na?" Ops mali yata ako ng tanong bigla kasing nagbago ang expression ng mukha nya eh.
Matagal bago sya sumagot, akala ko nga hindi sya sasagot eh. "Ganun naman talaga siguro kapag sobrang mahal mo yung isang tao. Yung hindi ka agad susuko. Aasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong wala ng aasahan pa kasi obviously, masaya na sya sa iba. Ginawa ko naman ang lahat, naging tapat naman ako sa kanya pero bakit iniwan nya pa rin ako? May nalalaman pa syang kami hanggang dulo pero ako lang yung naiwan dito." He smile bitterly. "Siguro nung nagpaulan ng katangahan nasa labas ako nag-eenjoy, kasalanan ko pa yatang minahal ko sya ng sobra." I saw his smile. Yung ngiting naghihinayang, ngiting nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Romance"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25, 2020